Ika-labing Walong Kabanata

37 3 0
                                    


Pagkatapos kong maligo akala ko wala na si Lensha pero nagkakamali ako dahil nakita ko syang andon sa kama ko at nakahiga. "What are you doing? Akala ko nakauwi ka na?" 

"Syempre hindi pa. Hinihintay ko pa ang sistaret kong namiss ko." She smiled widely. 

"Neknek mo namiss mo. Tara na kumain muna tayo sa---" She cut me off.

"Sa labas." Pagkasabing pagkasabi nyang yun lumabas na nga sya sa kwarto ko. "Bilisan mo pala ha, ayokong pinaghihintay ako eh." She laughed out loud. Gaga talaga yung kaibigan kong yun.

Ngayon andito na kami sa fastfood at kumakain ng hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Lensha. "Tadhana nga naman?" She sighed. "Pag talaga si tadhana na ang gumawa, wala ka ng magagawa." She laughed. Ano bang sinasabi nito.

"What are you saying? Are you crazy?" I asked.

"Nah. Look who's here my dear dear Thalia." She teasing me already. "Napakaliit talaga ng mundo nyong dalawa ni Kevin."

"Tumahimik ka na nga lang dyan, kung hindi ka tatahimik aalis na ko." Sabi ko sa kanya pero syempre joke lang yun. Wala naman akong magagawa kung andito sila tsaka hindi ko pagmamay-ari tong fastfood na to.

She laughed. "Thalia alam kong hindi mo yan magagawa. Ikaw pa?" Tapos napatingin sya ulit sa may entrance door. "Napakaliit talaga ng mundo ninyong tatlo. Ayun din si Nic." Sabay turo nya dito at napatingin ako sa tinuro nya. Mahabaging tadhana anong meron at nagkita kita kaming tatlo?

Habang nakain ako tinawag naman ni Lensha si Nic. "Andito pala kayong dalawa? Talaga bang pwede akong maki-share sa inyo?" He asked and for sure nakatingin ito sakin. Hindi nga ako nagkamali dahil pagkatingin ko sa kanya bigla na lang syang ngumiti.

"Hindi. Hindi kami to, imagination mo lang ang nakikita mo." I smiled.

"So yun na ang sign?" Tapos umupo na sya sa tabi ko.

"May magagawa pa ba ko, eh nakaupo ka na." I smiled and he smiled back. Habang nilalagyan nya ng pagkain ang plato ko bigla namang nagsalita si Lensha.

"Ehem, meron ba kong dapat malaman?" She asked and raised an eyebrow at us.

"We're friends." I said. "Kaya ibaba mo yang kilay mo kung ayaw mong ahitin ko yan!" I exclaimed and raised an eyebrow at her.

"Yeah. She's right Lensha we're friends." Nic said and smiled.

"Okay. Akala ko may nililihim na to---" Someone cut her word.

"Hi." He said and smiled.

"What do you want?" I replied raising an eyebrow at him.

"Wow. Talagang masungit ka nga talaga Thalia." He smiled again. How did he know my name? "Totoo nga talaga ang sinabi ni Kevin." Sabay turo nya doon sa pwesto nila. He was glaring at me and I raised an eyebrow at him. Gagong lalaking yun kung anu-ano ang pinagsasabi sa kaibigan nya. "Hi Lensha." He smiled and Lensha smiled back.

I glared at her. "Anong meron? Who is he?"

"He's my friend. Pinakilala sya sakin ni Kevin noon. Sya si Shin." Sabi nya habang kinikilig. "Ang cute nya." She smiled widely.

"I see. You like him?" I asked tapos tinuloy ko na ang pagkain ko.

"Yup." Naku! Ang gaga kong kaibigan kung hindi pa nag hi yung Shin na yun hindi pa sasabihin na may nagugustuhan na sya. Parang familiar ang pangalan nya sakin pero baka nagkakamali lang ako. Hindi kaya magkapatid yung girlfriend ni Kevin at yung Shin na yun? Bakit ba pati rin yun iniisip ko pa.

When the RAIN pours downTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon