Araw ng Linggo. Libing ni Anne. Napagdesisyunan kong sumakay na lang sa kotse ni Direk para hindi ako makita ng mga kamag-anak ni Anne dahil alam kong papaalisin lang nila ako. Halos lahat ay umiiyak,kahit si Direk ay lumuluha habang nagdadrive. Ako naman ay parang natulala lang at pinagmamasdan ang kalsada na wari’y may iniisip na malalim pero wala naman. Hindi ako makaiyak at ayokong umiyak. Masakit.
Habang ibinababa ang katawan ni Anne sa lupa ay tumulo na rin sa wakas ang luha sa aking mga mata. Hindi ko aakalain na ang kaibigan ko ay mawawala ng ganito kaaga. Bakit kasi agad siyang kinuha ni Papa Lord? Bakit hindi na lang ako? Ako naman kasi talaga ang gustong pasakitan ng taong gumawa sa kanya nito eh. Bakit kailangan pa siyang idamay dito? Pero mukhang wala ng makakasagot sa mga tanong ko kasi nangyari na eh. Eto na,tapos na. Wala na si Anne at kahit anong gawin ko,hindi na babalik si Anne.
-
Nakaalis na ang lahat pero nagpaiwan ako para personal na magpaalam kay Anne kahit nitso na lang niya ang kausap ko.
“Anne. Kamusta ka na? Alam ko kasama ka na ni Papa Lord at masaya ka na kung nasaan ka man. Kasama mo na rin si Joshua. Pakisabi sa kanya,mahal na mahal ko kayong dalawa ha? Anne,thank you sa lahat. Thank you kasi ikaw yung pinakadabest na kaibigan ko sa lahat kahit iniwan mo ako ng maaga. Mas mabuti na rin iyan kasi diyan,safe ka na. Hindi ka na madadamay pa sa gulong pinasok ko. Anne,lagi mo kong babantayan ha? Mamimiss kita,Anne.” napatigil ako ng biglang humangin ng malakas,parang niyakap ako ng hanging dumaan sa lugar na iyon. Alam ko si Anne yon.
-
Isang malungkot at nakakapagod na araw ang nangyari ngayon. Bukas na din ang paglipat sa isang apartment na uupahan ko at nakaligpit na lahat ng gamit na dadalhin ko. Pagkabalik ko ng condo,isang envelope na naman ang nadatnan ko,malamang mga litrato ko na naman ang laman nun.Sa pagkakataong ito,hindi na delivery boy o kung sino pa man ang nagdala nun dito,sinadya na lang ito iwanan ngayon. Bakit kaya? Kinuha ko ang envelope na lagi ko namang ginagawa. Wala na naman akong mapapala kung hindi ko yun kukunin kahit alam ko na dahil sa simpleng mga litrato na akala ko nung una ay kuha lang ng mga fans ngunit ito pa pala ang magiging dahilan para magulo ang buhay na dati ay sobrang tahimik.
Binuksan ko ang laman ng envelope na yun. Mga litratong kuha habang nakaburol si Anne,kausap ko si Direk,nagbibigay ng makakakain sa mga bisita at kung ano-ano pa. Maging ang kuha ko mula sa kotse ni Direk ay nakuhanan din ng Anonymous Photographer ko. Hanga na ako sa kanya,talagang sobrang pinagaaksayahan niya ako ng panahon. Maya-maya,may nahulog na piraso ng papel mula sa envelope na yun.
“Magkita tayo sa Studio8 ng agency niyo bukas ng gabi. Aaminin ko sayo ang lahat-lahat. – Anonymous.”
-
“Jared! Ano itong nalaman ko na pinapatay mo si Anne?” bulyaw ng ina ni Jared sa kanya.
“Ma naman,saan mo na naman nakuha ang balitang iyan?” ibinagsak ni Jared sa mesang nasa harapan niya ang newspaper na binabasa niya at saka uminom ng scotch.
“Wag ka nang magkaila pa! Nalaman ko kay Jenna ang lahat!”
“Jenna? Yung batang caretaker sa rest house natin sa Tagaytay?”
“Oo,Jared! Alam niya lahat ng plano mo at paano magwawakas ang lahat ng ito!”
Tumayo si Jared mula sa pagkakaupo at nagsalita, “Ma. Walang alam ang batang iyon sa lahat ng plano ko! At naniwala naman kayo na kaya kong magpapatay ng tao?”
“Jared,please. Itigil mo na lahat ng kahibangan na ito!”
“Ma.Hindi! Nawala si Joshua at buhay niya ang kinuha kaya buhay din ang kukunin ko.”
BINABASA MO ANG
Anonymous Photographer
Misteri / ThrillerSi Leila ay isang sikat na modelo sa isang modelling agency. Sa kanyang larangan ay hindi maiiwasan ang mga stalker/paparazzi na maaaring guluhin ang kanyang buhay. Pero paano kung isang paparazzi ang kumuha sayo ng mga litrato pero hindi para sa en...