Ika-labing Limang Kabanata

16 3 0
                                    


Ang aga ko nagising, kaya naman pumunta muna ko sa balcony at nagbasa ng libro. Habang nagbabasa ko hindi ko namalayan na nakatulog ako dahil pagkagising ko andon na ulit ako sa kwarto namin ni Kevin. Kaya naman nag-ayos muna ako at dali daling pumunta sa sala. Nakita ko syang nagbabasa ng libro. Habang papalapit ako sa kanya bigla syang tumingin sakin at ngumiti.

"Good morning Kingkong." I said and winked at him. Natatawa talaga ko sa reaksyon ni Kevin pag ganito eh.

"Good morning too Sungit. Kumain na tayo dahil mamaya babalik na tayo ng Manila." Sabi nya sabay tinuon na nya ang pansin sa pagbabasa ng libro.

"Ano pang hinihintay mo tara na kumain na tayo. Excited na kong umuwi." I shrieked.

"Oo na eto na." Sabay sinarado na nya ang librong binabasa nya.

Habang nakain kami naiilang ako sa kanya kasi nakatitig lang sya sakin at naaalala ko yung nangyari kagabe.

"What?" I blurted out. "Hindi ako makakain ng ayos Kingkong!" I exclaimed.

"Nothing namiss lang kita." He said.

"Tss. Ewan ko sayo." Tinuon ko na ang pansin ko sa pagkain ko kahit na nakatitig pa rin sya sakin.

"Alam mo Thalia namimiss ko yung ganito tayo yung hindi tayo nag-aaway at nagbabangayan." He smilied. "Pero hindi naman yun mawawala sating dalawa eh. Sana maulit ulit to."

"Yeah. Maybe nextime." Sabi ko naman sa kanya na ikinagulat nya.

"T-talaga? Kelan naman yun." He asked.

"I dunno. Kumain nga muna tayo." I smiled. Nakakamiss yung ganito kami ni Kevin pero bigla kong naalala yung babaeng lagi nyang kasama.

"Hey. What's bothering you? Kanina pa kita kinakausap pero hindi ka naman nakikinig." I know na nag-aalala sya. Kilalang kilala na talaga ako ng mokong na to. About sa kiss, siguro wala lang yun. I heavily sighed.

"I'm so sorry, may gumulo lang sa isip ko." I said.

Ano yun?

"Wala. Hindi na mahalaga kung ano man yun." I said and smiled. Gaga ka Thalia hindi mo alam ang pinaggagawa mo. "By the way Kevin about last night, just forget it." I left him at hindi ko na hinintay kung ano ang isasagot nya.


When the RAIN pours downTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon