"Thalia anong nangyari sayo bakit ka nakatulala dyan?" Bakit nga ba ako nakatulala. Baka nga nagbibiro nga lang din si Kevin tsaka bakit ko nga ba iniisip pa yon.
"Ah. Wala naman Lensha. Saan pala tayo ngayon tapos na pala ang klase hindi ko man lang namalayan." I said.
Paano mo malalaman kung malalim ang iniisip mo? Swerte mo at hindi ka tinawag ni prof. kung hindi sipak ka kanina.
"Nakikinig naman ako kanina sa discussion sadyang hindi ko lang namalayan na tapos na pala." Sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya. Mukhang hindi naniwala ang gaga.
"Uhm... Okay. May quiz tayo bukas remember?" Quiz bukas?! Bakit parang hindi ko ata yun narinig?
"Ah... Oo nga." Sabi ko sabay tingin ko sa mga kamay ko. She laughed at me.
"See. Nililipad ang utak mo. I was joking Thalia. Let's go na." She laughed again.
"Ano nakakatawa paki explain?" I said. Nakakirita.
Bigla syang tumingin sa may pinto at ngumuso. Ano naman ang nginunguso nitong babae na to. Nawala tuloy ang pagkabadtrip ko sa kanya. Tapos bigla akong napatingin sa tinuturo nya. "Sya. Ikaw ang mag explain sakin. Bakit sya andito?" Sabi nya sabay taas ng kilay nya. Naku! Pag ganito tong babae na to alam ko na ibig sabihin nito.
"Thalia. Let's go alam kong wala ka ng klase. By the way Hi Lensha." He smiled at us.
"Hindi pwede aalis kami ni Lensha. Nakikita mo di'ba?" Sabi ko sa kanya sabay turo ko kay Lensha pero itong si Lensha biglang may binulong sa akin.
"Go girl. Andyan na din naman ang sundo ko. I need to go. Enjoy at ikaw hindi pa tayo tapos i-kwento mo sakin ang lahat lahat ha." Sabi nya sabay nag bye na sya samin ni Kevin.
*=*=
Andito kami ngayon sa mall at naghahanap ng librong pwede kong basahin. Akala ko kasi tatanggi sya sa sasabihin ko pero nagkamali ako dahil mahilig din pala mag basa ang mokong. Takteng lalaking to hindi ko akalain na mahilig to magbasa ng books.
"Which one do you like? The best of me or A walk to remember?" So favorite nya si Nicholas Sparks?
"Nicholas sparks is your favorite author?" I asked him while smiling.
Yeah and I know you also like his books.
How did you know?
"I needed someone like you in my life" Whatthe! Corny but he makes me laugh.
"Crazy. Seriously, how did you know?" Sabi ko sabay tingin sa mga books. Ano bang bibilin ko.
"By instinct." Ah I see kaya pala.
"I want this." I said.
The notebook? Why, hindi mo pa ba yan napapanood?
"I'm done watching it but I want this book." Kailangan ko pa i-explain kung bakit ko bibilin to pero masaya akong kasama sya. Hindi sya katulad ng iba na boring.
*=*=
Nang umuwi ako samin bigla na lang dumating si Lensha ng walang pasikalye na pumunta agad sa kwarto ko.
"Girl ano na ikwento mo na. What happened?" Sabi nya sabay yugyog sakin.
Anong what happened?
Ano? Sige ilihim mo pa alam kong may something na kayo ni Kevin.
Hmm. Something? Wala kinukulit nya lang ako na kung pwede daw syang manligaw.
Tapos anong sabi mo?
Sabi ko ayoko pero sabi nya whether I like it or not liligawan pa din daw nya ko.
"Mygosh! Ikaw lang pala ang makakapag baligtad kay Kevin muntakin mo na sayo pa sya na inlove." Sabi nya sabay hagikgik.
"Loka. Malay mo naman na joke lang yun." Sabi ko sa kanya sabay upo sa kama at kumuwa na din ako ng cookies.
"Sus. Walang biro biro kay Kevin. I swear." She said while smiling.
Swear-in ko mukha nito eh. "Uhm kung totoo nga. Sure why not gusto ko din naman sya eh."
Bigla na lang akong niyugyog ni Lensha at nagtitili sya dito sa kwarto ko. Baliw na naman tong babae na to.
Akala ko hindi sya tatagal sa panliligaw pero talagang nakita ko ang effort na ginawa nya kaya after 7 months na panliligaw sinagot ko na sya.
*=*=
Totoo naman ang sinasabi sakin nila Lensha at Jenmarie na swerte ako kay Kevin dahil simula nung araw na yun nagbago na sya at pag kami magkasama parang wala ng taong nakapaligid samin. Aaminin ko na mahal ko talaga sya. Si Kevin lang ata ang taong kaya akong pasayahin ng ganito. One day bigla na lang nagbago ang lahat.
"Kevin! Please alam mo naman na opportunity ko na yun eh." I said to him pero hindi nya ko pinapansin.
"John Kevin Gutierrez parang tanga ha. Kanina pa ko dito nagsasalita pero hindi ka nakikinig." I blurted out.
"No. I don't want you to leave me. Please stay with me Thalia. If you go might as well---" But I cut her word.
"Break na tayo?" Pagkasabi kong yon bigla na kong lumabas sa condo at tumakbo ko kung saan pero hindi ko napansin na nakasunod na pala sya sakin.
"What? Are you breaking up with me just because of that bullshit na trabaho mong yan?" What bullshit? Kelan pa naging bullshit ang pag t-trabaho ko. Opportunity ko na yun para ma promote as manager tapos bullshit. Theheck!
"Thefuck. Bakit ka pa ba nag t-trabaho may business naman kayo. In fact sabi sakin nila magiging business partners ang parents natin pero ikaw mas gusto mo pang umalis para dyan." Ngayon ko lang sya nakitang ganito. Kaya ko naman gusto to dahil ayokong isipin ng ibang tao na kala Mommy pa din ako nakakapit eh. Anong masama sa ginagawa ko.
Hindi ko inaasahan na biglang bumuhos ang malakas na ulan. "I want to proved to myself na kaya kong tumayo sa sarili kong paa. Ayokong umasa kala Mommy and Daddy di'ba alam mo na naman yun. Akala ko ba okay na tayo dun?" I said calmly.
"Trabaho o ako?" Sabi nya sakin habang nakatingin sa mga mata ko.
Both.
"No. You need to choose one. Now let me asked you again, Ako o trabaho mo?" I heavily sighed.
"Sorry. Might as well mag break na tayo." I said before I left him.
BINABASA MO ANG
When the RAIN pours down
Short Story" I love walking in the rain cause no one can see me crying."---Thalia