Anonymous Photographer Chapter 2

762 9 1
                                    

Isang araw na ang lumipas,hindi pa rin umuuwi si Anne. Kapag aalis naman iyon ay nagsasabi sa akin agad kung uuwi ba siya o hindi, nag-aalala na tuloy ako sa kanya. Maya-maya,may nagdoor bell sa unit namin,delivery boy. Binigay ang isang envelope sa akin at may pinapirmahan na isang papel. Pagkatapos ay pumasok na ako at isinara ang pinto,alam ko na kung ano ang laman ng envelope na yun,mga nakaw na kuhang litrato ko. Nagtataka lang ako dahil sa mga litratong yun,kasama ko na ang kaibigan kong si Anne!  Nagulat na lang ako ng biglang tumunog ang cellphone ko,SI ANNE TUMATAWAG!

“Hoy,babae ka! Tinakot mo ako ba’t di ka umuwi kahapon?”

“Ano ka ba gurl! May pinuntahan lang ako eh,emergency lang.Takot ka naman?”

“Wala akong kasama umuwi kagabi,alas-dose na nun noh!” inis na sigaw ko sa kanya sa cellphone.

“Oh siya,uuwi na ako ngayon. Tinawagan lang kita at baka lumuluha ka na diyan!” nakangising sagot ni Anne mula sa telepono.

“Sige,bilisan mo at may sasabihin din ako sayo.” Binaba ko na ang telepono pagkatapos ng pag-uusap namin ni Anne.

-

Dumating nga si Anne ng bandang tanghali at nagulat ako ng makita na may kasama siya!

“Oh,Leila.Natulala ka yata diyan? Ngayon ka pa nagulat?”

“T-teka,bat may kasama ka?” gulat kong tanong kay Anne.

“Ah,siya ba? Si Eric,boyfriend ko.” Pakilala ni Anne sa lalaking kasama.

“HA!!!!!” nagulantang ako sa sinabing iyon ni Anne. Hindi ko malaman kung matutuwa ako o hindi sa sinabi niya. Hindi man lang siya nagpasabi na may manliligaw pala siya noon at ngayon lang niya pinakilala sa akin ang lalaki at boyfriend na niya ha!?

“Weh,di nga?” tila biro ko pang saad kay Anne.

“Ay! Akala ni Leila na niloloko natin siya,hon?” tinging saad ni Anne sa boyfriend nito.

“Hm,Leila. Oo,totoo sinasabi ng kaibigan mo. Pasensya ka na,kung di lang talaga emergency kahapon eh hindi pa sana ako ipapakilala sayo ni Anne.”

“Ano ba kasing nangyari sayo Anne?” hindi ko pinansin ang sinabi ni Eric,tumuon agad ang tingin ko kay Anne.

“Mahabang kwento,mabuti pa kung pagpapahingain mo muna kami ha? At mamaya ko sayo ikukuwento.”

Dumiretso agad sila sa guest room ng unit namin. Malamang ay doon matutulog ang lalaki.

-

Makaraan ang ilang minuto,lumabas si Anne sa kwarto niya.

“Oh? Akala ko magpapahinga ka?” tanong ko kay Anne.

“Hindi naman talaga eh,siya lang ang gusto kong pagpahingain.” Paliwanag ni Anne pero naaaninag ko sa kanya na malungkot siya.

“Anong problema? Bakit ganyan mukha mo?”

“K-kasi... Lei..”

Nagulat kami parehas nang biglang bumukas ang pintuan ng guest room. Si Eric.

“Bakit iniwan mo ako dito Anne?”

Tumayo ako at nagsalita. “Hindi mo ba nakikita? Kausap ko si Anne. Wag kang magulo!”

Tiningnan ako ni Eric ng masama,nadismaya ako sa ginawa ko,mukhang nagalit siya.

“Sige,Leila. Sa susunod na lang.”

“Uh?” 

Aba. Boyfriend pa lang eh pa-under na itong Anne,ngayon ko lang siya nakitang magkaganun ha?

Anonymous PhotographerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon