Anonymous Photographer Chapter 17

462 6 0
                                    

Pagkatapos ng tawag na iyon ay dali dali akong nagbihis at dumiretso sa agency.

Studio 8.

“Ma'am Leila. Nandun po si Direk sa Studio 8,dalian niyo po! Baka kung ano na po ang nangyari sa kanya!” itinuro sa akin ni Krizza ang daan at sa wakas,narating na rin namin ang Studio na sinasabi niya.

Pumasok kami sa loob,madilim.

“Krizza,lumabas ka na muna. Baka madamay ka pa. Pagkalabas mo,agad kang tumawag ng security at ipagbigay alam mo ang lahat nang ito sa head ng agency.”

“Opo.”

Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng Studio,nagsimulang tumaas ang mga balahibo ko dahil napapaligiran ako ng salamin,dance studio kasi ang lugar na iyon. Nang marating ko ang gitna ng studio,bigla na lamang bumukas ang ilaw. Isang babae ang nakatayo sa harapan ko,nakabalot ang buong katawan niya ng kulay itim na damit,panatalon,gloves at sapatos. Ang kanyang mukha ay nababalutan din ng isang belo.

“Sino ka! Nasan si Direk?”

“Nariyan ka na pala. Mukhang nakalimutan mo ang usapan natin na alas-otso ng gabi ay magpunta ka sa lugar na ito.”

“Sino ka nga ba talaga! Ano bang kailangan mo?”

Lumakad palapit sa akin ang babaeng iyon.

“Isa lang naman ang kailangan ko sayo Leila eh,yun yung mamatay ka.”

Hindi ako makakilos sa narinig kong iyon,sino ba talaga ang babaeng ito!  Umurong ako papalayo sa kanya pero natalisod ako,may nakaharang sa likuran ko. Paglingon ko,si Direk! Naghahabol ng hininga.

“Direk!”

“L-leila.” Humawak si Direk sa paanan ko.

“Direk,anong nangyari sa inyo?”

“U-umalis ka na. Bago ka pa niya masaktan. U-umalis ka na.”

“Hindi ko kayo pwedeng iwan dito Direk.”

Biglang tumunog ang fire alarm ng Studio,signal na nakatawag si Krizza ng tulong.

“Babalikan kita Leila! Babalikan kita!” daling umalis ang babae.

“Direk,humawak po kayo sa braso ko,dadalhin ko po kayo sa hospital.” Binuhat ko na si Direk.

“Ma'am Leila! Nakahingi na po ako ng tulong. Nasaan na po yung lalaki?”

“Hindi siya lalaki Krizza,babae siya.”

“Ano po?”

“Mamaya na lang kita kakausapin,tulungan muna natin si Direk na madala sa hospital.”

“Opo!”

-

Sa ospital. Naipasok na si Direk sa OR at kami ni Krizza ay naghihintay sa labas.  

“Ma'am Leila,bakit po ba may lalaki ay babae po pala sa Studio na iyon? Girlfriend po ba iyon ni Direk?”

“Hindi ko alam Kriz. Ako ang kailangan ng babaeng iyon at hindi si Direk.”

“May nagawa po ba kayong kasalanan sa babaeng iyon?”

“Hindi ko din alam. Malaki ang galit niya sa akin at ang hinihingi niyang kapalit ay ang kamatayan ko.”

“Grabe naman iyon. Kababaeng tao,halang ang kaluluwa.”

“Wala ng taong mabait ngayon Kriz. Lahat pwede maging masama dahil sa isang bagay.”

“Sabagay.”

“Sino po ang kamag-anak ni Mr. Simon Ramos?”

“Secretary niya po ako. Kamusta na po si Direk?” si Krizza ang sumagot sa tanong ng doctor.

“Mabuti na ang lagay niya iha. Medyo malalim ang saksak na natamo niya pero in a few weeks,hihilom na rin ang sugat niya. Medyo hirap din siyang magsalita at may fracture ang leeg niya malamang ay nakuha niya sa sakal,may bagay na isinakal sa kanya.”

“Ganun po ba?”

“Oo,iha. Pero don’t worry. He’s safe now. Paano mauna na ako? May pasyente pa ako.”

"Sige po. Thank you po Doc.”

“Tara na Kriz. Tingnan natin kung okay na si Direk.”

“Opo.”

Pumasok na kami sa ward ni Direk.

“Direk?”

“Ma'am,mukhang  natutulog pa po si Direk.”

“Hindi Kriz. Pumikit lang ako para magdasal.”

“Direk,pasensya na po kayo sa akin. Alam ko pong ako po ang dahilan kung bakit nagkaganyan kayo. Mukhang kailangan ko na talagang iwan ang propesyon ko na ito. At lumayo na sa mga taong malalapit sa akin. Marami ng napapahamak at isa na po kayo dun.”

“Leila. Okay lang sa akin yun. Alam mo namang itinuring na kitang anak simula pa noon. Wala sa akin ito,salamat na lang sa Diyos at buhay pa ako ngayon. At siya nga pala Leila,dadaan dito si Detective Rowan,private detective siya na kinuha ko para mag-imbestiga sa kalagayan mo,iha.”

“Naku Direk. Nag-abala pa kayo para sa akin. Pwede naman pong hindi na lang kayo kumuha,ireresolba ko na lang po ito mag-isa kesa may madamay pa.”

“Hindi pupuwede Leila,ayoko namang sumunod ka kaagad kay Anne. Pwede mo pang mabawi ang nasira mong pangalan sa industriyang ito Leila kapag natapos na ang lahat na ito.”

“Salamat po Direk.”

“Direk,Ma'am Leila. Kukuha po muna ako ng maiinom para sa atin. Babalik din po ako kaagad.”

“Sige Krizza.”

-

“Ma,wag kang bibitaw. I need you,ikaw na lang ang nandito. Ate Eya,already leave us simula ng mamatay si Joshua. Wag naman pati ikaw,please. Ma.”

“J-jared. You’re my son,I won’t leave you. Unless,ititigil mo na ang paghihiganti laban kay Leila.”

“Sir,hanggang dito na lang po kayo.”

Ipinasok na si Mama sa OR,naiwan ako sa labas at napaisip sa huling sinabi ni Mama bago siya ipinasok sa OR.

Hindi ako pwedeng sumuko laban kay Leila,siya ang dahilan kung bakit kami iniwan ni Joshua pati ni Ate Eya. Si Ate Eya ang panganay sa aming lahat,sumunod ako sa kanya at bunso si Joshua kaya masakit para sa amin ang mawala ang aming ‘apple of the eye’. Iniwan kami ni Ate Eya dahil gusto niyang makalimutan ang lahat ng nangyari two years ago na. Last year lang namin nalaman na US citizen na siya at nag-asawa na. Si Mama na lang ang kinakausap niya simula ng umalis siya,ako kasi ang sinisisi niya sa pagkamatay ni Joshua dahil pinabayaan ko daw ito na hindi naman totoo.

“Sorry!” isang babae ang nakabunggo sa akin at natapon ang dala niya kape sa akin.

“What the... tumitingin ka ba sa dinadaanan mo... K-krizza?”

“S-sir Jared?”

“Anong ginagawa mo dito?”

“Ah. Si Direk po kasi,naospital po kasi siya.”

“Anong nangyari kay Direk?”

“Mabuti pa po,puntahan niyo na lang po siya sa ward niya. At siya na lang po ang tanungin niyo.”

“Salamat. Watch your steps na ha? Pasalamat ka at may dala akong extra shirt sa kotse. Magpapalit lang ako at susunod na ako sa ward ni Direk.”

“Pasensya na po. Sige po.”

-

Ward.

“Direk,aalis na po ako.”

“Hindi mo na ba hihintayin Leila si Detective Rowan?”

“Oo nga po pala. Sige po,hihintayin ko na lang po siya.”

Narinig namin ni Direk ang isang katok sa pinto at bigla itong bumukas. Si... J-jared?!

Anonymous PhotographerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon