Pagkahatid niya sa akin ay umalis na siya kaagad,magpapahinga daw siya ng maaga. Ibinigay niya sa akin ang number niya at itext ko daw siya kapag nakauwi na ako. Ano yun? Sabagay,photographer naman namin siya kaya malamang na bigyan niya ako ng number niya.
“Uyyyyy. Sino yun Leila?” tukso ni Isha,isa sa mga college friend ko na ngayon ay isa ng flight attendant.
“Ha? Wala yun,isa sa mga photographer namin ni Anne.” Sagot ko. “Umorder na ba kayo?” paglalayo ko ng usapan para hindi ako masyadong tanungin tungkol kay Jared.
“Hindi pa.” sagot nila.
“Tara,pizza!”
"Sure!!!"
-
Ang sakit ng ulo ko paggising ko kinabukasan. Tumingin ako sa orasan,ala-una na pala ng hapon.Grabe ang tulog ko,first time kong gumising ng ganung oras. Ano bang nangyari sa aming magkakaibigan kagabi? Tumayo na ako at iniligpit ang higaan,saka ako pumasok ng banyo para maghilamos at mag-isip kung ano ba talagang nangyari kagabi.
Naaalala ko,niyaya ko silang mag-pizza,favourite naman naming pagkain yun since college at hanggang ngayon na nagmimeet-up kami. Isa sa mga pinakamatakaw kumain ng pizza ay si Anne. Sayang at wala siya ngayon. Itinuring na rin naming kasama sa grupo si Anne dahil dun rin naman ito nag-aral sa Uni kung saan kami nag-aral.
Pagkatapos kumain ng pizza ay nagyaya si Lissa na magbar-hopping at i-try daw namin ang bagong labas na brand ng The Bar which is yung tequila. Sumunod naman kami dahil gusto din namin. Oops,hindi kami talaga mga lasenggera,occasionally drinker lang kami at minsan lang ito kapag nagkayayaan.
Nasa kalahati pa lang ang boteng iniinom namin ay nahilo na ako. Maya-maya,naramdaman kong may bumuhat sa akin at isinakay ako sa kotse. Pilit kong iminumulat ang mata ko pero hindi ko magawa,familiar ang mukha para sa akin,lalaki.
Pagkatapos kong maghilamos ay naghanda na ako para kumain sa labas dahil gutom na gutom na ako at late na ako nagising.Tinamad na rin kasi ako gumawa ng pagkain ko. Habang nagbibihis ako,nag-ring ang phone ko,si Lissa.
“Hello?”
“Oy,girl! Grabe ka kagabi ha? Ang sosyal mo na talaga!”
“Ha? Paanong sosyal?”
“May naghatid na nga sayo,may sumundo pa!”
“Anong sinasabi mo?” Nagulat ako sa sinasabi ng kaibigan ko.
“Di ba yung photographer ang naghatid sayo,siya din ang sumundo sayo. Oh my god,ang pogi pala nun sa malapitan!”
“W-wag mong sabihin si Jared ang naghatid sa akin sa condo ko?”
“Oo,siya nga. Gusto ko nga sanang sumama kaso hindi siya pumayag. Gabi na daw at magpasundo na daw kami sa mga boyfriend namin. Kilig kami kagabi ha! Ang sweet niya sayo.”
“T-teka,imposible yung sinasabi mo Lissa.”
“Oh pano girl,may duty pa ako eh.Buh-bye!”
Ibinaba na ni Lissa ang phone niya at ako naman ay naiwang nakatanga sa harap ng salamin.
“SI JARED ANG NAGHATID SA AKIN PAUWI?”
-
“Ma’am,delivery po.” Isang envelope na puro litrato ko na naman ang laman ng envelope na yun. Mga kuhang litrato mula sa meet-up namin magkakaibigan,may mga kuha din sa loob ng bar. Sa mga litratong iyon,mukhang sobra nga ang nainom kong alak. Isang katok na naman ang narinig ko pagkatapos kong buksan ang envelope.
“Oh.Direk? Napadalaw ho ata kayo?” taka kong tanong kay Direk na once in a blue moon lang kung dumalaw sa condo.
“Iha,what’s wrong with you? Ikaw ang isa sa mga pinakasikat na modelo ng agency natin. Pero ano itong nachichismis ka sa mga local tabloid?”
“Ho? Paanong nachismis po Direk?”
“Basahin mo ang news na ito!” Iniabot sa akin ang isang tabloid.
“Isang sikat na modelong nagngangalang Leila Marie Sanchez ang namataan sa isang bar kasama ang sikat na photographer sa larangan ng showbiz na si Mike Cojuangco. Ilan sa mga impormante ang nagsabi na sinundo daw ito ng sinabing sikat na photographer at inihatid daw sa condo ng sikat na modelo. Ayon din sa ilang research na ginawa ng aming team ay di umano’y nakaenggage na si Mike Cojuangco kay Marie Pineda,isang sikat na singer sa TLC Network.- - - - - - ”
Di ko na itinuloy ang pagbabasa,umupo ako sa sofa at nag-isip na malalim. Napabuntong hininga na lang ako at sinimulan ang pagpapaliwanag kay Direk.
“Alam na po ba ito ng head ng management ko?” tanong ko.
“Hindi ko alam Leila. Totoo ba ang chismis na yan?”
“Hindi po Direk. Ang naghatid sa akin sa condo ay si Jared. Yun ang sabi ng mga kaibigan ko. Imposibleng si Sir Mike,alam niyo po yan Direk.”
“Oo iha. Alam ko ang bagay na yan,pero paano mo maipapaliwanag ang mga litratong inilabas din ng tabloid na ito?”
“Hindi ko po alam Direk.”
“Magpapatawag tayo ng presscon at magpublic apology ka kay Miss Marie Pineda.”
Tumango na lang ako. Umalis na din si Direk makalipas ang ilang minuto. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari,naguguluhan na ako. Hindi pa pala ako kumakain!
-
“Iho. Napauwi ka yata ng wala sa oras? Anong problema?” Mommy ni Jared.
“Gusto ko lang po dumalaw kay Joshua,Ma.”
“Anak,kung iniisip mo pa rin ang maghiganti sa taong gumawa ng ganun sa kapatid mo. Better na itigil mo na lang yan.”
“No 'Ma! Hindi puwede! Ma,kung kayo napatawad niyo na ang taong gumawa ng kawalang hiyaan na yan sa kapatid ko.Pwes ako hindi!” pagtataas ni Jared ng boses sa kanyang ina. Napatahimik na lamang si Josefina sa ginawa ng anak. Alam niya na masakit din sa anak ang nangyari sa kapatid nito.
Maya-maya lamang, “Aalis muna ako Ma. Pupunta ako sa sementeryo.”
“Sige anak. Mag-iingat ka.” Humalik si Jared sa ina at saka umalis.
-
Isang mall na malapit sa condo ako kumain,inorder ko lahat ng gusto ko hangga’t sa mabusog ko,naubos ko naman ang lahat ng iyon. Alas-tres trenta na ng mga oras na yon,naisipan ko munang magwindow shopping bago ako bumalik sa condo.
“Diba siya yung nalilink sa jowa ni Marie Pineda?” isang saleslady ang narinig ko na bumulong sa kasamahan nito.
“Jowa ka diyan! Mapapangasawa kamo ni Marie Pineda. Maganda siya kasi model at kung ihahambing mo kay Marie eh may mas panama siya kaya di malabong maghanap ng mas maganda yung fiancé ni Marie noh?” sagot ng kasamahan nito.
“Means pinagtatanggol mo siya? How dare you naman!”
Hindi na ako nakinig sa usapan nilang dalawa dahil mukhang pag-aawayan pa nila ako at si Marie. Lumabas na ako sa shop na pinagtatrabuhan nila dahil nakakawalang gana tumingin sa mga items nila kung ganon lang ang sasabihin sayo ng mga sales lady.
Paglabas ko ng shop na iyon,sinugod ako ng mga press at pinagkaguluhan.
“T-teka.”
“Ikaw si Leila Sanchez diba? Anong masasabi mo sa kumakalat na chismis na sulutera ka daw at inaagaw ang boyfriend ni Marie Pineda?”
Pinilit kong makalayo pero pinagtutulak na ako ng mga press.
“Wala akong maisasagot ngayon! Ano ba! Lubayan niyo ako. Mayroon akong isschedule na presscon para sa lahat ng press pero wag niyo akong dumugin please lang!” sigaw ko ng hindi na ako makapagpigil.
“Ang kapal ng mukha mo!” isang malakas na sigaw ng babae ang narinig ko.
BINABASA MO ANG
Anonymous Photographer
Mystery / ThrillerSi Leila ay isang sikat na modelo sa isang modelling agency. Sa kanyang larangan ay hindi maiiwasan ang mga stalker/paparazzi na maaaring guluhin ang kanyang buhay. Pero paano kung isang paparazzi ang kumuha sayo ng mga litrato pero hindi para sa en...