Ikaanim na Kabanata

26 2 0
                                    


Pagkatapos ng araw na yun hindi na kami ulit nag-uusap ni Raniel. I don't know pero tingin ko may kinalaman dito si Kevin. Pag kasi kami nagkikita ni Raniel umiiwas sya o di kaya mag-iiba sya ng way nya.

"Girl bakit nakasambakol yang pag mumukha mo?" Kitams pati si Lensha napansin din yun. Andito kasi kami ngayon sa ilalim ng puno.

Wala naman. Nag-iisip lang ako.

"Tungkol saan?" She said tapos nag-iisip sya. "Let me guess. Kay Kevin ba yan?"

Yeah. Lagi naman sya. Buti nga hindi nambuburaot ngayon eh.

Habang nakapikit ako at nakasandal sa puno bigla ulit syang nag salita. "Alam mo sis pansin namin ni Jenmarie wala sayong nalapit na mga guys. You know, may nagtatanong ng name mo pero pag nalaman na nila bigla bigla na lang sila naalis?! I dunno kung bakit?"

"Hmm,ayaw mo nun hindi nila ko nilalapitan tsa---" But someone cut my word.

"Kasi gusto mo ako lang nalapit sayo?" With that napatingin ako sa kanya habang nakataas ang kilay ko.

"You wish. Bitch!" Sabay baling ko ng tingin kay Lensha. "Tara na Lensha may masamang hangin na napadpad dito." I blurted out. Nakakainis pero etong si Lensha nakangiti lang saming dalawa ni Kevin.

"Sige na sis. I'll go ahead na mukhang may pag uusapan pa kayong dalawa ni Kevin eh." Tapos umalis na sya. Nakng!

"Tsk. Watch your mouth Thalia." Sabay hawak nya sa wrist ko kaya bigla akong napaupo sa kanya. What the!

"W-what do you want. Bakit ka namumula?" I said. Kelan pa ako nautal sa harap nya. Tapos tumayo ulit ako.

"W-wala." Sabi nya sabay hatak ulit sakin paupo. Aba kanina pa sya hatak ng hatak ha. Masakit na ang wrist ko. "Uhm,sorry hindi ko napansin na namumula na ang wrist mo."

"What do you want?" I said in a boring toned.

"Ah wala naman. Gusto lang kitang makita. Ikaw wala ka bang itatanong sakin?" Tae. Ano naman ang itatanong ko sa kanya? Alam ko na bakit nga ba ko isip ng isip kung pwede ko naman itanong sa kanya ang iniisip ko.

"Bakit hindi na pala sakin nalapit si Raniel tsaka yung sinasabi sakin ni Lensha na may nagtatanong ng name ko tapos pag nalaman na nila na ako yung---" Again he cut my word.

"Yun ba? Naalala mo yung iniwan mo kami sa canteen?" I nodded. " Sinabi ko lang naman sa kanya na wag na syang lumapit sayo kung ayaw nya ng gulo. He said yes." He said while smiling. "Yung sinabi naman ng kaibigan mo. I have connection."

"Connection?" Anong konek nun sa topic namin. Ang layo ha.

Bigla syang sumandal sa puno at pinikit ang mata nya. " Subukan nilang lumapit sa babae ko kung ayaw nilang mapatalsik ng di oras sa campus na to." Sabi nya na akala mo sya ang nagpatayo ng campus na ito.

Wow. Ngayon ko lang sya nakita ng malipitan mas gusto ko pa sya pag ganito sya hindi yung laging nakakunot ang noo sakin. "Enjoying the view? Sungit." He said and I saw his eyes ang ganda ng mata nya kasi black na black.

"H-hindi ha." I said tapos umiwas ako ng tingin sa kanya. Langya ano bang nangyayari sakin ngayon. Makaalis na nga lang. "Sige. I need to go baka malate pa ako."

Nung paalis na ko nag salita sya ulit. "Wag ka ng magtaka kung walang lalaking lalapit sayo dahil simula ngayon hands off na sila sayo!" He exclaimed.

"Good to hear that. Ayos sakin yun para pati ikaw hindi ko na makikita." I said. Hahakbang na sana ulit ako ng bigla nya akong iniharap sa kanya.

"Except me Fluenteza." He pulled me closer to him and he kissed me. Nakng bakit nya ko hinahalikan? Tinulak ko sya ng malakas but he deepened the kiss. The next thing I knew pinulupot ko ang kamay ko sa batok nya and I kissed him back. Shet! Para akong nalalasing sa mga halik nya. We gasp for some air. Ibig sabihin ganon ka-intense ang halikan namin?!

"S-sige. I need to go." Sabi ko habang nakayuko.

Bigla nya kong hinawakan sa balikat ko at iniangat nya ang mukha ko. "I'm crazy. Fuck! All I know is I'm falling in love with you." He said at kitang kita ko ang sincerity sa mga mata nya.

"How? What? When? Why?" I said in disbelief. Ako? Paano sya sakin nainlove? Kelan lang naman kami nag kita.

"I don't know. Basta nung nabangga at nakasama kita sa luneta ang alam ko masaya ako na ikaw ang kasama ko. I want to punched them. I mean yung mga umaaligid sayo na mga lalaki gusto ko sila pagsasapakin and I need my connection. Kaya kailangan ko kausapin ang Tito ko and with that hindi na makakalapit sayo ang mga lalaking magtatangkang ligawan ka pa. Subukan lang nilang kantiin ka or just even to greet you kung ayaw nilang mapatalsik dito sa campus na to." He said with anger and his fist clenched.

Ang awkward naman kaya naman nag-isip ako ng pede kong ipang joke sa kanya. Mukha na kasi syang mananapak eh. " So the more you hate the more you love?" I said while smirking.

"It means. Okay lang sayo na manligaw ako?" Nakngtinapa! Ako yata ang naluto sa sarili kong mantika ha. Bakit ko ba yun nasabi sa kanya.

"No. I'm just kidding Kevin kasi---" Eto na naman. Ang hilig nyang mang putol ng sasabihan ha.

"Whether you like it or not I will court you Ms. Nathalia Bea Fluenteza." He winked at me bago sya umalis. "Oo nga pala baka malate ka na din Sungit. See you around." Again he smiled and winked at me. Napanganga ako sa sinabi nya. Di nga gagawin nya talaga yun? Baka naman he was kidding too?!



When the RAIN pours downTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon