Nabibingi ako sa ingay ng click ng camera,boses ng mga media at kung sino-sino pa,ang daming tao. Ayoko ng ganito. Oo,isa akong modelo na sanay humarap sa ganitong ka-daming tao pero hindi ako sanay humarap sa mga taong ito ngayon lalo na kung sangkot ako sa isang issue na hindi ko naman talaga ginawa. Gusto kong mag-walk out,gusto kong tumakbo paalis sa lugar na iyon. Sa malamang,ako ang magiging mukhang kaawa-awa dun,wala si Anne,si Jared,sinong magtatanggol sa akin? Sino? Si Direk lang ang nandun dahil isa siya sa mga manager ko.
Umupo na ako sa upuan na nasa harap ng maraming tao. Kinakabahan ako,ang lakas ng pintig ng puso ko.
“Wag kang kabahan,sumagot ka lang sa tanong nila. Yun lang.” Bulong sa akin ni Direk.
“Opo.” Sagot ko na nanginginig ang boses.
Isang lalaki ang tumayo sa harapan ng mesang kinauupuan ko.
“Magandang gabi sa lahat ng media,press at mga kilalang taong umattend sa presscon na ito. Marahil ay ilan sa atin ay kilala ang sikat na modelong ito na malapit na ring gumawa ng pangalan sa industriya ng showbiz. Pero isang malaking issue ang kanyang kinahaharap ngayon tungkol sa di umano ay pagiging third party nito sa sikat na couple na si Mike Cojuangco at Marie Pineda. Palakpakan po natin,si Leila Sanchez.”
Nagpalakpakan ang lahat ng tao na naroroon sa lugar na iyon. Parang lalo tuloy akong kinabahan. Isang babaeng reporter ang tumayo at nagtanong. “Miss Sanchez,ano po ang inyong panig sa napabalitang sinulot niyo daw po ang fiancé ni Marie Pineda?”
“Ah.Eh,wala naman talaga akong alam tungkol dun. Basta nung araw na iyon,nagbonding lang kaming magkakaibigan sa isang bar sa may Eastwood pero hindi ko alam na nandun si Sir Mike.At hindi siya ang sumundo at naghatid sa akin,imposible ang pinaparatang sa akin ng ilan.”
“Paano mo maipapaliwanag ang mga litratong naglabasan?”
“Oo nga. At diba nakasama mo ang dalawa sa isang phtoshoot para sa MV ni Marie?”
“Ano ba ang pumasok sa iyong isipan at nanulot ka ng boyfriend ng iba?”
“TEKA!!!! Hindi ako machine na mabilis masasagot ang mga tanong niyo. Wag niyo ako madaliin. Mahirap ang pinagdadaanan ko dahil sa issue na hindi ko naman talaga ginawa. Wala kaming relasyon ni Sir Mike,I respect him and his girlfriend! Kung mayroon dapat paratangan dito eh yung mga taong hindi marunong makinig sa side ng nasasakdal at yung mga taong nagkalat ng mga maling impormasyon tungkol dito! Ordinaryong modelo lang ako pero hindi ko ugaling manulot ng fiancé ng iba!” sabay takbo ko palabas. Naluluha na ako. Ang bigat sa pakiramdam nito.
Sinundan ako ng ilang reporter at pilit kinuha ang side ko pero hindi na ako sumagot sa mga tanong nila. Masyado silang mapanghusga,akala ko ba wala silang kinakampihan pero mukhang mga bayaran sila nila Marie at talagang idinidiin ako sa issue na ito.
-
“Bakit ka nagwalk-out ha,Leila?” tanong sa akin ni Direk.
Nakarating na rin ako sa wakas sa condo ko,gusto ko na sana magpahinga pero gusto pa akong kausapin ni Direk.
“Direk,pasensya na po. Hindi ko po kayang sagutin lahat ng paratang nila. Ayoko na po.”
“Anong ayaw mo na? Leila,matagal ka na sa larangan ng pagmomodelo. Halos in-demand ka nga sa ilang products ngayon. Baka lalo kang masira kapag hindi ka humingi ng isa pang pagkakataon sa head ng management na magkaroon ng second presscon.”
“Direk,wag na po presscon. Pwede po bang i-record niyo na lang po ang public apology ko para kay Marie. Hindi ko po sila kayang harapin.”
“Sige. Kakausapin ko ang management bukas para doon. Sa ngayon,magpahinga ka na. Aalis na ako.”
BINABASA MO ANG
Anonymous Photographer
Mystery / ThrillerSi Leila ay isang sikat na modelo sa isang modelling agency. Sa kanyang larangan ay hindi maiiwasan ang mga stalker/paparazzi na maaaring guluhin ang kanyang buhay. Pero paano kung isang paparazzi ang kumuha sayo ng mga litrato pero hindi para sa en...