Dumating na yung moment na pinakakahintay ni Anne pero kinakabahan ako sa maaaring mangyari. Hindi ko alam,feeling ko talaga may mali sa lalaking ito. Pumunta na kami sa dressing room kung saan isang kwarto ang nakalaan para sa apat na modelo. Kasama namin sa room ang dalawa pang sikat na models galing sa ibang modelling agency. Si Kareen at Liyaeh,sabi ng ilan magkapatid daw ang dalawa sa ama,at ang kanilang mga ina ay mga modelo din. Nakakatawang isipin,lahi sila ng mga modelo. Natigil ang pag-iisip ko ng mga walang kakwentang-kwentang bagay ng pumasok na ang mga make up artist na siyang magmemake-up sa amin.
Tinawag na ang mga modelo at sinimulan ng kunan. Nakaupo lamang ako sa tabi ng studio habang kinukunan pa ang ilang modelo kasama si Anne doon. Hindi ko namalayang nakalapit na pala si Jared sa akin.
“Hi!”
“Uh? Mr.Reyes,ikaw pala.May kailangan ka ba?”
“Ah,wala naman. Yung assistant photographer ko kasi ang kumukuha ng mga litrato ngayon. Naisip ko lang baka gusto mo ng kasama,kanina ka pa tahimik eh.” Ngising saad nito.
Kinakabahan ako ng makita ko ang reaksyon niya.
“Hm, excuse me Miss Leila,Jared na lang itawag mo sa akin. Masyadong pormal ang Mr.Reyes.”saad ni Jared habang nananahimik ako at nag-iisip ng isasagot sa kanya.
“Sige” maiksi kong sagot.
Maya-maya ay tinawag na siya ng kanyang assistant,”Sir Jared! Kayo na po ang kumuha ng ilan,”
“Sige! Nariyan na.” Sigaw niya sabay lingon sa akin. “Ako ang kukuha ng litrato sayo,be ready!” sabay kindat ulit.
Nangilabot ako.
-
Natapos ang shoot ng maayos at medyo nag-enjoy ako kahit ang awkward ng environment dahil kay Jared. Crush ko siya nung una pero parang ayoko na sa kanya. Nasa dressing room ako at si Anne ay nasa coffee shop para bumili ng maiinom namin.
Lumapit sa akin ang isa sa mga kasama naming modelo,si Kareen.
“Hoy! Professional model ka ba?” pagmamataas ng boses nito.
“Huh? Oo,professional model ako. Why?” Mahinahon kong sagot sa kanya.
“Talaga lang ha? You look like a cheap model from Tondo. Duuuuhh!” saad niya sabay tawa at nakitawa na rin ang half sister nito na si Liyaeh.
“Teka lang ha? Ano bang nagawa ko sayo? Nanahimik ako.” Hindi ko na mapigilan na hindi sagutin ang pinagsasabi niya.
“Jared is my ex-boyfriend. Kaya ayoko ng lumalapit ka sa kanya or else I’m going to ruin your life...again.” Sabay alis nito at lumabas ng kwarto.
Napaisip ako sa sinabi niya,hindi kaya siya yung anon photographer ko? Pero hindi pupwede,ngayon lang kami nagkita. Hindi.
-
Isang linggo din ang lumipas pagkatapos ng photoshoot na iyon,nasa condo lang ako samantalang si Anne ay busy sa trabaho. Hindi naman kasi kami lagi magkasama sa iisang project or shoot. At ang kasama niya sa trabaho ngayon ay si Jared dahil ito ang na-assign sa agency namin bilang photographer ng mga models kung saan kami nagtatrabaho ni Anne. Oras-oras ay nakakatanggap ako ng text galing kay Anne na magkasama daw silang nag-lunch kahit buong team ang kasama nila,nagkatitigan daw sila,nahawakan daw ang kamay niya at kung ano-ano pa. Natatawa na lamang ako dahil ngayon ko lang nakitang ganon si Anne sa buong dalawang taon na nagkasama kami sa trabaho.
Kinagabihan,isang delivery boy na naman ang naghatid ng mga litrato. Ipinagtataka ko,may kasamang bouquet ng bulaklak ang mga litrato. Balak ko sanang tanungin ang delivery boy kung sino ang nagpadala nun pero nahiya ako,gabi na rin kasi yun at siguradong huling delivery transaction na ng boy yun.
Ang mga litratong natanggap ko ay kuha mula sa huling shoot na ginawa ko. Hindi ko na masyadong tiningnan ang mga litrato,agad ko na itong nilagay sa cabinet at saka ako nagpahinga na ng tuluyan. Sanay na ako sa mga ganong eksena kaya hindi ko na masyadong binibigyang halaga ang mga litratong pinapadala sa akin. Ang ipinagtataka ko lang,yung bulaklak.
BINABASA MO ANG
Anonymous Photographer
Mystery / ThrillerSi Leila ay isang sikat na modelo sa isang modelling agency. Sa kanyang larangan ay hindi maiiwasan ang mga stalker/paparazzi na maaaring guluhin ang kanyang buhay. Pero paano kung isang paparazzi ang kumuha sayo ng mga litrato pero hindi para sa en...