Ika-labing Pitong Kabanata

25 3 0
                                    


Ano bang meron at biglang naging mailap ako kay Kevin? I guess dahil to sa babaeng lagi nyang kasama. I heavily sighed. Dapat ko na nga ba syang kalimutan o dapat kong sundin tong puso kong nagwawala sa tuwing nagkikita kami? Nang hindi ko napansin na andito nga pala ko sa kotse ni Nic.

"Hey, what's wrong?" He asked but I smiled. " I see, dahil ba yan kay Kevin?" I heavily sighed.

"Definitely, yes?" Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya pati ang sagot ko tanong din.

"You don't know if the feeling is mutual o may gusto ka pang ibang malaman?" Yeah. He's right, hindi ko alam kung pareho nga ba kami ng nararamdaman o hindi? Dapat ko bang sabihin sa kanya yung nangyari samin ni Kevin o hindi? For sure sesermunan lang ako nito eh. Might as well hindi ko na sagutin ang tanong nyang yun.

"Walang nangyari at walang mangyayari! Matutulog muna ko." I exclaimed and I saw him grinning.

"Why?" Maypagka tarantado pa naman tong hinayupak na lalaking to.

"Nothing. Akala ko wala na kong pag-asa sayo eh." He winked at me.

I tsk-ed. "Whatever Nicholas Rodriguez." Tapos tumawa syang ng malakas.

Pagkababa ko sa kotse nya. "Namiss kita Thalia." He said. Minsan talaga out of the blue to magsalita eh. Miss nya daw? Neknek nyang hilaw?!

"Are you flirting with me?" I asked. "If yes, might as well wag mo ng ituloy Nic."

"Of course not. I'm not flirting with you!" He exclaimed. "Honestly, I like you Nathalia Bea Fluenteza. Ganoon ka ba kamanhid para hindi mo malaman?" He smiled. "I know you still love him, kaya nga kahit anong gawin kong papansin sayo hindi mo napapansin dahil kay Kevin. Right?"

"Hmm, I just need to take some rest. Napagod kasi ako sa byahe. Thank you pala Nic." I smiled. Paano ko ba masasagot ang tanong nya? Stupid Thalia! Stupid!

*=*=

Ngayon andito na ko sa kwarto at nag-iisip ng kung anu-ano puro what ifs, pwede ko naman sa kanya itanong lahat pero natatakot ako dahil baka ang lahat ng tanong ko, ang sagot ay oo. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako dahil nagising lang ako sa babaeng yumuyugyog sakin.

"Thalia wake up! Madami tayong pag-uusapan." Hindi pa din sya tumitigil sa pagyugyog sakin.

"Ano ba? I'm still sleepy. Lensha bukas na lang tayo mag-usap." I said. Pagod na pagod pa ko gusto ko pang matulog eh.

Umalis sya sa kama ko. "Okay. Kay Kevin na lang ako magtatanong tutal naman andyan sya sa living room nyo." She said pero bago pa sya makaalis sa kwarto ko bigla ako napabangon. Shit! Nakakahilo. Potek talaga tong si Lensha oh!!!

"Wait, what the hell is he doing here?" I asked.

She laughed out loud. "I'm just kidding Thalia. Pagdating kay Kevin talaga." She tsk-ed. Lintek talaga tong babae na to, masasapak ko to eh. I glared at her.

"Chillax, Sistah! Namiss lang naman kita." Sabay binuksan nya yung bagahe ko. "Bakit puro eto lang ang uwi mo?" Sabi nya na parang disappointed pa sya sa mga nakita nya.

"Kung yan lang din naman ang pinunta mo, sana hindi mo na ko ginising." I said sarcastically.

"Syempre hindi lang yun ang pinunta ko dito." She's grinning at me. "Ikwento muna kung ano ang nangyari sa Cebu?" Kahit kailan talaga tong si Lensha daig pa ang mga reporters at paparazzi.

"Wala namang nangyari. Malamang nag---" She cut me off.

"Wala ng bago sa pag ba-bangayan nyong dalawa ni Kevin. Ay, mukhang nag-away nga lang talaga kayong dalawa don." She said.

"Nope. We, uhmm, we... kissed." Sabi ko sa kanya sabay tayo sa kama ko. Ang gaga ayun tuwang tuwa at talon ng talon na akala mo ay nanalo sa lotto.

"That's a mistake Lensha!" I exclaimed. Pagkasabing pagkasabi kong yun para syang batang inagawan ng laruan. Tama naman ha, mali naman talaga yun we're drunk that time and we kissed for badsake!


When the RAIN pours downTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon