Ika-tatlongpung Kabanata

34 3 0
                                    


Habang nakatitig ako sa cellphone ko biglang hinablot ito ni Kevin at binasa nya iyon. "Nice, ang galing talaga ng kaibigan mong yan." Sabi nito habang may tinatype sya sa cellphone ko.

"Hoy! Ano naman ang sasabihin mo dyan?" Hindi nya ko pinansin bagkus ngumiti lang ito ng nakakaloko sakin at binalik nya ang cellphone ko kaya dali-dali kong binasa ang reply nya kay Nic. Yes, I'm with her. By the way thank you for taking care of this naughty girl Nic. Napangiti na lang ako sa nabasa ko.

"Why are you smiling like that Thalia?" Sabi nito sakin habang hindi nakalampas sakin ang pinipigilan nyang pag ngiti.

"You can smile if you want. C'mon!" Sabi ko dito habang pinagsalikop ko ang kamay naming dalawa.

"Silly." Sabay gulo nito sa buhok. Ano kayang meron sa buhok ng mga babae't ginugulo nila ito? Minsan ang weird din ng mga lalaki.

Pagkatapos namin bumili ng libro ni Kevin dumaretso na kami sa bahay namin dahil nagluto din naman si Manang ng food para samin pero di namin inaasahan ang sumalubong samin na ikinagulat naming dalawa.

"Surprise!" Sabi ng family namin. "Let's eat." They smiled at us.

"K-kelan pa po kayo umuwi?" Sabi ko sa kanila't niyakap ko sila ng pagkahigpit higpit. "Nagulat po ko sa inyo Mommy at Daddy akala ko po kasi aswang." Pagkasabi kong yun bigla silang humagalpak ng tawa kaya pumunta ako sa likod ni Kevin bali yung kalahating katawan ko nakatago at yung kalahati naman ay nakalabas.

"Pati si Mommy aswang?" Sabi ni Mommy at nag pout pa ito. Ang saya ng ganitong pamilya.

"Nop---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang sumingit si Daddy.

"Sino ang aswang baby?" Sabi nito habang nakangiti. Alam kong nag-aasaran lang kami nila Mommy at Daddy. Samantalang sila Kevin tawa pa ng tawa kaya naman kinurot ko ang braso nya kaya tumigil ito sa pagtawa't tumingin ito sakin sabay ngiti ng nakakaloko.

"Tito pagalitan nyo nga po yang si Thalia." Pagkasabi nyang yun inalis nya ko sa likod nya at itinabi sa kanya.

"Daddy ang tinutukoy ko pong aswang ay eto pong katabi kong lalaki." Sabay tawa ko ng mahina pero sila kung makatawa wagas.

"Iha, ikaw lang ang nakakagawa ng ganyan kay Kevin." Tita said and smiled at me.

"Sinong aswang ang sinasabi mo?" Bulong ni Kevin sakin.

"Ikaw." Pagkasabi kong yun naglakad ako't pumunta sa likod nila Mommy.

"Thalia halika dito." Sabi nya pero umiling lang ako. "Pag kita nahuli, lagot ka sakin." Sabi nya pero hindi sya makabwelo dahil humarang si Tito kaya ngumiti lang ako pero tong sila Mommy pasaway.

"Let's go kumain na tayo." Pagkasabing yon nila Mommy umalis na sila pati sila Tita kaya naman bago ako mahuli ni Kevin pumunta ko kay Manang at eto na nga kaming dalawa ni Kevin naghahabulan na kami sa bahay namin.

"Juskong mga bata to, ako'y nahihilo sa inyong dalawa." Sabi ni Manang samin. Paano ba naman ginagawa kong pang harang si Manang saktong may bitbit pa naman sya kaya etong si Kevin hindi ako mahuli huli.

"Tama na yan kumain na tayo." Sabi ni Mommy kaya naman tumigil na kami ni Kevin at tinulungan na lang si Manang.

Habang nakain kami nila Kevin bigla naman nasabi samin ang tungkol sa Cebu pero ang sabi nila hindi na daw kami matutuloy sa Cebu nila Nic dahil maaga naman sila nakauwi kaya napag-usapan ng mga parents namin na sila na lang ang pupunta. Sayang naman, bonding na rin sana namin yun nila Nic at Lensha kaso hindi naman natuloy, maybe next time.

When the RAIN pours downTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon