Anonymous Photographer Chapter 5

600 7 1
                                    

Kinaumagahan,naabutan ko si Anne na natutulog sa sofa,paniguradong pagod na pagod ito kahapon mula sa dalawang araw na shoot.  Kumuha ako ng tubig sa kusina at nakapagtatakang may nakahanda ng almusal para sa aming dalawa. May isang note na nakapatong sa lamesa,nakasulat “Ipinaghanda ko na kayo ng almusal. May shoot kayo ng 10am so be there! Ingat. –Jared”

Ano? Si Jared ang naghanda ng almusal? Papaanong nakapasok siya sa condo at pinayagan ng security na makapasok ng walang paalam. Chineck ko ang cellphone ko at nabasa ko ang huling message ni Anne. “Leila! Ihahatid ako ni Jared sa condo natin. Gising ka pa ba? Abangan mo kami ha? Hihihihi.Gudnyt! xoxo” Kaya pala nakapasok ang photographer na yun!

-

Dumating kami ni Anne saktong 10am. Wala pa sana akong balak na isama si Anne dahil pagod pa ito sa shoot nila kahapon,pero wala akong magagawa. Siya ang kailangan sa main part ng shoot. Inunang ayusan si Anne at ang iba pang kasama niya dahil sila ang uunahing kunan ng litrato. Samantalang ako ay mamaya pang 1pm kaya kailangan ko pang maghintay ng 2 oras.

Kumain muna ako sa isang fastfood malapit sa area ng shooting place namin. Hindi ko alam na sinundan pala ako ni Jared sa lugar na yon.

“Hindi ka man lang nagyaya. Hinahayaan mo ang sarili mo na mag-isa diyan.”

“Ha? Papaanong nasundan mo ako dito? At teka,diba ikaw ang kukuha ng litrato nila Anne.”

“Ako nga pero mamaya pa yon. Inuna ko muna yung maliliit na part ng shoot.”

“Ah. Ganun ba? Maupo ka,baka sabihin ng mga tao eh wala akong manners.”

“Salamat!”

-

“Nasaan si Jared?” tanong ni Anne sa isa sa mga assistant ni Jared.

“Eh,Ma'am Anne,lumabas po ng building eh. Mukhang kumain po yata.”

“Ganun ba? Eh si Leila,nakita mo ba?”

“Ay,si Ma'am Leila po? Nasa isang fastfood po sa mall na malapit dito.”

“Ah. Salamat!”

Lumakad na si Anne papunta sa mall kung saan nandoon si Leila.

“Hindi man lang ako sinama ni Jared kung saan siya kakain. Nakakainis!” bulong ni Anne sa sarili.

-

“Nakatanggap ka ba ng bulaklak kagabi?” tanong ni Jared kay Leila.

“Ha? Bulaklak. Oo,bakit?”

“Ah wala naman. Nakuwento lang sa akin ni Anne na mayroon ka daw stalker?”

“Nakuwento na pala sayo ni Anne. Oo,may stalker nga ako. Muntik na ngang mapahamak si Anne dahil sa stalker na yun.”

“Hindi niyo pa nakikilala?”

“Hindi pa eh.”  

Nagulat si Leila ng biglang hinawakan ni Jared ang kamay niya.

Nakapasok na si Anne sa fastfood na madalas nilang kainan ni Leila. Hinanap ng kanyang mata si Leila at nakita niya ito,hawak ang kamay ni Jared.

“Paanong?...” Patakbong umalis si Anne mula sa fastfood ng makita niya ang nangyari.

Napansin ni Leila si Anne na tumatakbo palayo,agad naman niyang hinila ang kanyang kamay sa pagkakahawak mula kay Jared.

Dali-dali siyang tumayo at nagpaalam,“May susundan lang ako. Mauna na ako.”

“T-teka!...”

-

“Anne! Anne!” hingal na tawag ni Leila sa tumatakbong kaibigan.

Anonymous PhotographerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon