Chapter 3- ride
Nandito na ako sa loob ng opisina ko. Di ko nalang pinansin kung anong nangyari kanina sa elevator. Di ko naman kasalanan kung di ko na recognize yung CEO ng kompanyang ito. Diba? Dapat good vibes lang.
Nakilala ko na rin yung secretary ko. Hyper din ito katulad ko. Nag kasundo din kami kaagad. Fresh graduate lang ito sa college, at pinalad daw siyang matanggap bilang secretary ko.
Naging busy ang unang araw ko sa trabaho. Pero walang problema, na eenjoy ko naman. Pauwi na ako ngayon. 7pm na rin ng gabi, nauna ng umuwi ang mga kasama ko sa floor ko.
"Bye manong guard!" paalam ko dito sabay pakita sa pang close-up kong ngiti. Sumagot naman ito sabay ngiti din. Eh pala ngiti kami eh! Hihi.
Dumiretso na ako papuntang parking lot. Napatingin ako sa unahan, nakita ko yung CEO namin. Three cars away ang pagitan ng aming sasakyan. Di ko nalang pinansin at nag patuloy sa paglalakad. Alam kong tinitingnan niya ako. At bakit dito siya naka park? Diba may exclusive parking lot ang mga matataas ang rank ng kompanyang ito? Ay ewan!
Mabilis akong pumasok sa parorot kong sasakyan. Bakit ba ako kinakabahan? Wala naman akong ginawang masama sa kanya diba? Di ko lang naman siya na recognize as our CEO. Pinaandar ko na ang kotse. Napatingin naman ako sa salamin. Bumilis bigla tibok ng puso ko. Naman kase!! Nakatingin pa rin siya sakin. At ang intense!
Lord...bakit pakiramdam ko, nasa panganib ang buhay ko? Di naman siguro mamamatay tao yung big boss namin diba? Diba?
Nakalayo na ako sa building, pero ang lakas lakas pa din ng kabog ni heart. Di ko kasi malimutan kung panu siya manitig. Kung ang sinasabi nila na ladies killer ito. Baka literal ang ibig nilang sabihin? Nag search kasi ako kanina sa internet about our big boss. Baka mamamatay tao talaga siya, at babae ang pinupunterya? Waaaaaaa.... Wag naman sana. Marami pa akong pangarap.
Nakarating na ako sa condo unit kong yun pa din ang iniisip. Na baliw na siguro ako. Nag shower at nag bihis na ako agad. Birthday ni mama ngayon. May party sa mansion. Di pwede na di ako pupunta, it's been 3 years since umalis ako ng mansion. Nag away kasi kami ng kapatid ko dahil sa ex boyfriend ko na ngayon. At boom! Nagalit si papa. Di ko na pinilit, pabor kasi siya dito. Kaya ayon, umalis na ako, at yung parorot na kotse ang ipinadala. Ka ggraduate ko lang noon ng college. May hinanakit ako sa kanila pero hindi pwedeng itong birthday ni mama di na naman ako aattend. Kasi kung di ako aatend ito na ang ikatlong pag kakataon.
Binibisita din naman ako ni mama at ng kuya ko. Ako kasi bunso. Kaya ayun, na convince nila akong pupunta ngayon. Anyway, I stop my drama here. I've move on. I accept the fact, that life is indeed unfair.
The mansion is very crowded, and I hate it. May nakikilala akong bigating business man, may ilang artista din at mga taga politika. At di pa rin ako nasasanay. My father is a senator, Senator Carlos Aguinaldo. Kaya palaging maraming tao sa mansion.
I saw my older sister who is Marian Aguinaldo wearing her very tight red dress. She's always sophisticated na kita na lahat, pati kaluluwa. Kausap ang mga bachelors at kilalang business man. Well, she always wants a spot light.
"Hey! Bay girl, Glad you came!" bati ni Marlon sabay halik sa pisngi ko. My older brother.
"I wouldn't miss this party of mama. Alam mo yun, baka mag tampo na naman." Ngisi ko dito sabay yakap. I miss my big brother.
"I miss you , pumpkin. Bakit di ka bumalik dito? Hayaan mo si Papa at Marian. Dalawa din naman kami ni mama na andito."imbita nito sakin.
"Nah! I am happy with my life. And besides I have a new work now." Pag mamayabang ko sa kuya ko.
"Really?! Wow! I am so proud of you! What company are you working?"
"Sa Hamilton DC. Head of Interior designers Department" pag yayabang ko pa din dito. My kuya is my best friend. I can tell everything to him.
"Kita mo nga naman ang baby namin!" sabay yakap nito sakin. "I am very proud of you baby girl." malambing na bulong ni kuya sakin.
Napatingin ako sa unahan. I saw that very intense look again, looking at me. And no other, than my big boss. I looked away at tinapos ang yakapan naming mag kapatid.
Why he's here? Is he invited? Oh crap! Of course! Alangan naman mag g-gate crashed siya. Hello? Why I am so stupid? Pati si puso naging stupid! E ang bilis ng tibok, wala namang dahilan!
"Kuya where's mom? I need to greet a happy birthday." ngiti ko dito. Lumingon –lingon naman ito. May nakita akong papalapit na magandang may edad na babae. My mama.
"There she is..." Sabi ni kuya, habang papunta si mama saamin na naka ngiti.
"My beautiful baby! Thank you for coming. I am very happy baby girl." sabay akap ni mama saakin, na parang gusto ng umiyak. Oa din minsan si mama, nung isang araw lang niya akong nakita. Bumisita sa condo ko.
"Ma, nung isang araw lang tayong nagkita." Ganting yakap ko din dito. "I will not miss this moment ma, and I am sorry for the past 2 birthdays na hindi ako pumunta. Forgive your daughter ma." I sniffed, naiiyak na rin tuloy ako.
"Of course baby. Umuwi ka na please?" pag lalambing nito. Napatingin naman ako kay kuya. Tumaas yung kilay niya, sinasabing, I told you so. Inismiran ko lang, na nag patawa dito ng malakas. Dahilan para lumingon ang mga bisita saamin. Hinampas ko si kuya, na tawang tawa pa rin. Anong nangyari sa kanya?
"Will you come back home baby?." Tanong uli ni mama.
"Ma, I am happy now. Don't worry about me okay?" pag papaliwanag ko.
"Mom, hayaan ang black sheep ng family kung ayaw umuwi!" sabat ni Marian na nakalapit na pala saamin. Patuloy naman ang mga tao sa kanilang mga ginagawa.
"Hello sis! Kamusta na kayo ni james?" nanunuya nitong tanong. Di ko nalang pinansin. Alam kong alam niya na hiwalay na kami ng walang kwentang lalaki na yun.
"Stop it Marian! It's my birthday. Stop bullying your little sister" saway ni mama dito. "Come let's go meet your father, I'm sure he'll be glad to see you." Anyaya ni mama sakin.
Hinila niya ako, pero di pa kami nakakapunta kay papa ay huminto na ako. Nagtaka naman siya. "Ma, it's not the right time. Maybe next time" sabi ko dito.
I just don't feel it's the right time. Baka ano pa mangyari, andami pa namang tao ngayon. "Pero baby.." di ko na pinatapos si mama at nagsalita ako.
"Ma, nandito ako para sayo. At dahil nakita na kita, di na rin ako magtatagal. About your gift nasa kwarto niyo na po, pinahatid ko kay manang."
"Anak.." naiiyak na naman si mama.
"Ma, I love you, okay? I will visit you on your boutique every time I have time." I kiss her cheeks and made my exit. Wala ng nagawa si mama at pinakawalan ako. Kailangan ko ng umalis, marami ng nakakapansin saakin. And I hate attentions, questions and etc.
Nakahinga ako ng maluwag ng makarating na ako sa labas. Lumakad ako malapit sa sakayan ng taxi. Di ko dinala yung parorot kong kotse, nakakahiya naman sa mga bisita.
It's 11 in the evening, alam kong madalang na ngayon ang taxi, pero may magdadaan naman for sure. Dito na rin naman ako lumaki. May nakita akong itim na sasakyan na paparating. Di ko lang pinansin, baka sa kapit bahay. Huminto ito at bumusina malapit sakin. Tiningnan ko, baka ka kilala, at maka hits pa, sayang din pamasahe.
Binuksan ng kung sino man ang bintana ng sasakyan. At nalaglag ang panga ko, as I recognize the driver. My big boss again. Crap! Bakit kami laging nagkikita? Wala naman kami sa opisina diba? And I stiffened when I hear his voice again.
"Get in Miss Aguinaldo." his husky and demanding voice. Parang di naman ganito yung boses niya nung sa elevato kami ah?
"Are you waiting for me to open the door for you Miss Aguinaldo?" irritation and amusement was over his voice. I don't know what happen to me, pero lumakad ako at pumasok sa kotse niya.
Bakit ang bilis ng tibok nitong lintek kong puso?!
#pulang paruparu
BINABASA MO ANG
TADHANA (COMPLETED)
General Fiction"Find her amusing, you're just attractive, but you bring her here. And don't tell me that it's just coincidence or you will just tell me that she needs a place to go. Pare, maraming pwedeng pagdalhan mo sa kanya pero bakit sa private space mo? Even...