Ika-labing Syam na Kabanata

28 3 0
                                    


Pagkagising na pagkagising ko bumaba na ako at kumain. Habang nagbabasa ako ng libro sa salas namin bigla namang may umupo sa harapan ko. "Thalia let's go?"

"Saan naman?" Sabi ko habang nakatuon pa din ang pansin ko sa binabasa ko.

"Obviously sa mall." Tinatamad pa naman ako ngayong umalis pero alam kong pipilitin lang ako nito kaya tumayo na ko at pumunta na sa kwarto ko.

Pagkalabas ko sa cr, nakita ko si Lensha na nakaupo at pawang may iniisip. "What's bothering you?" I asked.

"About sa inyo ni Kevin. You know about sa kiss." She smiled. Hanggang ngayon ba yun pa din ang iniisip nya. Gaga talaga tong babae na to. "Kasi kung lasing kayong dalawa ni Kevin edi sana hindi lang yun ang nagawa nyo at dapat hindi nyo na naaalala yun diba?" She's right. Hindi naman talaga kami lasing tipsy lang.

"Kahit anong sabihin at isipin mo nakainom pa din kaming dalawa ni Kevin that time." Bakit ba ayaw nitong tumigil sa kakatanong. "Naku! Change topic tayo Lensha kung pwede lang." Aha! Talagang pinagt-tripan lang ako nitong babae na to.

"Eh kasi nga ba---" I cut her off.

"Kung hindi ka titigil dyan kukurutin kita sa singit mo?" I glared. "Pupunta pa ba tayo sa mall o magdadada ka dyan?"

"Eto na nga, tatayo na." Tapos hinawakan na nya ko sa braso ko. "Tara na, baka magbago pa isip mo eh." She laughed.

*=*=

Ngayon andito kami sa Bookstore para bumili ng bagong libro pero sa kasamaang palad, andito din sila Kevin. "Iba na talaga pag tadhana ang naglalapit sa inyo?" Lensha said. Tadhana-in ko kaya mukha nito.

"Malamang alam mo na pupunta sila dito kaya gusto mong mag mall ngayon." I said. "Malabo namang hindi kayo nag-uusap ni Kevin. Kanina lang nag ngitian pa kayo eh." Sabi ko sa kanya habang natingin tingin ako ng libro.

"Yup pero hindi ko alam na andito din sya and once in a blue moon lang ata kami nagtetext ng prince charming mo!" She laughed. "Ups, hindi lang pala tadhana ayan din si Nic." Sabay turo nya sa kabila. Nakngtinapa. Mahabaging tadhana anong meron at laging nagk-krus ang mga landas naming tatlo?

With that, tinawag sya ni Lensha. "Nic. Sir Nic ano pong ginagawa nyo dito?"

"Andito din pala kayo? Wala natingin lang ako ng libro." Alam kong nakatingin sya sakin at hindi nga ko nagkakamali dahil pagkatingin ko sa kanya bigla na lang syang ngumiti.

"Hindi Nic, hindi kami to kaya wag kang mag-alala" I said sarcastically and smiled.

He laughed. "Silly." Tapos tumabi sya sakin. "Ano naman ngayon ang hinahanap mong libro?" He smiled and wink at me.

"Ehem... ehem... May dapat na ba kong malaman?" Lensha asked while she raised her eyebrow at us.

"Wala." I said tapos tumingin ako kay Nic.

Anong nginingiti-ngiti mo dyan?

"Wala lang naman. Si Lensha kasi hindi pala sya sanay na ganito tayong dalawa." Sabay baling nya kay Lensha. "We're friends." He smiled.

"Uhmm, okay sa---" Shin cut her off. Tong lalaki na to pagnatingin saming dalawa ni Nic akala mo lulusawin kami eh.

"Lensha. Anong ginagawa mo dito?" Sya na naman?

"Wala. Namasyal lang kami ni Thalia. Kayo ba?" Lensha said. Ang gaga halatang kinikilig.

"Si Kevin kasi may gustong biling libro." Sabay turo nya doon. "Ayun sila ni Shunie." Tapos napatingin ako kay Kevin and he was glaring at us and again I rolled my eyes at him.

Nagulat ako ng biglang nagvibrate ang phone ko.

What are you doing? Bakit kasama mo yang lalaking yan?

Tsk. Kahit kailan talaga tong lalaki na to. Itatago ko na sana ulit ang phone ko ng may nag text ulit. Nathalia Bea Fluenteza!!! Who's that fucking guy in your life?

Bakit ba tanong ng tanong to. He's my friend. Okay! So please don't text me anymore! I hit the send button. Nakakabwisit. Dami daming tanong kung sya nga kasama nya girl--- hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi biglang nagvibrate ulit ang phone ko.

Wooo. I'm scared >.< See you sa bahay nyo mamaya. I forgot this girl is Shin's sister baka mamaya magselos ka kasi. ;)

Pagkasabing pagkasabi nyang yun bigla akong napatingin sa kanya na may halong pagtataka. Whatthe! All this time mali ako ng iniisip ko? Bakit ba ang tanga tanga ko? He's staring and winked at me. With that napanganga ako.

1 message received

I'm right you're jealous. Don't worry your my one and only love. :)

Theheck! Anong meron sa lalaking to at ganito to ngayon? Gago talaga to kahit kailan si Kevin pero at least ngayon masaya ako lalo na sa mga ginagawa nya kahit na minsan eh nakakainis sya. Again, nagvibrate ulit ang phone ko.

I miss you so much Thalia. Hindi ka ba nakakapag reply kasi kinikilig ka na ng sobra. Hahaha You make me crazy all the time. Oh! I forgot you're blushing again. ;)





When the RAIN pours downTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon