Anonymous Photographer Chapter 12

462 7 6
                                        

“Then,where’s Leila?” tanong ni Marie kay Direk.

“She is on a vacation Marie. Calm down, she will release another presscon sooner once she comes home. Hindi tatakasan ni Leila ang mga ganitong bagay,I assure you.”

“Leila,needs to explain everything about the picture and all the mess she had done! Or else,hindi ako pipirma ng new contract sa agency na ito!”

“Please,Marie. Calm down,tatawagan namin si Leila para makabalik na siya dito sooner.”

“Okay.” Sabay alis ni Marie sa opisina ni Direk.

-

Paano kaya ako babalik sa Manila sa ganitong sitwasyon,dinala ako dito ni Jared para mag-unwind ng utak tapos iiwan ko lang siya to mind my own business. Nakakahiya naman kay Tita Janina,mabuti pa magsstay na lang muna ako dito for two days.

Naglakad-lakad muna ako sa tabing dagat para magpahangin,wala kasing tao ng mga panahon na iyon sa resort at sarado ito dahil Wednesday,iyon yata ang araw ng dayoff ng staff ng resort. Ang sarap ng hangin,ang ganda ng dagat sa katanghalian, at ang lugar nakaka-refresh.

“Leila.” “Oh? Bakit?” “Kasi...kasi... nakakahiya naman sayo. P-pwede ba akong m-manligaw?” tanong ni Joshua sa akin habang nagsasaya kaming magkakaibigan sa resort nila. “Huh? Ah.Eh. Ikaw bahala. Manliligaw lang pala eh.” Iyon na yata ang araw na napasaya ko si Joshua pero parang may mali,bakit ako pumayag,hindi ko naman siya mahal eh.

“Leila?” nagising ako mula sa pagkakaidlip mula sa isang puno sa resort na iyon. Buti na lang at private resort iyon kundi baka narape na ako. Ang OA ko mag-isip.

“Jared. Ikaw pala? Gising ka na. Wala kang hang over?”

“Pasensya ka na. Ang aga,amoy alak na ako.”

“Hindi,okay lang naman. Pero ang lakas mo uminom ha?”

“Sinadya ko talaga magpakalasing.”

“Bakit?”

“Maupo muna tayo sa loob. Masyadong mainit dito sa labas. Katanghaliang tapat eh.”

“Ah. Sige.”

Habang naglalakad kami parang may kakaiba akong nararamdaman kay Jared.

“Mahina kasi ang loob ko eh.”

“Ha? Bakit?”

“Alak lang ang nagpapalakas ng loob ko. Akala ko nga masasabi ko na sayo kanina nung nasa harap ako ng kwarto mo pero hindi eh.”

“Ano ba yung sasabihin mo Jared?”

“MAHAL KITA LEILA SANCHEZ!”

“Ha? Jared,baka alak lang yan.”

“Hindi ako nagbibiro Leila. Mahal talaga kita nung una pa lang tayong magkita. Alam mo,kung makikita mo lang ang kwarto ko,puro litrato mo ang makikita mo.”

“Jared,teka lang. Diba nililigawan mo si Anne? Ayokong masaktan ang kaibigan ko.”

“Leila,wala akong nararamdaman for Anne,friendship lang ang kaya kong i-offer sa kanya nung mga panahon na yun. Nung una pa lang talaga,ikaw na ang napansin ko. Leila,mahal mo rin ba ako?”

“Ha?! Jared,hindi ko alam. Sa totoo din niyan,may gusto na ako sayo nung una pa lang nating pagkikita,I mean may gusto na kami ni Anne sayo nung una. Pero kailangan kong iset aside ang feelings ko for you dahil kay Anne.”

“And now,it’s your chance Leila. Wala na si Anne.”

“No Jared. Hindi ako ganun at never kong gagawin yun sa kaibigan ko.”

Umalis na ako sa harap ni Jared pagkatapos kong sabihin ang mga salitang yun.

Hindi ko alam ang gagawin ko,I want to leave that place as soon as possible. Ayoko ng magstay doon after kong malaman ang motibo ni Jared. Pagpasok na pagpasok ko sa kwartong iyon,I packed my things up! Kailangan ko ng umalis. Yun ang sinasabi ng utak ko pero my heart is aching. Oo,mahal ko si Jared pero mas matimbang si Anne kesa sa kanya.

Bago ako lumabas ng kwartong iyon,sinigurado ko munang hatinggabi na at tulog na ang lahat. Hindi man lang nila ako hinanap,anyway,okay lang yun. Mas magiging magaan ang pag-alis ko kasi wala akong maiiwan na naghahanap sa akin. Tahimik,nakabukas ang ilaw sa lobby ng resort at maging sa gate. Okay na yun,may taxi naman siguro sa labas ng ganitong oras.

Lumabas na ako ng kwarto nang biglang,

“Ay!”

“Psssh. Ma'am Leila,saan po kayo pupunta?”

Si Jenna lang pala. Akala ko kung sino ang bumulaga sa akin.

“Aalis na ako dito Jenna. I need your help. Matutulungan mo ba ako?”

“Alam po ba ....”

“Psssh. No. Hindi niya ito alam. I need your help. I wanna go home na eh.”

“Sige po Ma'am. May alam akong daan na mas mabilis. You can get out at the back area po ng resort,paglabas niyo po dun hiway na,maraming taxi po dun. This way po Ma'am.”

Sumunod ako sa daang itinuturo niya. Para akong tatakas sa taong nagtatangka sa buhay ko. NO. Hindi pala nagtatangka sa buhay ko,iniiwasan ko lang pala. Ayokong makasakit ng tao at ayokong ako rin ang dahilan ng kanilang kalungkutan but the fact na magiging isa akong kontrabida sa buhay ng bespren ko. Hindi ako papayag. Nakikita ko na ang maliliwanag na ilaw sa labas ng makipot na daan na dinaanan namin ni Jenna. Pero teka parang may mali.

May naririnig akong sweet music somewhere and yung daan na tinatahak namin ni Jenna,lumiliwanag siya nang lumiliwanag. Parang ilaw ng kandila or anything lamp,siguro lamp post ganun naman talaga pag sa kalsada. Pero nagtaka na ako nang biglang mamatay ang mga ilaw na nakita ko.

“Ma'am nandito na po tayo.”

“Ha?! Teka Jenna,I know part pa ito ng resort ng Sir mo at...” 

“Pasensya na po Ma'am. Napagutusan lang po.”

Sabay takbo na naman nito. Runner talaga ang batang ito.

“May balak ka raw iwanan ako?” Nagulat ako ng makita ko si Jared sa harapan ko.

“Omygosh. Jared,paanong...?”

Biglang bumukas ang lahat ng ilaw. May table sa center ng lugar na iyon. May mga roses and cupcakes sa paligid at candle lightning ang nagbibigay ilaw sa mga iyon. May malaking sign board ang nakalagay sa taas “PWEDE BA AKONG MANLIGAW KAY MISS LEILA SANCHEZ? <3”

Hindi ako makapagsalita. Speechless.

First time na may ganitong lalaki na gumawa sa akin nito. Parang teenager lang ang peg namin ni Jared. Pero NO,hindi pa rin ako dapat kumagat sa patibong ng lalaking ito,for the sake of my bestfriend Anne.

“Jared. Bakit mo ba ito ginagawa?”

“Leila,hindi mo ba nakikita. Gusto kita.”

“Jared,alam mo ang sitwasyon ko. Ayokong makasakit.”

“Pero sa ginagawa mo,nasasaktan na ako.”

Umiling-iling si Jared at mukhang nagpipigil na ng luha.

“Jared...”

“Sige Leila. Ayaw mo naman ako bigyan ng chance. You may go,wag ka ng tumakas,ipapahatid na lang kita kay Kuya Nelson.”

Nauna na siyang maglakad pabalik sa lobby ng resort.

“J-jared. Wait!”

Lumingon ito at nagsalita.

“Bakit?”  

Anonymous PhotographerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon