Ika-dalawampu't Pitong Kabanata

19 2 0
                                    


Kevin's POV

Nagising ako na mainit ang ulo ko. Pagkalabas na pagkalabas ko ng hotel room ko dumaretso ako sa kwarto ni Thalia at nagtataka ako dahil may ibang pumasok dito.

"Excuse me, what are you doin---" Someone cut me off.

"Tanga o bobo ka?" I faced her. Si Lensha pala. "Pupuntahan mo kung kelan pinaalis mo kagabe." Umalis na si Thalia kagabe? Wag nyang sabihing umuwi na ito.

Tumalikod na si Lensha at paalis na ng hatakin ko ang braso nito. "What do you mean?"

"Ay tanga ka ngang tunay!" She exclaimed. "Umalis na sila Thalia at Nic kagabe pa. Hindi mo ba alam? Paano mo nga pala malalaman no." Sabay tapik nito sa noo nito. "Nakalimutan ko nga pala na ikaw ang rason kaya nagmamadaling umalis si Thalia kagabe." She tsked. "Kung alam mo lang kung gaanong nag-aalala sayo si Thalia kaso binalewala't pinaalis mo nga pala. You're such a jerk!" Pagkasabi nyang yun biglang may tumawag sa kanya at nagmamadali itong pumunta sa kwarto nya.

Bwisit na cellphone yan cannot be reached. Kanina pa ko hindi mapakali dito sa hotel room ko kaya pumunta ko sa kwarto ni Lensha hanggang sa buksan nya ito. Tangina wala akong pakialam kung masira man ang hayop na pintong ito. "What?" Iritang bungad nito sa akin.

"Bakit hindi ko sya makontak? Anong nangyari ka---" She cut me off.

"Tapos ngayon nag-aalala ka? Kung kagabe mo yan naisip edi sana nag-eenjoy tayo ngayon dito. Umalis ka dyan sa dadaanan ko uuwi na ko. Letche kang hayop ka."

"What happened to her?" I asked. Oo napapalakas na ang boses ko pero wala akong pakialam gusto kong makita at malaman kung ano ang nangyari kay Thalia pero nagulat kami ni Lensha ng biglang nagbukas ang pinto nya.

"Anong nangyayari dito? Bakit ang ingay nyong dalawa Lensha?" Sabi sakin ni Shin at tumingin sya kay Lensha."Bakit mo dala ang gamit mo?"

"Uuwi na ko." Pagkatapos nun tumalikod na sya sa amin. "Pagsabihan mo yang kaibigan mo Shin kung ayaw nya ng gulo wag muna syang magpakita kay Thalia. Pasalamat sya... Naku! Damn it!" Bigla nyang binalibag ang pinto at umalis na ito.

"Bakit ba kasi hinintay ko pa kayo Shin?" Iritableng tanong ni Lensha sa amin.

Habang nasa byahe kaming lahat magkatabi sila Shunie at Lensha tapos kaming dalawa ni Shin. Ang tanga tanga ko, bakit ko ba nasabi yun kay Thalia? Hindi naman namin pwedeng pabayaan ni Shin si Shunie at hindi ito makapag open-up kala Thalia dahil nahihiya ito kaya sa amin sya nag open-up ni Shin. Yung sinuntok kong lalaki nung nakita kami ni Thalia yun ang boyfriend ni Shunie na niloko sya. Tanginang lalaki yun! Sino ang hindi mag-iinit at gustong basagin ang pagmumukha ng lalaking nanloko ng babae? Sa dami dami nyang lolokohin yun pang tinuri ko ng kapatid kong babae kahit na ganito't masungit to mahalaga sa amin to ni Shin. Si Shunie ang lagi naming inaasar ni Shin pero kahit ganoon kami mahal namin ang malditang babaeng to.

Gusto kong sabihin kay Thalia ang nangyari pero nangako kami ni Shin na hindi muna namin sa kanila sasabihin ang nangyari dahil gusto nito na sya ang magsabi sa kanila pero sa nangyari sa amin ni Thalia kagabe mukhang malabong makausap ko sya kaagad.

Ngayon andito na kami sa Manila habang hinihintay ang sundo namin, samantalang itong si Lensha ay umalis na't agad itong pumara ng taxi. "Thanks. By the way mag-ingat kayo Shin." She said.

Lumapit ako kay Shin at tinanong ito. "Dude anong nangyari at nagmamadali yun umalis? What happened?"

"Wala Kevin namimiss---" I cut him off. Minsan talaga ang sarap bangasan ng mukha nitong kaibigan ko eh. Ayaw talagang sabihin kung bakit.

"Subukan mong magsinungaling sa akin. Sasabihin ko dyan kay Lensha na---" He cut my word.

"May sakit si Thalia Dude pero sabi ng doctor over fatigue daw baka daw napagod sa byahe o kaya hindi nakakain ng ayos kaya nagmamadali si Lensha na pumunta doon." Pagkasabi nyang yun pumara na ako ng taxi pero pinigilan ako nito.

"Dude hayaan mo munang magpahinga si Thalia, hayaan mo muna sya magpalakas saka mo sabihin sa kanya kung ano yung nangyari. " Sabay baling nito kay Shunie. "Okay lang naman sis di'ba?" Shunie nodded. "Sa ngayon magpahinga ka muna."

Wala na akong nagawa kung hindi ang hintayin ang sundo namin at umuwi na ko. May tama naman si Shin siguro nga tamang bigyan ko muna ng panahon si Thalia. I missed her so much. I'm such a freaking jerk. I don't want to lose her.

When the RAIN pours downTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon