Ikalimang Kabanata

21 3 0
                                    


The next day. Akala ko okay na, yun pala hindi pa din. Nakngtinapang lalaking to ang sarap nyang hambalusin ng puno. Jusme kung ang tingin nakakapatay baka sya na ang una kong napatay. Bakit pa nga ba dito pa ko sa campus na to pumasok. Kaya naman umalis na muna ko sa room namin at pumunta dito sa may ilalim ng puno.

"Hi Nathalia." He smiled at me. Nasaan ba tong si Lensha o Jenmarie baka nag hunting na naman ng mga lalaki?

"Hello. Do I know you?" I said.

"Nope. I'm Raniel. Engineering student." Sabay kamot nya sa ulo nya. He looks cute lalo na nung namula yung pisngi nya.

"Oh, I see. What's the problem? May magagawa---" He cut me off.

I want to be your friend, if it's okay with you?

"Yeah. Sure." He grabbed my hand. May ganitong portion pag pumayag makipag kaibigan? "Hmm, saan tayo pupunta?"

"I'm sorry. Yayain sana kita kumain kasi nagugutom na ko. Kung okay lang sayo?" He said while smiling. "My treat."

"Sure. Sino ba ang tatanggi sa libre." Habang nag lalakad kami ni Raniel papuntang canteen nakita ko si Kevin na ang sama ng tingin samin ni Raniel. Problema na naman nung lalaki na yun. Daig pa ang may monthly period eh.

"Nathalia sa tingin mo ba satin nakatingin si Gutierrez?" Huh! Sino namang Gutierrez yun?

Huh? Sinong Gutierrez?

"Si Kevin. Mukhang satin kasi nakatingin eh. Baka naninibago lang yun." Ano ba ang pinagsasabi ni Raniel hindi ko sya magets.

Naninibago? Saan naman sya maninibago?

"Kasi simula nung isang araw hindi na kami sabay sabay na kumain ng mga kaibigan namin." Ah i see. Magkakaibigan pala sila ni Raniel in short Engineering student din sya.

Habang naghahanap na kami ng pwesto sa canteen tinanong nya na ko kung ano ang gusto kong food.

"Ikaw na bahala. Ikaw naman ang manlilibre eh. Maghahanap muna ko ng pwesto natin ha."

"Sure." He smiled at me.

*=*=

Habang nakain na kami ni Raniel biglang may umupo sa tabi ko.

"Pa share ha. Wala na kasing bakanteng upuan." Wala daw bakante. Anong tawag nya doon sa isang pwesto kung walang bakante. Neknek nyang hilaw. Maninira na naman to ng araw for sure.

"May magagawa pa ba kami,andyan ka na at nakaupo." I said in a sarcastic way. " Tsaka anong tawag mo don kung walang bakanteng upuan." Sabay turo ko doon sa isang pwesto.

"Hindi ikaw ang kausap ko kaya tumahimik ka." Antipatiko to ha. Okay fine. Talagang hindi ko sya kauusapin. Never.

"Okay fine. Sakin ka kasi nakatingin malay ko bang hindi ako ang kausap mo. Lumipat ka din ng pwesto wag ka dito sa tabi ko." I said. Bwisit sinisira nya talaga ang araw ko.

"Gusto ko dito eh. Pakialam mo ba." Kung makikipagtalo pa ko sa kanya wala ding mangyayari. Kaya naman bigla akong napatingin kay Raniel pero sya nakatingin lang sya samin ni Kevin.

"Uhm, oo nga pala Raniel nakalimutan kong sabihin sayo na kilala ko tong impaktong to." He smiled at me

"Halata ko nga kasi kanina pa kayo nag-uusap. Akala ko nakalimutan mo na andito pa ko." Sabi nya sabay tingin kay Kevin at ngumiti. Samantala ang impakto tumingin lang ng masama kay Raniel kaya naman sinipa ko sya.

"Ouch" Sabi nya sabay tingin nya sakin na kinagulat ko kaya naman bigla kong nalaglag ang panyo ko. Sabay ng pagkapa ko sa panyo ko sabay laglag naman ng tinidor nya.

Nang nakuwa ko na ang panyo ko bigla ko na tong inilagay sa bag ko pero nung tumingin ako sa kanya nakangiti lang sya. Nang bigla nyang nalaglag ang kutsara ko. Sabi na hindi maaaring walang mangyayari sa isang araw na hindi kagagawan ni Kevin. Kaya naman tumayo si Raniel at kumuwa ng bago kong kutsara.

Bwisit talaga tong lalaki na to. Nung kukunin ko na yung kutsara sa ilalim bigla nyang hinawakan ang kamay ko.

"Ano ba? Kanina ka pa ha. Napipikon na ko sayo,bitawan mo nga yung kamay ko?" Sabi ko pero lalo nya lang hinihigpitan ang pag hawak sa kamay ko.

"Why should I? Si Raniel nga hinawakan ang kamay mo kanina." Sabi nya habang nakatingin sakin na nanlilisik ang mata. Hala! Bakit miski naman ako nagulat nung hinawakan nya pero binitawan nya din naman eh.

"Ano naman sayo? Nabigla lang sya kaya ginawa nya yun tsaka you should know him kasi friend at classmate mo sya." Baki ba ko nagpapaliwanag sa kanya?

"Yeah. I know pero---" Hindi na nya pinagpatuloy ang sasabihin nya kasi biglang dumating si Raniel at binitiwan na din nya ang kamay ko.

"Excuse guys. Pasok na ko andyan na kasi sila Lensha at Jenmarie." Sabay turo ko sa dalawa kong kaibigan. "By the way thanks sa treat Raniel." I smiled. Nauna na ko sa kanilang dalawa nung lumingon ulit ako nakita ko si Raniel na ngumiti pero iniwas din ang tingin. Anong nangyare dun?


When the RAIN pours downTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon