“Salamat pala sa pagdala mo dito sakin. Patawarin mo sana ako.”
Ngumiti lang si Jared sa akin at saka umalis. Sumakay na ako sa kotse,pagkasakay ko ay bumalik na rin siya ng loob ng resort.
“Okay na po kayo,Ma'am?”
“Opo,Kuya Nelson.”
At nilisan na namin ang lugar na iyon.
-
“Eto na po ba ang condo building niyo Ma'am?”
“Opo. Eto na nga po. Salamat po.” Bumaba na ako ng kotse.
“Ay. Ma'am. Ako na po ang magdadala ng mga bagahe niyo. Tulungan ko na po kayo.”
“Kaya ko na naman ito Kuya Nelson eh.”
“Ma'am naman. Wag na po kayo mahiya.”
“Ah.Eh. Salamat po.”
“Dito na lang po Kuya Nelson.” Pinatigil ko siya sa harap ng pinto ng condo.
“Sige po Ma'am. Mauna na po ako sa inyo ha. Ihahatid ko pa po sa Diliman si Jenna eh.”
“Sige po. Salamat po ulit Kuya Nelson,mag-iingat po kayo.”
Pumasok na ako sa condo pagkaalis ni Kuya Nelson. Naupo muna ako sa sofa,wala pa akong ganang ayusin ang mga gamit ko. Tumingin ako sa orasan,3:15AM! Grabe pala,madaling araw na eh nagpahatid pa ako kay Kuya Nelson. Parang ang laki ng istorbong nagawa ko sa kanila. Haaaaay. Kung hindi lang sana nagtapat sa akin si Jared,wala pa akong balak umalis sa lugar na iyon eh. Kaso,kailangan ko siyang layuan para na rin sa kapakanan ng best friend ko.
-
“Nakauwi na galing Tagaytay si Leila. Alam niyo na ang gagawin.”
-
“Hoy Leila! Ang tagal mong nawala.” Sigaw sa akin ni Direk.
“Direk naman,dalawang araw lang iyon eh.”
“Dalawang araw? Hindi mo ba alam na may iniwan ka pang issue na hindi matapos-tapos? Halos araw-araw,laman ka ng tabloid!”
“Ho? Paano ho...”
“Simula ng mag-walk out ka,kung ano-ano nang issue ang lumabas ang tungkol sayo. At lahat ng products na iniendorso mo,nagback out na ang ilan sa kanila! Your being un-professional Leila!”
“Sorry po Direk. Babawi po ako ngayon,pangako po.”
Ang salitang pangako na binitawan ko kay Direk ay sinimulan ko ng gawin nung mismong araw na iyon. Nagpa-schedule na ako ng panibagong presscon at isa-isa ko din kinausap ang mga clients ng agency na kinuha ako para sa kanilang mga produkto. Napakiusapan ko naman sila at aayusin daw nila ang lahat para makapagsimula na ng shoot. Nakatanggap rin ako ng ilang e-mails at messages at ang lahat ng iyon ay galing sa mga tabloids writers,matiyaga kong sinagot ang kani-kanilang mga tanong para sa kanilang mga article.
Pagkauwi ko sa condo,isang malaking parcel ang nag-aabang sa akin.
“Hi,Ma'am. Almost 2 hours na po akong naghihintay dito para po dito sa package na ito. Pakipirmahan niyo na lang po ito ng makaalis na po ako.”
“Ah. Sige.”
Pinirmahan ko na ang dala niyang papel. Ipinapasok ko na rin ang malaking package na iyon. Nakakapagtaka naman,puro envelope ang natatanggap ko tapos ngayon,naging parcel?
Hindi ko muna binuksan ang parcel na iyon. Nag-shower muna ako at kumain,inayos ang mga gamit na gagamitin ko para sa kinabukasang shoot namin sa Batangas. Nanood ng TV sandali at nagcheck ng e-mails again at nag-Facebook na rin. Wala namang bago,ganun pa din,pinapalawak lang ang issue tungkol sa amin ni Marie. Mga tao nga naman. Ilang oras at tinamad na ako sa mga bagay na ginagawa ko hanggang matuon ang pansin ko sa parcel na nasa gilid ng sofa.
BINABASA MO ANG
Anonymous Photographer
Mystery / ThrillerSi Leila ay isang sikat na modelo sa isang modelling agency. Sa kanyang larangan ay hindi maiiwasan ang mga stalker/paparazzi na maaaring guluhin ang kanyang buhay. Pero paano kung isang paparazzi ang kumuha sayo ng mga litrato pero hindi para sa en...