Bakit sa address ni Jared ko naisipang dalhin ang kotseng iyon? Dahil alam kong si Jared ang isa sa mga makakatulong ko sa pagresolba kung sino talaga ang stalker ko.
“Manong itigil niyo po sa tapat ng bahay na yan.” Utos ko sa Manong driver.
“Sige po Ma'am.” Tumingin ako sa likod kung nandun pa din ang kotse,pero nagulat ako ng wala na ang kotseng nakasunod sa amin.
“Ma'am bigla pong nawala ang kotse.”
“Pansin ko nga Manong. Baka po nagkamali lang po tayo. Ihatid niyo na po ako pauwi.”
“Sige po Ma'am.”
-
“Bahay niyo na ba yun Jared?” tanong ko kay Jared habang seryoso siyang nagdadrive.
“May nakalagay kasi na Jared sa garden,maliwanag kasi ang ilaw kaya naaninag ko.” Pagpapatuloy ko.
“Jared? Jared?”
“Ano ba! Nakikitang nagdadrive ako eh. Gusto mo bang maaksidente tayo? Ha!”
“J-jared, I was only talking about ---“
“Please shut your mouth!” Nagulat ako sa pagsigaw na sagot ni Jared sa akin. Parang uminit ang ulo niya nang mawala sa paningin niya ang taxing sinusundan niya. Nahihiwagahan ako kay Jared ngayon. Bakit ganito siya?
-
Nakarating na rin sa wakas si Leila sa kanilang condo. Mabuti na lamang at mabait ang taxing driver na nasakyan niya at kahit papaano ay nag-aalala sa magiging lagay niya kapag patuloy pa silang sinundan ng kotseng nakasunod sa kanila. Pumasok na siya at nag-shower,matutulog na sana siya ng may pumasok sa pinto,si Anne.
“Oh Anne? Kamusta ang date niyo ni Jared?”
“Mabuti naman kaso nasira nung bandang uuwi na kami.”
“Bakit naman?” Biglang may pumasok sa alaala ni Anne.
“Wag mong sasabihin kay Leila o kahit kanino pa ang tungkol sa pagsunod natin sa isang taxi. Pinagkakatiwalaan kita Anne,sana wag mong sirain.”
“Anne?”
“Ah. Bigla kasing nagsungit si Jared nung kinagabihan,mukhang pagod na siguro kaya ganun.”
“Eh diba hinahatid ka nun pag uwi?”
“Pagod na daw kasi siya kaya di na siya sumunod paakyat.”
“Ah. Ganun ba? Paano Anne,matutulog na ako. Ikaw ng bahala magsara ng pinto pagkatapos mong mag-shower.”
“Okay.” At pumasok na si Leila sa kwarto.
“Sorry Leila,nagsinungaling ako sayo. Sorry.”
-
“Okay girls. Be ready! Shoot tayo on 5 minutes ha!” utos ni Direk.
“Anne,is there something bothering you?” tanong ko kay Anne na mukhang hindi mapakali.
“Wala naman Lei,akala ko kasi andito si Jared pero wala siya.”
“Anne,commercial ang tinatake natin at hindi magazine covers,malamang talaga na mawawala siya. Why not text him? Or tawagan mo kaya.”
“Sige,I'll try.”
Alalang-alala si Anne para kay Jared pero bakit wala akong makitang effort mula kay Jared kung talagang gusto niya si Anne. Sabagay,may ex-girlfriend nga pala si Jared na isang model din baka nagkikita din sila palihim at mukhang hindi alam iyon ni Anne.
Nakunan na kami lahat bukod kay Anne.
“Anne!” sigaw ni Direk.
“Tama na nga yang text at tawag mo na yan. Kukunan na kita! Aba sayang ang oras Anne!”
Pero wala pa rin kay Anne ang pagsigaw ni Direk. Bago pa sumigaw si Direk ay tinapik ko na siya.
“Direk,ako na po ang kakausap.” Tumango na lamang ito sa akin.
Lumapit ako kay Anne,halatang umiiyak na ito dahil nawawala na ng ilang details ng make-up niya.
“Anne,tama na. Jared won't be here anyway kahit anong gawin mo.”
“I tried to call him and text him but he didn’t answered. Bakit Leila? Bakit ganun siya?”
“Anne,stop crying. Pag-usapan natin yan later pero unahin mo muna ang trabaho natin ha? Tahan na.” Pinunasan ko ang luha ni Anne.
Bumalik na kami sa shoot at natapos namin ng maayos ang trabaho na yun.
-
Coffee date kami ni Anne since na malungkot siya ngayon. Umorder lang siya ng frappuccino samantalang ako ay coffee crumble cake at espresso. Nagkuwentuhan tungkol sa audition times noon at lovelifes hanggang sa humantong ang pag-uusap namin kay Jared.
“Anne,I know mahirap na magkuwento about kay Jared pero bakit mo siya nagustuhan?” tanong ko kay Anne habang umiinom ito ng kape.
“Gwapo,mabait saka gentleman pero nagkamali yata ako sa kanya Leila eh.”
“Bakit?”
“Nitong mga huling araw parang ang sungit na niya,simula nung makita ko kayo sa isang fastfood. Sumunod na mga araw,parang ang lamig na niya sa akin.”
“Anne...”
“Mabuti pa siguro Leila,tanggapin ko muna yung offer ni Direk na magtrabaho ako sa Paris for one year.”
“Pero Anne,paano ang parents mo sa...”
“Ako ng bahala sa kanila,wag kang mag-aalala Leila. Magiging okay din ako.”
Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ni Anne,sumunod na mga araw ay inasikaso na niya ang mga papeles niya sa pagpunta niya sa Paris. Isang buwan na ring hindi nagpapakita sa trabaho si Jared. Walang sino man ang may balita sa kanya pero mabuti na iyon para hindi lalong masaktan si Anne sa mga nangyari.
-
“Flight 305 bound to Paris,please proceed to the Gate 119 of the Airport 1. (Repeat)”
“Anne,flight mo na yun ah!?” paalala ko kay Anne.
“Oo nga! Paano Leila,mag-iingat ka ngayon lalo na ikaw na lang mag-isa sa condo.”
“Oo,ikaw din Anne. Mamimiss kita.” Niyakap ko si Anne ng mahigpit.
“Mamimiss din kita.”
“Anne! Tara na!” sigaw ni Tito Lito,manager ni Anne.
Malungkot akong bumalik sa condo pagkatapos kong ihatid si Anne sa airport. Mag-isa na lang talaga ako,wala na ang bestfriend ko. Naisip ko,mabuti na rin yon ng makapag-isa siya at maisip na marami pang ibang lalaki bukod kay Jared. Magsashower na sana ako ng isang katok ang narinig ko.

BINABASA MO ANG
Anonymous Photographer
Mistério / SuspenseSi Leila ay isang sikat na modelo sa isang modelling agency. Sa kanyang larangan ay hindi maiiwasan ang mga stalker/paparazzi na maaaring guluhin ang kanyang buhay. Pero paano kung isang paparazzi ang kumuha sayo ng mga litrato pero hindi para sa en...