Anonymous Photographer Chapter 7

543 8 4
                                    

Sino pa ba ang ibang kakatok sa condo ko bukod kay Anne at sa ilang kaibigan ko. Walang iba kundi delivery boy na naman.

“Ma’am,delivery po.” Nagulat ako,hindi envelop ang binigay sa akin ng delivery boy kundi bouquet na puro red roses.

“Pakisign na lang po dito Ma’am.” Tinuro ang isang linya sa papel na dala nito.

“Salamat po.”

Agad ding umalis ang delivery boy at ako naman ay nanatili pa rin sa pintuan na nagtataka. Wala  naman akong ibang mapagsabihan ng tungkol sa natanggap ko dahil wala na nga si Anne. Nilagay ko na lang sa vase sa sala ang mga bulaklak at saka ako bumalik sa ginagawa ko.

Isang linggo na simula ng makaalis si Anne ng bansa. Sa loob ng linggong yun,isang beses ko lang nakausap si Anne thru chat. Busy kasi siya at busy din ako,namimiss ko na nga siya eh.

-

Sabado,dahil wala akong magawa ay nagpasya akong mamasyal sa mall. Bibili ng kung anik-anik sa katawan at para mawala na rin ang lungkot ko dahil sa pag-alis ni Anne.

“Hi. Namiss kita.” Boses ng lalaki. Si Jared.

“Oh? Jared? Bakit nandito ka?” taka kong tanong sa kanya.

“Ano pa ba,edi namamasyal.” Sarkastiko nitong sagot sa akin.

“Sabi ko nga,teka one month and a half ka na rin absent sa work ah?”

“Hindi mo ba alam? Two months akong leave.”

“Ha? Bakit?”

“Nagkasakit kasi si Mommy eh,walang magbabantay at hanggang ngayon andun pa rin siya.”

“Ay sorry naman,ngayon lang namin nalaman. Wala namang sinasabi si Direk eh.”

“Okay lang. May gagawin ka ba ngayon?”

“Wala naman. Bakit?”

“Tara,nood tayo.May magandang pelikula ngayon.”

“Ha? S-sige.”

Parang magnet at mabilis akong pumayag sa yaya ni Jared. Anong nangyayari sa akin?

Pagkatapos naming manood ng sine ay naglakad-lakad kami sa mall at pumasok kami sa isang sikat na clothing line. Nagpunta muna siya sa Men’s area samantalang ako ay tumtingin ng mga sapatos na pangbabae. Naghahanap din kasi ako ng maidadagdag sa mga sapatos na ginagamit ko sa trabaho. Medyo nahihirapan ako ngayon mamili ng bibilhin dahil  hindi ko kasama ang stylist namin ni Anne,nasa Paris din ito para samahan si Anne.

“Gusto mo yang sapatos na yan?” tanong ni Jared.

“Ha? Tinitingnan ko lang naman eh.”

“Tinatanong ko kung gusto mo?”

“Ah-eh.. Medyo.”

“Sige,bibilhin ko.”

“Ha! Wag na,masyadong mahal yan saka may sapatos pa ako sa---“

“Hayaan mo akong makabawi sayo. Alam kong nag-away kayo ni Anne dahil sa akin.”

Napatigil na lang ako. Paano niya nalaman? Sinabi ba sa kanya ni Anne yun?

“Oh.Eto na. Kahit hindi mo na sukatin,kakasya yan sayo. Adjustable yan eh.”

“Wow? Adjustable? Talaga,parang ngayon lang ata na merong sapatos na ganito.” Mangha kong sagot kay Jared.

Anonymous PhotographerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon