Ngayon, andito na kami sa palawan. Pagkatapos namin pumunta sa hotel room namin lumabas muna ko't pumunta dito sa tabing dagat. Ang sarap talaga pagmasdan ang mga ganitong lugar. Malayo sa mauusok at polusyon, buti na lang kahit papaano may lugar pang mapagmamalaki ang Pilipinas. Kung marunong lang sana sumunod sa mga patakaran ang tao edi sana ang kapaligiran natin ay malinis at may malinis pa sanang dagat o ilog. Katulad na lang ng panahon noon. Mayaman ang bansang Pilipinas noon samantalang ngayon, nevermind. Dati hindi binabaha pero ngayon ang bawat lugar ay mabilis ng bahain. Kung marunong lang sana makuntento ang tao. "Hey what are you thinking?" Nic asked.
"Ah, wala naman." I smiled. "Hindi ka naman ba nabo-bored?" I asked and looked at him.
"Hindi naman. Masaya din naman ako, basta may ganito." Sabay taas nya sa hawak nyang libro.
"I see. Pagpasensyahan mo na pala si Kevin ha. Alam mo naman yun hot-headed." I laughed.
"Yan ang namimiss ko sayo Thalia eh." Sabay gulo nito sa buhok ko. "Aish, sasapakain na kita lagi mo na lang ginugulo ang buhok ko." I glared at him.
"Alam mo kung bakit ko ginugulo?" He asked and I looked at him. "Kasi gusto kong makita yang mukha mong ganyan." Pagkasabi nyang yun bigla nya ulit ginulo ang buhok ko at tumakbo kaya naman hinabol ko sya.
"Letche ka talaga Nic! Pag kita nahuli patay ka sakin Nicholas." Habang naghahabulan kami ni Nic biglang tinamaan ako ng bola. Pakshet medyo masakit yun, kaya naman naupo muna ko at sa kaswertehang palad nilapitan ako ni Nic kaya naman binatukan ko sya ng pagkalakas lakas. "Quits na tayo." I smiled brightly.
"Aray!" Sabi nya habang hinihimas ang likod ng ulo nya. "Sabi na hinuhuli mo lang ako eh." We laughed out loud.
"Sorry Miss." Sabi ng lalaking kumuwa ng bola sa tabi ko.
"It's okay. Medyo masakit lang naman." Paalis na sana kami ni Nic ng bigla ulit nagsalita ang lalaking kumuwa ng bola.
"Baka gusto nyo munang maglaro nito 2 on 2 tayo?" Pagkasabing pagkasabi nun ng lalaki bigla akong napatingin kay Nic at ngumiti.
"Ano game ka? Marunong ka ba?" I asked him.
"Sort of." Bulong nito sa akin at tumingin sya sa lalaking kaharap namin. "Sige maglalaro kami." Pagkasabi nyang yun sumunod na kami sa kanila.
Habang naglalaro kami nila Nic. Gagong lalaki to sort of pang nalalaman yun pala ang galing galing maglaro.
"Letche ka ang galing mo pala maglaro. Yan pala ang sort of!" Sabi ko sa kanya habang nakangisi. "Puro buhangin na tayo. Mukha tayong dugyot." Sabi ko sa kanya sabay bigay ng bola.
"Okay lang, nag enjoy naman tayo." Sabay gulo na naman nito sa buhok ko.
"Letche ka. Bilisan mo na." I said at bigla akong napatingin sa taong nanonood samin at di ko inaasahang andito pala sila Lensha.
Pagkatapos namin maglaro bigla naman kaagad kaming nilapitan ni Lensha. "Ang galing nyo palang dalawang maglaro. Kaso dugyot na dugyot na kayo." Komento nito habang nakangiti at bigla nya kong nilapitan. "Sis si Kevin kausapin mo. Mukhang may topak eh, kasi yung mga nanonood pinagkamalan na kayong dalawa ni Nic." Sabi nito sabay baling kay Nic. "Tara na Nic."
Habang pabalik ako sa hotel room ko nakita ko doon si Kevin na nakatayo. "Oh! Bakit ka nakabusangot dyan?" Tanong ko sa kanya sabay bukas ng pinto ng hotel room ko. "Sorry kung nawili ako kanina maglaro. Niyaya kasi kami kanina ni Nic nung lalaki kasi habang naghahabulan kami bigla na lang nya ko natamaan tapos ayun." Paliwanang ko sa kanya habang nakatingin.
"Okay." Bigla syang umupo sa kama ko. "Nainis lang ako kanina sa sinabi ng mga tao. Akala kasi nila kayong dalawa bagay daw kasi kayong dalawa ni Nic and the---" Hindi ko na sya pinatapos dahil hinawakan ko ang magkabilaang pisngi nya at siniil ito ng halik.
"Sorry. Close lang talaga kami ni Nic." Tumingin ako sa mga mata nya habang hawak ko pa rin ang magkabilaang pisngi nya. "Alam mo naman na sila lang kaibigan ko diba? Sorry na po." I said and smiled and he smiled back.
Hindi naman mawawala sa amin ni Nic ang kulitan tsaka lalo kaming naging close ni Nic noong simulang sinamahan ko sya sa office nya at tulungan sya sa mga paper works. Kaya pala ako ang isinama nya kasi kahit paano daw may alam ako sa business dahil may company daw kami.
*=*=
Ngayon andito kami at kumakain bali magkatabi ang dalawang magkapatid na sina Shunie at Shin habang si Lensha naman at Nic tapos kami ni Kevin. Pagkatapos namin kumain nagyaya itong si Lensha na maglakad lakad man lang daw kami o gumala kaya naman pumayag na kami at para ma-enjoy naman namin ang bakasyon namin.
"Hoy Kevin!" Tawag ni Shunie habang pingot nito ang tenga. Hindi ko alam pero mukhang seryoso ang usapan nila kasi bigla sila sakin tumingin at ngumiti kaya ngumiti din ako sa kanila.
"Ano! Iharap mo sa--- Aray!" Hindi ko na narinig ang sinabi ni Kevin kasi biglang tinapakan ni Shunie ang bibig ni Kevin. Ano kaya ang pinag-uusapan nila. Habang andito ako at nakatingin sa kanila biglang may tumapik sa braso ko at nakita ko si Nic.
"Nic, bakit?" Tanong ko sa kanya habang nakangiti.
"Nagatataka ka ba kung ano ang pinag-uusapan nila? Bakit ayaw mong tanungin si Kevin mamaya para hindi ka na nag-iisip." Sabi nito sabay tabi sa inuupuan ko kaya umusog ako.
"Hindi na. May tiwala naman ako kay Kevin tsaka kung sasabihin nya yun kahit hindi na tanungin sasabihin nya pa din yun." Sabi ko sa kanya habang nakangiti.
"Okay." Sabi nya at ginulo na naman nito ang buhok ko. Gago talaga tong lalaki na to lagi na lang ginugulo ang buhok ko. Pang-asar talaga.
BINABASA MO ANG
When the RAIN pours down
Krótkie Opowiadania" I love walking in the rain cause no one can see me crying."---Thalia