“Nagustuhan mo ba ang resort?” tanong sa akin ni Jared.
“Hm.Oo,sa totoo niyan parang pamilyar ang resort na ito sa akin eh.”
“What do you mean?”
“Parang nakapunta na ako dito noon?”
“HAHAHA. Baka hallucination mo lang yan,last month lang nagbukas ang resort na ito.” Pang-aasar sa akin ni Jared.
“Hm. Baka kamukha lang.”
“Tara na,kumain na tayo. Andun na si Mommy sa dining area.”
Isang pamilyar na mukha ang napansin ko na nakaupo sa may dining area ng resort nila Jared. Parang rest house na rin yata nila Jared ang resort na ito.
“Hi Ma!” bati ni Jared sa ina sabay halik dito.
“Si Leila nga pala 'Ma. One of my models dun sa agency na pinagtatrabahuhan ko.”
“You seemed to be familiar iha? Nagkita na ba tayo before?”
“Ah. Eh,Ma'am Josefina am I right?” Ngumiti sa akin ang ina ni Jared.
“Maybe it’s a no. My name is not Josefina,I’m Janina. Baka nakikita lang kita sa ilang magazines na dinadala ni Jared sa bahay.”
Mali ba ako? Alam ko siya yon,siya ang nanay ni Joshua na nakita ko sa sementeryo last time nung bumisita ako sa puntod ni Josh. Hindi ako pwedeng magkamali dun.
“Madam. Si Jared lang ba ang anak niyo? Kung hindi naman po masama,nakita ko na po talaga kayo eh.” Ngumiti na naman ang ina ni Jared.
“Maybe a yes. Si Jared na lang kasi ang anak ko na nandito sa Pilipinas. I have a daughter who lives in California now. Baka kamukha ko lang dear ang tinutukoy mo na nakita mo na.”
“Leila,kumain na tayo. Baka kamukha lang ni Mommy ang tinutukoy mo.” Saad ni Jared habang hinila ang upuan sa table at pinauupo ako.
“Pasensya na po kayo Madam.”
“It’s okay and wag mo kong tawaging Madam,call me Tita from now on,okay?”
“Okay po,Tita.”
-
After dinner,sinamahan ako ng teenager na sumalubong sa amin ni Jared sa gate ng resort sa kwarto na gagamitin ko para ngayong gabi.
“Hi!” bati ko sa kanya.
“Hello po.”
“Anong pangalan mo?”
“Jenna po name ko.”
“Ahh. Ang cute naman ng name mo. Nagtatrabaho ka ba sa pamilya nila Jared?”
“Opo. Nagtrabaho na po ako sa kanila simula ng mamatay ang nanay ko. Katulong din po nila kasi ang nanay ko noon.”
“Ay. Mag-isa ka na lang sa buhay ngayon?”
“Opo. Ma'am eto na po yung kwarto niyo,iwan ko na po kayo.”
“Magtatanong pa sana ako.”
“Ano po yon?”
“Janina ba talaga ang pangalan ng Madam niyo?” Parang nagulat sa tinuran ko ang dalaga.
“Ah. Eh. Opo,Janina po talaga ang pangalan niya.”
“Wala ba siyang kakambal?”
“Wala po. Bakit niyo po natanong?”
“Wala naman. Kasi parang nakilala ko na siya noon.”

BINABASA MO ANG
Anonymous Photographer
Misterio / SuspensoSi Leila ay isang sikat na modelo sa isang modelling agency. Sa kanyang larangan ay hindi maiiwasan ang mga stalker/paparazzi na maaaring guluhin ang kanyang buhay. Pero paano kung isang paparazzi ang kumuha sayo ng mga litrato pero hindi para sa en...