Isang buwan ang lumipas,nakauwi na si Anne mula sa pagkakaconfine sa ospital,pansamantala rin tumigil ang pagpapadala ng anon photographer ng mga nakaw na kuhang litrato ko. Iniisip ko pa rin ngayon kung totoo bang may balak maghiganti sa akin ang pamilya ni Joshua. Sa pagkakaalam ko ay ako lamang at ilan sa mga kaibigan ko ang nakakaalam na nakasagasa ako sa kalsada ng Taft. Ano ang sinasabi ni Eric na nakapaghiganti na siya?!
Habang wala pang naka line-up na projects para sa amin ni Anne ngayong buwan na ito,binalak ko munang dalawin ang puntod ni Joshua. Bandang alas-tres na ako nakarating sa sementeryo,hindi ko na matandaan kung saan banda nakalibing si Joshua pero parang may tumulong sa akin para hanapin iyon. Mataman kong tiningnan ang nakalagay sa nitso, “May you rest in peace, Joshua Lee Reyes. Love,your family,friends and girlfriend” Nagulat ako sa huling salitang nakasulat,GIRLFRIEND? Sinong girlfriend ang tinutukoy ng nitsong ito? Nang sumama ako sa sementeryo sa araw ng libing ni Joshua,wala pa ang nitso na ito.
Nagulat ako ng isang babae ang nagsalita, “Dinadalaw mo rin ba si Joshua?”
“Ha? Ah..eh..O-opo.”
“Ang bait mo namang kaibigan. Ikaw lang ang naabutan kong kaibigan niya na dumalaw sa unang pagkakataon.”
“Ganun po ba?”
“Pamilyar ka iha,anong pangalan mo?”
“Leila po.”
“Leila? Ikaw ba yung modelo sa isang sikat na magazine?”
“Ako nga po,bakit ho?”
“Marami kasing magazine si Joshua,at pinagtataka ko lang puro ikaw ang cover o di kaya eh may article ka sa magazine na yon. Ikaw pala yon. Sayang naman at wala na si Joshua,tiyak matutuwa iyon na dinadalaw mo siya.”
Mukhang si Joshua nga ang nakalibing doon,at siguro ang babaeng ito ang kanyang Mommy.
“Pasensya na iha,ang daldal ko. Ako nga pala si Josefina,Mommy ni Joshua.”
“Ah,nice meeting you po Tita. May itatanong lang po sana ako.”
“Ano iyon?”
“Sino po yung girlfriend na tinutukoy sa nitsong ito?”
“Hindi mo ba siya kilala iha?”
“Hindi po eh.”
“Ka-pangalan mo siya iha,isa siyang estudyante sa UST. Doon sila nagkakilala ni Joshua,maganda rin ang batang iyan kung iyo lamang makikita. Nasa states na siya nung araw na maaksidente si Joshua,ilang lingo lang bago pumayapa si Joshua eh umalis siya papunta doon.”
“Ah,ganon po ba?” Biglang nag-ring ang cellphone ko. Sumenyas muna ako ng excuse sa Mommy ni Joshua at sinagot ang tawag.
“Leila! Nasaan ka na ba? Baka naman naghukay ka pa at natabunan? “ bulyaw sa akin ni Anne.
Alas-singko na pala,dalawang oras na siya naghihintay sa isang department store malapit sa sementeryo.
“Oo,eto na,pabalik na ako diyan.” Dumako ako ng tingin sa Mommy ni Joshua.
“Tita...”
Nakaupo na siya sa harap ng puntod ni Joshua.
Tumingin siya sa akin, “Aalis ka na ba?”
“Ah,opo eh. Kanina pa po kasi yung kaibigan ko naghihintay.”
“Ganon ba? Sige iha,ako na lang magpapaalam para sayo kay Joshua. Sana makita kita ulit dito.”
“Ako rin po. Sige po.” Umalis na ako,lumilingon pa ako sa kinaroroonan ng Mommy ni Joshua.
Nakaupo siya,nagsisindi ng kandila at nilagay ang isang bouquet ng bulaklak. Naaawa ako para sa kanya,nawalan siya ng anak na nasa mura pang edad. Nakonsensya din ako dahil nung panahon na nililigawan ako ni Joshua,hindi ako pumayag na humarap sa pamilya niya. Mukha namang mabubuti silang tao at nagkamali ako ng tingin sa kanila. Sayang lang.
BINABASA MO ANG
Anonymous Photographer
Misterio / SuspensoSi Leila ay isang sikat na modelo sa isang modelling agency. Sa kanyang larangan ay hindi maiiwasan ang mga stalker/paparazzi na maaaring guluhin ang kanyang buhay. Pero paano kung isang paparazzi ang kumuha sayo ng mga litrato pero hindi para sa en...