“Hindi ako makapaniwala,Direk. Bakit kailangan mawala ni Anne?” halos mamaga na ang mata ko kakaiyak.
Sa Greenhills Memorial Park namin ibinurol ang mga labi ni Anne.
“Leila,siguro ay ngayon na talaga ang oras ni Anne. Malay mo diba,may magandang plano ang Diyos kung bakit niya kinuha si Anne.”
“Direk,bakit kailangan ipadala pa sa condo namin ang katawan niya at bakit hindi man lang naamoy ng delivery boy ang katawan ni Anne?”
“Yun din ang ipinagtataka ko. All couriers ng mga packages ay ichinecheck ang package nila. O baka naman hindi talaga delivery boy ang nagdala sayo ng karton na yun?”
“Ang huli kong natandaang sinabi ng delivery boy,2 hours na daw siya dun na naghihintay sa pagdating ko.”
“That’s impossible iha.” Sabi na lamang ni Direk.
-
“Good job! Oh eto ang pera.” Sabay abot ko sa mga tauhan na inupahan ko para patayin si Anne.
Sa totoo lang,wala akong balak idamay ang babaeng malapit sa puso ni Leila pero ang bagay na i-reject niya ako after ko siyang ligawan at suyuin ay lalong nagpainit ng dugo ko. Hindi talaga siya madali makuha sa isang salita,hindi na ako magtataka kung bakit itinuon ng kapatid ko sa iba ang kanyang mata at puso para di na masaktan sa pinaggagawa ng babaeng ito. Mabuti na yung ganito para matauhan ang babaeng ito.
“Salamat bossing. Wala na po ba kayong ibang ipapagawa?”
“Tatawagan ko na lang kayo kung meron man.”
“Sige po. Aalis na po kami boss.”
“Hoy Jared! Di mo ba alam na patay na si Anne? Yung ka mutual understanding mo?” si Marie.
Oo,isa rin siya sa mga kasabwat at ako nga ang mismong nag-utos sa kanila para guluhin ang buhay showbiz/model ni Leila.
“Alam ko.”
“Grabe,kawawa naman siya noh? Parang sobra naman yata ang galit nung taong gumawa sa kanya nun.”
“Talaga. Sobrang galit ang nararamdaman ng taong nagpapatay sa kanya.”
“Marie,andito ka na naman sa opisina ni Jared. Ano bang pinag-uusapan niyo?” sabad ni Mike.
“Wala naman 'hon eh. Nakikipagkuwentuhan lang ako kay Sir Jared.”
“Tara na. Mahuhuli pa tayo sa flight natin.”
“Flight? Bakit? Saan kayo pupunta?”
“Ah. Kasi ganito yon Sir....” tinakpan ni Mike ang bibig ni Marie.
“Jared,magbabakasyon lang kami sa Hongkong. Ipapasyal ko itong si Marie at sobra nang dedicated sa trabaho,nakalimutan ng magspend ng bonding time para sa amin. Di ba Marie?” sabay bitaw sa bibig ni Marie.
“Oo Sir Jared. Bakit mo naman tinakpan ang bibig ko!”
“Dadaldal ka pa eh. Mahuhuli na nga tayo.”
“Eto na nga eh.”
“Kailan ang balik niyo?”
“Two days lang kami dun Jared. Papalipasin lang namin ang libing ni Anne at saka kami gagawa ng hakbang papano siya pababagsakin.Okay na ba yon?”
“Siguraduhin niyo kung ayaw niyo sumunod sa hukay ni Anne!”
“Uh? Wag mong sabihin....”
“Tara na Marie,ilang oras na lang flight na natin.”
“Hindi naman ako nagpabook sayo ng flight for Hongkong ha?” daldal ni Marie habang may tinetext ako.
“Alam ko. Pero Marie,hindi mo ba nakikita ang mga nangyayari? Patay na si Anne,gumugulo na ang buhay ni Leila at sigurado madadamay tayo kaya hangga’t maaga pa,lalayasan na natin si Jared.”
“Eh paano yung pera?”
“Marie naman,singer ka at photographer ako,kung tutuusin kaya nating kitain ang mga binabayad ni Jared in one year eh. Mas mabuti na ito kesa naman sa loob tayo ng kulungan ikasal diba?”
“Uh. Sabi ko nga.”
Bumalik na ako sa pagtetext at si Marie ay nagpalinga-linga naman kung saan.
-
“Iha,are you okay?” inabutan ako ni Direk ng kape.
“Yes,Direk. I’m okay.”
“Wala ka pang tulog. Magpahinga ka kaya muna.”
“No Direk. I’m okay. Kaya ko pa naman eh.”
“Nandiyan na ba ang mga relatives ni Anne?”
“Wala pa,baka bukas pa daw po sila darating.”
“Ganun ba. Sayang si Anne,kung alam ko lang na magkakaganito eh sana hindi ko na siya pinayagan lumipat ng agency sa Paris.”
“Parehas lang naman po tayo Direk. Ang laking kawalan ni Anne sa agency at kahit sa buhay ko.”
“Everything will be alright iha.”
“Annnnnnnnnneeeeeeeeeeee! Bakit ngayon ka pa nawala. Anne.” Isang babaeng nakaputing blouse at skirt na itim ang lumapit sa kinalalagyan ni Anne. “Anak,patawarin mo ko!”
“Uh.Excuse me po. Sino po sila?” Tumingin ng matalim sa akin ang babae.
“Ikaw si Leila?”
“A..ako nga po.”
“Hayop ka! Ikaw ang pumatay sa anak ko! Ang dapat sayo,mamatay din!” hinila ng Ale ang buhok ko at sinampal-sampal ako.
“Ma'am,bitawan niyo siya. Wala kayong karapatang mageskandalo dito! Sino ba kayo!?”
“Ako lang naman ang Inay ni Anne! Ang nawawala niyang ina.” Napatigil kami pareho ni Direk.
“Ale,nagkakamali kayo. Ang mga magulang ni Anne ay nasa province nila sa Leyte at kilala ko po sila. Kung crying lady po kayo na inupahan,pwede na po kayong umalis dito. Igalang naman po natin si Anne.”
“How dare you!” akma akong sasampalin ng Ale nang isang braso ng lalaki ang pumigil sa kamay niya.
“Umalis na po kayo. You’re not Anne’s mother,narinig mo naman diba? Masyado mong kinarir ang pagiging crying lady mo.” Namula ang babae sa tinurang iyon ni... JARED?!
Umalis ang babae na hiyang-hiya sa kanyang ginawa. Tumuon ako kay Jared habang pinagmamasdan niya ang umaalis na babae.
“Anong ginagawa mo dito?” Tumingin lang siya sa akin.
“Direk,can I talk to you?”
Napahiya ako,OMG.
“Sige,iho. Ano ba yon?”
“Dun po tayo mag-usap.”
Grabe,talagang inisnab niya ako? Ganun ba talaga ang mga lalaki kapag nababasted? Haaaaay.
Naupo na lang ako sa kabilang dako habang pinagmamasdan sila Direk at Jared na nag-uusap. Ano kayang pinag-uusapan nila?!
-
“Sis. Ipagpapatuloy mo talaga ang balak mo?” tanong ni Liyaeh sa kapatid na si Kareen habang nag-memake up ito.
“Liyaeh,kung ito lang ang paraan para mapasaakin ulit si Jared. Gagawin ko.”
“Eh bakit kasi ipinagpalit mo siya dun sa Eric mo! Ayan,ngayon nagtatago si Eric sa batas.”
“Liy,ako ang mismong nagsabi kay Eric na magmigrate sa States and beside married man na siya. Hello naman,hiniwalayan ko lang si Jared for the money I will benefit kay Eric pero I was wrong. Mas mahirap pa sa daga si Eric.”
“Haay,nako. Kelan ka ba magbabago?”
“Until Jared will be mine. Oh paano,bibisita muna ako sa burol ng ating co-model na si Anne. You wanna join?”
“I’m sick sister eh. Maybe next time.”
“Sayang. You won’t see the act na gagawin ko kay Leila.” Sabay kindat ni Kareen sa kapatid.
![](https://img.wattpad.com/cover/342098-288-k440950.jpg)
BINABASA MO ANG
Anonymous Photographer
Mystery / ThrillerSi Leila ay isang sikat na modelo sa isang modelling agency. Sa kanyang larangan ay hindi maiiwasan ang mga stalker/paparazzi na maaaring guluhin ang kanyang buhay. Pero paano kung isang paparazzi ang kumuha sayo ng mga litrato pero hindi para sa en...