Ngayon andito pa rin sya sa kwarto, pareho lang kaming tahimik habang nagbabasa ng libro. Namiss ko tong ganito kami ni Kevin.
"Hmm, let's date Sungit?" Sabi nya sabay kuwa ng librong binabasa ko.
"Naku! Wala ka pa rin pagbabago? Kita mong nagbabasa ko n---" Hindi na nya ko pinatapos at hinila nya ko patayo sa kama ko.
"Mamaya mo na yun pagpatuloy. Namiss ko tong ganito tayo, namiss ko yung tay---" It's my turn to cut him off.
"Ang dami mong sinasabi eh. Tara na." I smiled and winked at him.
"I miss you so much. Namiss ko yung ganyan ka Thalia." He smiled and hugged me tightly. Balak ba ko nitong patayin. Sobra kasi kung makayakap.
"H-hindi po ko makahinga. Kingkong." Sabi ko sa kanya pero pagkaalis na pagkaalis ng pagkayakap nya sakin bigla nya kong siniil ng halik.
"I love you. I love you. I love you so much." He smiled sweetly and kissed my forehead.
Habang pababa na kami sa hagdan nakita kami ni Manang na nagtatawanan. Paano ba naman tong si Kevin ang corny ng mga jokes.
"Anong nangyari sa inyong dalawa? Lumuhod na ba ang tala't magkasundo na kayo?" Si Manang talaga kahit kailan, sabagay hindi ko naman masisisi si Manang dahil alam nya din ang nangyari saming dalawa ni Kevin.
"Hindi po Manang." He smiled at bigla nyang pinagsalikop ang kamay namin. "Kami na po ulit." Pagkasabi nyang yun bigla nya kong inakbayan. "Di'ba Manang sabi ko sa inyo eh." He winked. Bakit parang may hindi ako alam sa mga nangyayari.
"Masaya ako para sa inyong dalawa." She smiled at us.
"Salamat po Manang. Aalis po muna kami nitong si Kingkong. Ginulo po kasi ako kanina sa kwarto ko eh." I smiled.
Habang nauna ako kay Kevin maglakad nakita ko naman syang kausap nya si Manang kaya naman lumapit ulit ako pero nung andon na ko bigla na syang nagpaalam kay Manang. "Sige po Manang. We'll go ahead."
"Ano naman ang pinag-usapan nyo ni Manang? Aber!" I asked and raised an eyebrow at him.
"W-wala." He smiled and kissed my cheek.
*=*=
Habang andito kami sa mall dumaretso kami sa bookstore pagkatapos ay nag shopping kaming dalawa.
"Wag yan di bagay." I said. "Yung blue kaya itry mo?" Sabi ko sa kanya sabay turo doon sa polo shirt na kulay blue.
"Pinagt-tripan mo na naman ko?" Sabi nya pero hindi nakaligtas ang inis sa boses nya.
"Humingi ka ng suggestion tapos ngayon." I heavily sighed. "Ikaw na lang kaya ang mamili."
"I'm sorry akala ko kasi nant-trip ka na naman." Sabi nya sabay halik sa noo ko.
"Mukha ba kong nant-trip?" I teasing him. Ngayon ko talaga sya pagt-tripan. "Try mo yung kids shirt tignan mo kung bagay sayo." I laughed.
"Oo ngayon pinagt-tripan mo na ko." Sabi nya sabay ginulo nito ang buhok ko. Aish, ayaw na ayaw ko pa naman na ginugulo ang buhok ko. "Bumili ka na din ng damit Thalia." He smiled sweetly at me.
Ano bang meron at pati ako pinapabili nito ng mga damit. "Hinayupak ka Kingkong baka may binabalak ka ha?"
"Wala nga." Sabi nito pero halata mong pinipigilan nyang tumawa.
"Ano bang bagay eto o eto?" Kasi naguguluhan ako kung white or blue ba ang kukunin ko.
"Try mo yung kids shirt." He laughed out loud. I glared at him.
"Gago kang impakto ka!" I exclaimed. Pagkasabi kong yon bigla syang lumapit sakin at hinalikan nya ko sa labi ko na kinagulat ko. "What was that for?" I asked him.
"Don't say bad words Thalia or else I'll kiss you in front of many people." He smiled genuinely. " Syangapala bagay naman sayo yang dalawa mong hawak na dress." Sabi nya samantala ako eto at nakatulala pa din. Gago talaga ang hinayupak na lalaking yun.
Ngayon andito na kami sa kotse. Takteng lalaking to hindi man lang kumain kahit drive thru. Nagugutom na ko.
"Langya ka Kingkong sabe sayo kumain muna tayo eh. Nagugutom na ko!" I exclaimed.
"Wag ka ng magalit. Kakain din naman tayo sa inyo." He winked.
"Letche kang gago ka wag kang magpacute ha, ganitong nagugutom ako baka sapakin ko yang pagmumukha mo." I blurted out.
"Hot-headed!" He exclaimed and smirked at me. Sino kaya ang hindi iinit ang ulo. I'm starving, kasi naman sabi ko sa kanya kahit shawarma o mag drive thru na lang kami pero sabi nya doon na lang daw samin.
"Letche. Kuripot mo ata ngayon?" I asked.
"Kuripot pinagsasabi mo? Para sayo, kelan pa ko naging kuripot? Kita mong nasayo na ang pagmamahal ko, buong buo walang bawas. Sobra sobra pa." He smiled and winked at me again.
"Sa sobra mong sweet nilalanggam na ko." I said sarcastically.
"I know." He looked at me. Letche traffic pa. Lintek naman kung kelan malapit na kami saka pa nag red light.
"I know-in ko yang mukha mo. Nagugutom na nga ko tapos tignan mo sabay naman nag red light. Traffic pa ang inabot." Sabi ko sa kanya sabay turo sa labas.
"Maghintay ka na lang malapit na naman eh. Just wait Sungit." He said and looked at me. Bago pa sya ulit mang-asar o mangulit bigla ko syang siniil ng halik. I smiled.
"Why are you blushing?" I asked him.
"W-wala." Sabay pinaandar nya ulit ang sasakyan. Gosh buti malapit na kami. "Okay pala pag nagugutom ka." He said and smiled. "Wala bang take two?" He asked while grinning and looked at me.
"Wala. Bilisan mo na, nagugutom na ko eh. Isusumbong kita kala Mommy." Pagkasabi kong yun bigla syang ngumiti. Gago talaga to eh. "Why?"
"Nothing. I miss you." He said and kissed me on my lips.
BINABASA MO ANG
When the RAIN pours down
Historia Corta" I love walking in the rain cause no one can see me crying."---Thalia