Anonymous Photographer Chapter 18

457 8 4
                                    

“J-jared?”

“Ikaw pala yan Leila,nandito ka rin pala.”

“Ah.Eh Oo. Pero paalis na rin ako,hindi pa kasi ako kumakain kaya lalabas muna ako.”

“Gusto mo bang samahan kita?”

“Naku,wag na. Kaya ko naman eh,saka hindi naman ako ang pinunta mo dito,si Direk.”

“Sige. Kung iyan ang gusto mo.”

Nagpaalam muna ako kay Direk saka ako lumabas sa ward room ni Direk at iniwan silang dalawa doon. Iyon ang unang pag-uusap muli namin ni Jared pagkatapos ang nangyari sa aming dalawa.

“Nurse,saan banda dito yung canteen niyo?” tanong ko sa isang nurse na naglalakad sa may hallway.

“Ah. Ma'am,lumiko po kayo diyan sa may OR,tapos diretsuhin niyo lang po yung hallway sa may kaliwa po canteen  na po yun.”

“Salamat.”

“Welcome po.”

Tumuloy na ako sa daang itinuro ng nurse sa akin.

Nakasalubong ko ang isang doctor na galing sa OR,lumapit sa akin at mukhang may sasabihin.

“Ikaw si Leila Sanchez diba? Yung sikat dati na model?”

“Ah. Ako nga po,bakit po?”

“Gusto kang makausap ni Mrs. Josefina Reyes.”  

“Ho? Si Ma'am Josefina?”

“Oo,ihahatid namin siya sa ward room 345. Sumunod ka na lang dun.”

“Ah. Eh. Sige po.”

-

“Jared,what brought you here at napadalaw ka?”tanong sa akin ni Direk habang kumakain ito ng dala-dalang prutas ni Krizza.

“Nasabi po kasi sa akin ni Krizza na nandito daw po kayo sa ospital,my Mom is also here at nasa OR siya.”

“What happen to your Mom?”

“Inatake siya sa puso.” umupo ako sa may sofa na nasa tabi ng ward na iyon.

 “I’m sorry for your Mom. I hope she’d recover soon.”

“I hope Direk. Thank you. Off topic to my Mom,what happen ba sa inyo Direk?”  

“There this guy who attacked me at the Studio 8. Hindi ko alam kung guy siya or girl pero she’s desperate to kill Leila.”

“What? To kill Leila?” nagulat ako sa narinig ko.

“Yes. Hindi ko alam kung sino siya pero mukhang may malaki siyang galit  kay Leila.”  

Mukhang hindi lang yata ako ang may gustong patayin si Leila. Sino ang lalaking ito? Mukhang uunahan pa niya ako sa pagpapahirap sa babaeng naging dahilan nang pagkasira ng pamilya ko.

-

Hindi ko alam bakit ako sumunod sa sinabi ng doctor na iyon na magpunta sa ward ni Ma'am Josefina,ang mother ni Joshua. Minsan lang naman kami nagkita nito pero hindi ko alam na marerecognize niya agad ako. Kinakabahan ako nung pumasok ako sa ward na iyon,kinakabitan ng oxygen that time ang ina ni Jared at inaayos ng nurse ang dextrose na nakasaksak sa kamay ni Ma'am Josefina. Lumapit ako sa kanya at tumingin siya sa akin,pinilit niyang ngumiti kahit may dinadamdam siyang sakit.

“L-leila,ikaw na ba iyan?”

“Opo. Ako nga po.”

“Maupo ka muna iha."

Anonymous PhotographerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon