Anonymous Photographer Chapter 20

458 8 5
                                    

 “WHAT? Ako? Are you kidding Mr. Rowan Salcedo?”

“Jared,Leila needs you now. Ikaw ang hinihinging kapalit ng kidnapper.” 

“Bakit ako? Grabeng hot ko naman kung ako ang hihingin ng kidnapper na yun!”

Ang hangin din pala ng lalaking minsan ng nagtangka sa buhay ni Leila. Kung tutuusin nga,pasalamat siya at hindi ko pa siya hinuhuli under warrant arrest eh. 

“Mr. Reyes,sundin niyo na lang po kami if ayaw niyong makulong in no time. 'Coz alam ko na ang lahat between those plans and ideas revolving in your mind.” 

Paninigurado kong sasama na siya this time na sabihin kong may nalalaman na ako sa ginawa niyang kalokohan sa buhay ni Leila.

“Oo na.Sasama na ako!”

“Thank you,Mr. Reyes.” Nagbunga din ang ginawa kong pangungulit.

Agad na nagmeeting ang buong team ng mapapayag ko si Jared na tumulong. Tumawag kasi kay Direk Ramos ang isa sa tauhan ng kidnapper at si Jared ang hinihinging kapalit nito;

“Hindi pera ang kailangan namin Direk,si Jared Reyes,ang sikat na photographer ng Magic Star Agency na pinangungunahan niyo.”

“Okay. Si Jared lang. Hindi niyo kailangan ng pera.”

“Malinaw ang usapan Direk,hindi pera kundi si Jared Reyes.”

“Clear!”

“Isa lang yan sa mga nairecord natin na tawag ng isa sa mga kidnapper. Nai-trace na rin ang location ng mga kidnapper dahil sa ginamit nilang cellphone number. Ang hakbang natin ngayon,papupuntahin natin si Mr. Reyes sa loob ng abandoned building na iyon together with Direk Ramos. And kapag tumunog na ang signal saka lang tayo kikilos at pupuwesto sa mga assigned spot natin. Clear?”

“Clear!”

“Good.”

-

Abandoned Building

“Alam mo,kung hindi ka lang minahal ni Jared maayos sana ang buhay mo. Hindi rin sana nadamay sa mga plano ko si Anne na kaibigan mo."

“Kareen,stop making this nonsense!”

“Nonsense? Sa tingin mo non-sense ito? Anong akala mo sa akin? Tangang babae? Syempre gagawin ko ang mga bagay na may mapapala ako! Hindi ako katulad mo Leila na madaling pikutin over the things na ibinibigay sayo! And you are talking na  nonsense ang bagay na ito? You b*tch!” Sabay sampal sa akin ni Kareen.

“Bakit di mo na lang tanggapin na ayaw na sayo ni Jared? Bakit di mo na lang tanggapin na wala na kayo!”

“At ano? Na tanggapin na dahil sayo kaya kami naghiwalay.”

“Pasalamat ka nga at ako ang napagbintangan sa kasalanan mo kay Joshua edi nagalit sa akin si Jared,in that way nakaganti ka na rin!”

“Okay na sana eh,kaso yung dinala ka niya sa safehouse nila? At niligawan? Nagalit ako Leila. Kasi akin lang si Jared eh,akin lang siya.”

“Kareen,yun lang ba ang dahilan na lahat ng ito? Hindi mo ba alam na ang mga panliligaw na yun ni Jared ay kasama lang sa plano niya na pahirapan ako!"

“Edi mabuti. Pero hindi lang yun Leila. Ang babaw naman kasi nun eh,pero kasama na rin ang mga bagay na yun dito.  Pero ang pinakamalaking kasalanan na ginawa mo talaga sa akin oh I mean sa amin ng kapatid ko na si Liyaeh ay yung ikaw na lang palagi ang bukambibig ng Daddy ko! Maging ang Mommy ni Liyaeh,pangalan mo ang laging binabanggit. Porke maganda ka at kayang dalhin lahat ng items na iniendorse mo,sumisikat ka because of endorsement at maganda ang career mo sa modelling industry. Dumating pa nga sa puntong icompare kami ni Liy sayo eh,sa inyo ni Anne! At alam mo kung ano yung masakit? Yung balak nilang ibigay sa inyo ni Anne yung throne nang pagiging Model of the Year ngayong taon? Isang prestigious award na only good and star shining model ang makakatanggap! What the heck diba? Parents mo yung mismong nagdadown sayo. Okay lang naman sa akin nung una dahil wala kang atraso sa part na yun,pero nung simulang makipaghiwalay sa akin ni Jared,nadurog ako Leila. Durog na durog. Pagkatapos nalaman kong ikaw din ang dahilan kung bakit niya ako iniwan,dun na lumaki ang galit ko sayo!  You broke my family even my love life!”

Anonymous PhotographerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon