Anonymous Photographer Chapter 15

411 5 0
                                    

Inaantok na ako at mukhang babagsak na ako sa kinauupuan ko pero nag-uusap pa si Direk at Jared,kay Direk sana ako makikituloy ngayong gabi. Dalawang araw na ring nakaburol si Anne at mukhang dahil namatay si Anne sa aksidenteng ito ay natabunan na rin ang issue na kinasasangkutan ko. May advantage din pala ang pagkawala ni Anne pero hindi ko ito matanggap. Kung pwede lang sana ibalik sa dati ang lahat.

“Sige Direk,mauna na po ako sa inyo. Yun lang po ang ipinakiusap ko sa inyo.”Narinig ko paalam ni Jared kay Direk.

“Hindi mo ba muna titingnan si Anne?”

“Hindi na po.”

Aba talagang ang taas ng pride ng lalaking ito,matapos siyang mahalin ni Anne ng sobra-sobra,ganun ang igaganti niya.

“Sigurado ka iho?”

“Opo. Ibibigay ko na lang po yung papers bukas para maifile na po kay Mr. Aguiluz.”

“Osige iho.”

Habang nakatingin ako sa kanila Direk,napansin kong isang babae ang lumapit sa kinalalagyan ni Anne.

Isang babaeng mukhang pamilyar.

“Sayang ka Anne. Alam mo,sa kakadikit mo sa kaibigan mo kaya ka nadadamay eh. Hindi ka dapat namatay ng maaga para makita mo ang kaibigan mo kung paano siya maghihirap. Anne,wala pa tayo sa kalagitnaan,nag-uumpisa pa lang ang gulong ito.”

“Miss?! Sino ka?” si Leila.

“Oh,Leila. Nandito ka pala. Akala ko isa kang walang kwentang kaibigan na aagawin ang lalaking minamahal ng kaibigan niya.”

“Ano?! Hindi ako ganun. At sino ka ba? Anong ginagawa mo dito?”

“Leila,hindi mo na ako naalala? Si Kareen,ang co-models niyo sa agency. Wag mong sabihin na nalaos ka lang eh hindi mo na maalala ang mga kasamahan mo?”

“Excuse me?! Hindi ako nalaos,pinatahimik ko lang ang mundo ko dahil sa mga taong tulad mo na walang ibang ginawa kundi ang mangialam ng buhay ng may buhay. Pwede,umalis ka na lang? Wala kang magandang idudulot sa burol na ito. Nakakagulo ka lang,Kareen.”

“Kareen!?” napansin yata ako ni Jared.

“Hi babe! How are you? Bakit hindi namamaga ang mga mata mo? Diba dapat umiiyak ka dahil namatay ang girlfriend mo for a month?”

“Please don’t call me babe dahil hindi kita girlfriend at mas lalong hindi ko naging girlfriend si Anne. Anong ginagawa mo dito?”

“You see naman diba? Nakikisimpatya lang ako sa mga naiwan ni Anne,tulad ng cheap model na ito."

“Hoy! For your information,hindi cheap si Leila. Pasalamat ka at hindi kita hawak babae ka! Sino kaya ang mas cheap sa inyo ng alaga ko? Ikaw itong nagmomodel for a patis commercial. Halata naman kasi sayo,kasing alat ng toyo ang ugali mo!”

“Direk Ramos,I’m not here para makipag-away sa inyo. Nakakahiya sa mga tao,pinagtitinginan na tayo.”

“Umalis ka na lang pwede Kareen,igalang mo ang burol ng kaibigan ko!”

“Fine. Pero bago ako umalis mag-iiwan lang ako ng scene na hindi mo makakalimutan,ever in your life.”

Biglang dumampi ang mga palad ni Kareen sa mukha ko,in short sinampal niya ako.

“What the... Bakit mo ako sinampal?”

“Para yan sa inyo ng kaibigan mo! Dahil mga mang-aagaw kayo at wala kayong awa sa mga taong natatapakan niyo! Eto pa!” sasampalin niya sana ako ulit pero pinigilan siya ni Jared.

“Let’s go. Eskandalo na ang ginagawa mo.”

“Bitiwan mo ako Jared!”

Hinihila palabas ng chapel ni Jared si Kareen at halos lahat ng tao na nandun ay nakatingin na sa amin.

“Iha,are you okay?”

“Opo,Direk. Bakit ang daming eskandalo ang gumugulo sa burol ni Anne? Para tuloy gusto kong iwan si Anne dito at lumayo para di na siya madamay sa mga kalokohang nagawa ko ng di ko nalalaman.”

“Leila,kailangan ka ni Anne. Bestfriend kayong dalawa diba kaya dapat walang iwanan. Kapag nandito na ang mga relatives niya,you can rest well na at sila na bahala dito. Pero sa ngayon,tayo munang dalawa ang magientertain sa mga taong bumibisita kay Anne ha? Be strong iha,para sa kaibigan mo.”

“Opo Direk. Salamat po,hindi ko po alam ang gagawin kung wala kayo sa tabi ko.”

-

“Bakit mo ba ako hinila palabas ng chapel na iyon! Kaya kong maglakad Jared!”

“Kareen! Nakakahiya ka! You’re a slut,a dumb ass woman! Hindi mo ba alam na kabastusan para kay Anne ang ginagawa mo! Kung gusto mong mageskandalo wag sa harap ni Anne! At kung gusto mo parusahan si Leila,gawin mo ng palihim at hindi lantaran! Dahil sa ginawa mo Kareen,pati ikaw madadamay. Pati ikaw,manganganib ang buhay.”

“Ano?! Paano nadamay ako?”

“Umalis ka na. Alis!”

Anong pumasok sa utak ni Jared at sinabi niyang pati ako madadamay? Teka,ganun na ba kagulo ang buhay ni Leila simula pa nung una. Bakit pati ako nadadamay? Nako,ewan. Makauwi na nga,at least nagawa ko ang dapat kong gawin kay Leila pero sa tingin ko di pa okay yon. Kailangan ng medyo mabigat na scene. PLAN B.

-

Isang linggo na rin ang lumipas simula ng iburol ang mga labi ni Anne. Nandito na rin ang mga kamag-anak niya at halos lahat sila,ako ang sinisisi sa pagkawalan ni Anne.

“Kung hindi ka lang naging madikit sa malas,hindi mangyayari kay Anne ito.”

“Sana nilayuan mo na lang si Anne!”

“Kasalanan mo lahat ito eh,kung di ka lang nananapak ng tao hindi madadamay si Anne sa katarantaduhan mo.”

“Kabit ka na nga,criminal ka pa! Nakuha mo pang idamay pati si Anne.”

Ang sakit.

Ang sakit ng mga paratang nila sa akin.

Simula nang dumating sila ay hindi ko na binalak pang bumalik  pa sa chapel na iyon. Hihintayin ko na lang ang araw na ilibing si Anne at doon na lang ako muling magpapakita sa kanila. Ipinayo na rin sa akin ni Direk na dumistansya muna ako kay Anne habang naroroon ang mga kamag-anak nito,lalo na ang mga magulang nito na simula ng dumating ay hindi na ako kinibo. Hindi ko pa rin lubos maisip na dahil sa isang pagkakamaling hindi ko naman alam kung ako nga ang may gawa ay magiging ganun ang mangyayari sa akin at sa mga kaibigan ko. At dahil na rin sa misteryosong kumukuha ng mga litrato ko at nagpapadala sa akin nito ay parang gumulo ang buhay ko.

Ano at sino pa ang idadamay ng taong nasa likod ng lahat ng ito. 

-

Nakauwi na rin ako sa condo namin ni Anne,galing ako sa isang meeting para sa last project na gagawin ko sa agency nila Direk. Magreresign na ako at naisipan ko na ring lumipat ng ibang condo o di kaya ay kumuha ng isang maliit na apartment,ibebenta ko na lang itong condo na naipundar namin ni Anne. Gusto ko muna kasing makalimot sa lahat ng nangyari.

Nagsimula na akong nag-impake ng ilan sa mga gamit ko at bukas na bukas rin ay maghahanap na ako ng apartment na malilipatan. Ayoko kasing umuwi kila Mama at Papa dahil sa kahihiyang dala-dala ko,alam kong madadagdagan lang ang hinanakit ko kapag umuwi ako doon. Habang nagliligpit,napansin ko yung box na pinaglalagyan ko ng mga picture na galing sa anonymous paparazzi ko.

“Kung hindi dahil sa lahat ng picture na ipinapadala mo,hindi magiging ganito ka miserable ang buhay ko.” 

Anonymous PhotographerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon