“Siya ang nagpauwi kay Anne dito sa Pilipinas at sinabi niya rito na may nangyaring masama sayo.”
“Ano? Ang gulo,teka ha? Pinauwi ni Jared si Anne tapos hindi siya ang pumatay dito? Paano nangyare ang bagay na yun?”
“Tama ka. Hindi siya.”
“Kung hindi siya ang pumatay sa kaibigan ko,eh sino?”
“Si Kareen...”
-
Two weeks na rin ang nakalipas simula ng sabihin sa akin ni Detective Rowan ang lahat ng nalalaman niya. Ang kailangan na lang niyang imbestigahan ay kung sino yung taong may gawa ng pagkakaospital ni Direk. Is it Kareen or Jared?
“Ang tanging plano lang ni Jared ay ang pagkitain kayo ni Anne then itatago si Anne in short,kikidnapin niya si Anne. Pero hindi kasama sa plano niya ang patayin ito dahil kilalang isang mabait na tao si Jared ng mga kaibigan niya. Ginawa niya lang ang mga bagay na iyon dahil sa pagaakalang ikaw ang may gawa ng pagkamatay ni Joshua. But then,Kareen heard about his plan and she’s the one who fetch Anne in the coffee shop where she stayed waiting for Jared’s people.”
Hindi ako makapaniwala ng narinig ko iyon mula kay Detective Rowan.
“And what about the man who’s taking paparazzi photos of me?”
“It’s Kareen also.”
“Si Kareen din ang paparazzi ko?”
“Yes.”
“Bakit? Anong nagawa kong kasalanan kay Kareen? Bakit niya ginawa ang lahat ng iyon?”
“Ex ni Kareen si Jared,pero naghiwalay sila nang dahil sayo. Diba sinabi ko na secret admirer mo noon pa lang si Jared? Dahil dun kaya nakipaghiwalay si Jared kay Kareen dahil buong pag-aakala niya ay magugustuhan mo siya.”
-
“Leila? Are you okay?”
Nagising ako mula sa pag-iisip sa nakaraang pag-uusap namin ni Det. Rowan. Nasa apartment lang kasi ako ng araw na yun kasama ang kaibigan kong si Lissa,pinapunta ko siya sa bahay para humingi ng tulong dito.
“Lissa,ikaw pala. Yes,I’m okay.”
“Diba,ngayon ka maghahanap ng trabaho?”
“Oo nga pala. Nawala sa isipan ko. Sorry!”
Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo sa may veranda ng apartment ko.
“Wait! Leila,may itatanong sana ako sayo.”
“Ano yun?”
“Diba nakilala mo na kung sino ang nagpapatay kay Anne?”
“Oo,bakit?”
“Bakit hindi mo pa isinusumbong sa kapulisan ang nalalaman mo?”
“Lissa,makapangyarihan ang taong gumawa noon kay Anne.”
“Pero...”
“Mabuti pang tumahimik muna tayo hangga’t wala pang nakikitang ebidensya.”
At saka ako umalis sa harapan ni Lissa at nagtungo sa kwarto para makapagbihis na.
-
Agad akong nagbihis at nag-ayos para maghanap ng trabaho,nagtext sa akin si Direk na pwede pa daw akong magtrabaho sa kanila pero ayoko na,gusto ko ng iwan ang magulong buhay ko bilang isang modelo. Kung magtatrabaho ako sa kanila,siguro kapag handa na akong bumalik sa dati kong buhay modelo.
Lumabas na ako ng subdivision at nag-antay ng taxi na masasakyan,pero hindi pa ako pumapara,isang taxi na ang tumapat sa akin.
“Miss,taxi?”
“Ah. Opo.”
Sumakay na ako sa taxing iyon dahil mukha namang mabuting tao si Manong. Sana katulad ito ng drayber ng taxi na nasakyan ko noon.
“Saan po tayo?”
“Sa Manila City Hall.”
Doon muna ako pupunta para kunin ang police clearance na iniwan ko sa isang kaibigan doon.
Nakatingin lang ako sa bintana ng taxi at nagmumuni nang mapansin kong mali na ang daang tinatahak ng taxing nasakyan ko.
“Manong,mali na po yata ang daan na ito.”
“Miss,tama pa po ito. Sarado po kasi ang daan dun sa kabila dahil underconstruction po.”
Agad naman akong kumalma sa sinabing iyon ng lalaki pero hindi pa rin ako mapakali,agad kong tinext si Detective Rowan at Direk para humingi ng tulong.
“Nandito na po tayo.”
Nagulat ako sa lugar na pinaghintuan namin,isang malaking abandonadong building.
“Manong,teka. Akala ko ba...”
“Hi Leila!” isang babae ang tumambad sa pintuan ng abandonadong lugar na iyon.
Isang pamilyar na mukha.
Si Kareen...
-
“Tawagan mo Lissa si Leila,dalian mo at baka napano na iyon. Delikado ang buhay niya bakit pa siya lumabas sa kainitan ng pagiimbestiga sa kaso niya.” Utos ng director nila Leila sa akin.
Malay ko ba kasi sa babaeng iyon,ang sabi lang naman sa akin ay maghahanap siya ng trabaho at wag na daw akong sumama pa dahil nakakaabala lang siya sa akin pero tingnan mo ngayon,baka may nangyari ng masama sa kanya.
“Direk,I know the person behind this.” Sabat naman ng gwapong imbestigador na ito.
Single pa kaya siya? Hay,ano ba itong iniisip ko! Ang dapat na isipin ko ay ang kaibigan ko. Ano ba kasi itong gulong pinasok nun,dahil lang sa isang lalaki na nakipagbreak sa girlfriend ay nagkaganto na buhay ni Leila. Masyado namang pa-star ang ex na yun ni Jared.
“Hey. What’s your name again?” tanong sa akin ni Mr. Gwapo.
“Ah, Ako? Lissa. Lissa is my name.”
“Ah. Okay Lissa,can I hear some statements from you para matrace natin kung saan pwedeng dalhin ng kidnapper si Leila?”
“Okay, so ganito yung nangyari ---”
-
“Ano ba Kareen,pakawalan mo na ako dito! Wala naman akong ginawang masama sa iyo ah!” pagmamakaawa ko kay Kareen pero wala yatang epekto iyon sa kanya.
“Sige,itali niyo na yan diyan!”
“Mam,hindi po ba kayo hihingi ng ransom kapalit ng babaeng ito?”
“Syempre hihingi tayo ng ransom,tanga! Pero hindi pera.”
“Kung hindi pera,mam? Ano?”
“Si Jared. Si Jared ang gusto kong kapalit ng buhay ng lintik na babae na ito!”
BINABASA MO ANG
Anonymous Photographer
Mystery / ThrillerSi Leila ay isang sikat na modelo sa isang modelling agency. Sa kanyang larangan ay hindi maiiwasan ang mga stalker/paparazzi na maaaring guluhin ang kanyang buhay. Pero paano kung isang paparazzi ang kumuha sayo ng mga litrato pero hindi para sa en...