Anonymous Photographer Chapter 1

1.2K 9 1
                                    

“Leila!” tawag sa akin ni Direk.

Mag-uumpisa na ang photoshoot namin para sa isang brand na iniendorso ko.

 “Ano ka ba naman,iha. Nawawala ka kung saka mag-uumpisa na.”

“Pasensya na po,Direk.” Yuko kong hingi ng patawad sa kanya.

Nagsimula na akong kunan ng mga litrato.

Pose dito,pose doon.

Ngiti dito,ngiti doon.

Ganito ang takbo ng araw ko simula nang ako ay pumasok sa larangan ng pagmomodelo. Nagtapos ako sa kursong BS Tourism,hindi man ako pinalad na makasakay ng barko,eroplano at maging tourist guide,pinalad naman akong makapasok sa larangan na ito. Masaya ako sa trabaho ko,kumikita naman ako ng maganda,maraming offer sa akin,minsan pa nga ay na-eextra ako sa mga pelikula at palabas sa telebisyon. Pero may isa akong ayaw sa trabaho ko. Yun ay ang pagkakaroon ko ng stalker.

“Leila,tingnan mo ito oh!” si Anne, isa sa malalapit kong kaibigan, kasamahan ko sa trabaho at room mate ko rin sa binili naming condo. Ipinakita niya sa akin ang kopya ng mga litrato ko nung huling photoshoot namin.

“Eto na naman?” hindi na ako nagtataka sa mga ganitong pangyayari.

“Kailan ka ba titigilan ng anon photographer mo?” tanong ni Anne.

“Hindi ko alam. Sana naman magpakilala siya noh! Natatakot na tuloy akong umuwi ng gabi kapag may shoot,mamaya nakasunod siya sa akin eh.” Sagot ko sa kanya.

“Eh,ano na namang gagawin mo sa mga litratong ito?”

“Ano pa nga ba? Edi itatabi ulit. Hindi naman pwedeng sunugin ko noh? Sayang ang kopya.”

“Hahaha.Nakakatawa ka talaga Leila!”

Itinabi ko ang mga litrato sa drawer ko. Nadagdagan na naman ang mga nakaw kong kuha,kung susumahin,nasa dalawang daang piraso na ang mga litrato na yun. Malapit na ring mapuno ang drawer na pinaglalagyan ko. Dalawang taon ng may kumukuha sa akin ng mga ganung litrato simula ng ma-aksidente ako sa dina-drive kong kotse.

2 years ago.

Nakaheadset si Leila habang nagmamaneho ng kanyang kotse. Nag-ring ang cellphone niya,kukunin na sana niya ito ng mahulog ito mula sa kanyang bag.Akma na sana niyang kukunin sa lapag ng kanyang kotse nang may biglang tumawid na isang lalaki.Napahinto siya at nauntog ang kanyang ulo sa manibela. Nagtakbuhan ang mga tao papunta sa nangyaring aksidente. Nakuha nila si Leila mula sa kotse pero nagtataka sila kung bakit nawala ang katawan ng lalaki. Walang makapagpaliwanag kung nasaan ang lalaki,kaya’t napakaswerte ni Leila dahil hindi siya nasampahan ng kaso sa pangyayaring yun.

“Hoy,Leila!” gulat na tawag pansin sa akin ni Anne.

”May shoot po tayo ng 7pm,okay? Kaya be ready.”

“Ha? Bakit 7pm? Pwede bang ipagpabukas iyon?” bumalik ako sa karimlan ng tawagin ako ni Anne.

 “Sige,ipagpabukas mo para bukas,wala ka ng trabaho. Rush po ito 'teh dahil kailangan na sa cover ng isang magazine.”

“Eh,alam naman ni Direk na...”

“Rush nga diba? R-U-S-H,Rush!” sigaw ni Anne.

“Okay.Wag mo akong sigawan ha?” inis na sagot ko kay Anne.

“Sorry naman. Ikaw kasi,nag-iisip ka na naman ng kung ano-ano diyan.” 

Nagbihis na ako at nag-impake ng mga gagamitin para sa shoot na mangyayari mamaya. Kinakabahan ako ng mga oras na yun,pakiramdam ko may mangyayaring masama .Ewan. Nagulo na naman siguro ang utak ko nung maisip ko na naman ang aksidenteng nangyari sa akin noon.

-

Umalis na kami ni Anne sa condo at sumakay na ng taxi. Matapos kasi ang nangyaring aksidente sa akin ay di ko na nagawang makabili ng kotse sa takot ko na makasagasa ulit.

Nakarating kami sa shooting place saktong 7pm,nag-aayos palang sila Direk at ang ilang mga assistant sa lugar.

“FLASH!” May kumukuha ng litrato!

Nang tumingin ako mula sa direksyon kung saan nanggaling ang liwanag na yun.  Si Lance lang pala.

“Oh,mga models namin. Ang aga niyo ah? Naunahan ko na si Direk na kunan kayo ng litrato.Hahaha”

“Diyos ko! Akala tuloy namin nagsisimula na.” saad ni Anne.

“Oh,Leila? May problema? Naku,parang masama yata kayong kunan ng panakaw. Hindi na mauulit Leila”

“Hindi,okay lang naman Lance. Nagulat lang talaga ako.” sabay alis ko palayo sa kanila.

“Naku,pagpasensyahan mo na si Leila at talagang kanina pa yan ganyan.”

“Okay lang,tara na nga!” hinila ni Lance si Anne papunta sa kinauupuan ko.

-

Natapos din ang shooting ng gabing iyon,hindi ko napansin ang oras kaya pagtingin ko sa orasan,12am na!

“Anne?” tawag ko kay Anne habang inaayos ko ang bag ko.

“Anne?” Nagsimula na akong magpalinga-linga pero hindi ko makita si Anne.

“Ate Dalia,si Anne?” tanong ko sa isang assistant.

“Ay nako Ate,nag-CR po yata si Anne.”

“Ah,okay.Salamat Ate.”

Sinilip ko sa CR si Anne pero wala siya doon,maging sa dressing room ay wala din ang babaeng iyon. Mukhang iniwanan na naman ako ni Anne. Ganun naman lagi eh,sigurado pagdating ko sa condo,natutulog na ng mahimbing ang babaeng yun.

Dali-dali na akong sumakay ng taxi. Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pero sadyang kinakabahan pa rin ako kahit pauwi na ako. Hindi ko alam kung bakit,nagsisimula na akong mainis. Mabuti at huminto na ang taxi sa harap ng condominium building na tinitirhan namin ni Anne. Sumakay na ako ng elevator paakyat sa 9th floor kung saan nandun ang unit namin. Nakapatay ang mga ilaw,nagtaka na ako kasi dapat sa mga oras na yun,nakabukas iyon dahil takot matulog si Anne nang nakapatay ang ilaw. Tiningnan ko ang kwarto namin ni Anne,wala siya doon! 

Anonymous PhotographerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon