Maikli lang ang update ng AP ngayon dahil busy ako (kahit hindi) ang gulo eh. Hihihi. Pasensya na sa mga readers kung laging bitin. Dedicated 'to kay modernongmariaclara,by request! ;) I love you girl! :* Thank you sa support,vote niyo po yung bagong chapters ha? :)
- - -
Lumingon ako mula sa pinanggalingan ng boses na yon,si Marie! Kung tinamaan ka nga naman ng lintek! Nasapo ko na lang ang ulo ko sa mga nangyayare sa paligid.
“Presscon ka pang nalalaman. Sulutera ka! Aminin mo na.”
Patay. Wala akong balak makipag-away pero mukhang mapapasubo pa yata ako dahil sa issue na hindi naman totoo.
“M-marie. Let me explain,hindi ako ang kasama ni Sir Mike. He’s one of my photographer pero wala kaming relasyon. Alam yan ng mga kasamahan ko sa trabaho.” Paliwanag ko sa kanya.
“Talaga lang? Eh ano itong mga litratong nasa tabloid? Kuha yan ng mga paparazzi ko.”
“Paparazzi mo?”
“Yes.”
Habang nag-uusap kami ay nagsilapitan ang mga press sa amin ni Marie.
“Miss Marie,hindi ho ba ay isa sa mga nakasama niyo sa isang magazine covers ay si Miss Leila. At magkaibigan kayo?” tanong ng isang press.
“Yes. Were friends before pero dahil sa pagbabalak niyang mang-agaw ng fiancé ng may fiancé ay hindi ko na siya itinuturing na kaibigan.”sagot naman ni Marie.
Gusto ko ng lumabas ng mall na ito. Hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari eh,simpleng modelo lang naman ako pero hindi ko gawaing manulot ng fiancé ng may fiancé .
“Excuse me. Pwede na ba akong umalis?” pakiusap ko sa mga press at mga taong nakapalibot sa amin. Pero hindi nila ako pinansin dahil kausap pa nila si Marie,sabagay mas sikat nga sa akin si Marie kaya siya talaga ang iinterviewhin. Ang lakas lang ng apog niya at nakakapageskandalo pa siya gayong isa siyang sikat na singer.
Pagod ako na nakauwi sa condo. Ang daming nangyari ngayong araw na ito dahil lang sa meet-up naming magkakaibigan kagabi. Naguguluhan din ako sa ilang pangyayari,mabuti pa itulog ko na lang ito,gabi na rin kasi.
-
“Bakit mo yon ginawa Marie?” tanong ni Mike sa nobya.
“Mike kailangan kong magover-react dahil don noh! Hindi ko naman talaga gawain ang sumigaw sa public pero for the sake of my career,gagawin ko kahit pa ilabas ko ang bad side ko.” sarkastikong sagot ni Marie.
“Good job,Marie. Mike,wala kang dapat problemahin,hindi masisira ang career ni Marie dahil lang sa Leila na yan. We're going to fool Leila at kapag kumagat siya sa issue na ito,siya ang talo. I’ll tell you.” Isang kaibigan ni Marie at Mike ang nagsalita.
“Siguraduhin mo lang. Pag ito ang sumira ng image ni Marie,ikaw ang sisihin ko.”
-
Nagising ako sa tunog ng phone ko. Naka-20 missed calls na pala si Jared,nakakahiya naman sa kanya. Bumangon na ako at naghilamos,naghanda ng almusal,kumain at saka naligo. Wala naman akong schedule ngayong araw na ito kaya baka dumito na lang ako sa bahay kesa pumasyal,mainit pa kasi ang usapan tungkol sa amin ni Marie.
Tumunog ulit ako ang phone ko,si Jared!
“Hello?”
“Leila,pwede ka ba ngayon?”
“Ha? Eh kasi...”
“Ay.Oo nga pala,may issue ka nga palang kumakalat ngayon,ako na lang ang pupunta diyan sa condo mo ha?”
“Eh,teka!”
Biglang namatay ang tawag,binabaan yata ako ng phone. Parang nakakapanibago naman si Jared,una tinreat ako bilang pagbawi sa nangyari sa amin noon ni Anne dahil sa kanya,tapos ngayon pupunta siya sa bahay ng walang dahilan? Ang gulo na ha?
Maya-maya,tumunog na ang door bell,si Jared na siguro ito.
“Uh?”
“Ma'am delivery po.” Delivery boy lang pala,akala ko eh si Jared na.
Pinirmahan ko na yung dalang papel ng boy at saka ito umalis. Sinilip ko ang laman,as usual puro pictures ko na naman na kuha ng kaisa-isang stalker ko. Bubuksan ko na sana ang envelope nang muling tumunog ang phone ko. Hindi nagregister ang number sa cellphone ko,
“Hello? Sino ito?”
“Leila,natanggap mo na ba ang mga pictures?” boses lalaki ang nasa kabilang linya.
“Sino ito? Sino ka?”
“HAHAHAHA. Leila,patikim pa lang ang mga una kong nagawa sayo,tandaan mo hindi kita titigilan hangga’t hindi ka nakakapagbayad sa kasalanan mo!”
“Teka! Wala naman akong nagawang masama sa iyo ah! Sino kaba?! Magpakilala ka!”
“Umpisa pa lang ito ng pagbagsak mo Leila. Umpisa pa lang.” END - - - - - - - -
Nagsimula na naman akong matakot. Ano ba kasi ang nagawa kong kasalanan sa kanila? Ayoko ng maulit pa ang nangyari kay Anne noon,ayoko ng may madamay pa. Wala naman akong tinatapakang tao ah? Paano ako nito ngayong wala pa naman si Anne sa tabi ko. Paano?
Biglang tumunog na naman ang door bell,malamang ay si Jared na ito.
“Hello!” Hindi nga ako nagkamali,si Jared nga.
“Ah. Ikaw pala,halika pumasok ka muna.” Yaya ko sa kanya.
“Salamat.” Pinaupo ko siya sa sofa at ako ay dumiretso sa kusina.
“Anong gusto mong inumin? Juice,Softdrinks or Water na lang?”
“Kahit ano na lang siguro. Ikaw na bahala.” Sagot niya.
“Ah. Okay.”
Dumiretso ako sa kusina at ipinagtimpla siya ng juice.
“Parang bigla kang sikat ngayon ah dahil sa pagkakadikit mo daw kay Mike?” pambasag ni Jared ng katahimikan.
“Ewan ko ba dun. Bigla na lang ako nasangkot sa relasyon ng dalawang iyon samantalang minsan ko lang nakasama si Sir Mike at Marie.” sagot ko sa kanya.
“Hindi ba talaga totoo yon? May mga nakuhang litrato na magkasama kayo ni Mike eh.”
“E-ewan ko. Ang sabi ng mga kaibigan ko,ikaw daw ang sumundo sa akin dun sa club na pinasukan namin. Ikaw nga ba?”
“Ha? A-ako? Eh diba sinabi ko na sayo na magpapahinga ako ng maaga nun. Saka hindi kita sinundo noh.” Inilapag ko ang juice ko sa lamesang nasa set.
“Pero bakit ganun? Wala naman sa club na iyon si Sir Mike ah?”
“Ewan ko. Mabuti pa Leila,wag mo na yon isipin,mawawala din ang issue na iyon.”
“Sana.”
Umupo ako sa tabi niya.
“Pero parang isa lang ang gagawa ng bagay na ito sa akin eh.”
-
Presscon. Ito na yung araw na pinakakatakutan ko,yung tatanungin na ako sa mga bagay na hindi ko naman alam. Tapos magpapublic apology pa ako kay Marie,ni hindi ko nga alam ang kasalanang ginawa ko sa babaeng yun. Akala ko ang bait bait niya yun pala, ayoko na ngang magsalita.
BINABASA MO ANG
Anonymous Photographer
Mystery / ThrillerSi Leila ay isang sikat na modelo sa isang modelling agency. Sa kanyang larangan ay hindi maiiwasan ang mga stalker/paparazzi na maaaring guluhin ang kanyang buhay. Pero paano kung isang paparazzi ang kumuha sayo ng mga litrato pero hindi para sa en...