CHAPTER 14

4.1K 97 0
                                    

CHAPTER 14- honesty


Nasa hapag kami, kumakain ng almusal. Busy ang dawalang matanda at si Azul sa pag uusap tungkol sa farm. Ako busy din, sa pagkain. Binuksan ko ang cellphone ko baka may signal na. Pero bago yun, ginawa ko munang wall paper ang picture ni Azul , gusto ko lang bakit ba?!

May signal na pero one bar lang, kaya nag excuse ako at tumayo. Open space ang itaas ng malaking bahay kubo nila manang. Parang nilaan talaga ang itaas para sa bisita.

Matatanaw mo kasi ang buong farm mula dito. Kanina para akong tangang kumuha kuha ng pictures, kung di ako hinila ni Azul para kumain siguro nag t-taking pictures pa rin ako.

Ang ganda kasi, puno ng ubas, mansanas, orange. Lahat ata ng mamahaling prutas itinanim nila.

Nag sunod-sunod ang mga text messages at miss calls sa cellphone ko. tinignan ko ito,

20 messages from kikay_Carla,

15 messages from Ian_Unggoy,

100 miss calls from unknown number,

12 messages from Mother_Dear.

Nanlaki ang mga mata ko! seryoso ba sila?!

Mag rereply na sana ako ng may pumasok na tawag. Si Carla..

"Hell-"

"MARIE!!!!!BAKIT WALA KA SA CONDO MO! DALAWANG ARAW KA NANG HINDI UMUUWI DOON! NAG PAPANIC NA SILA TITO AT TITA! SAANG LUPALOP KA BA NG MUNDO?! AT BAKIT NGAYON MO LANG BINUKSAN ANG TELEPONO MO?!!!!!" Inilayo ko sa tenga ko ang cellphone, kung makasigaw itong si Carla!

"Carla naman kung makasigaw!" sinigawan ko din ito. napatingin bigla ang tatlo sakin kaya nag peace sign ako. Lumayo pa ako ng konti.

"Marie, alam mo bang, nag punta sa presinto sila tito at tita? Pati kuya mong galing Palawan, umuwi bigla at hinanap ka samin!" inilayo ko na naman sa tenga ko ang telepono. Ang tinis ng boses!

"Relax, tell the police that I'm safe, puntahan mo kung saan nag pa blotter sila mama at dad." Sumakit ang ulo ko bigla.

"Relax?! Are you out of your mind? Hindi ka nag paalam, at nabalitaan namin na galing ka ng mansion niyo, pagkatapos nun di ka na ma kontak!"

"Carla, bakit ka ba palaging naka sigaw?! Nabibingi na ako sayo! Kalma ka nga!" galit galitan kong sabi. Nabibingi na ako promise!

"Okay..inhale...exhale.... okay, sabihin mo sakin kung saan ka ngayon."

"Wala ako sa pilipinas, pero di rin daw malayo, nasa isla ako, malapit daw ito sa Malaysia, basta nasa part kami ng Celebes sea." Imporma ko.

"What?! Panu ka napadpad dyan?! Anong nangyari?! Ang layo niyan ah! Safe ba dyan? Di ba yan lumulubog na isla?!" sigaw na naman nitong tanong.

"Gusto mo patayin ko tong tawag mo? Sumisigaw ka naman eh!"

"Sino ba namang hindi makakasigaw! Bakit ka nga andyan?!" napabuntong hininga nalang ako.

"Kasama ko si Azul, isinama niya ako sa isla niya." mahinahon kong imporma.

Tinignan ko ang telepono ko, baka nawala ang signal, natahimik kasi ang kabilang linya.

May signal pa naman ah! Naubusan ng load? I texted Carla na di na siya dapat mag alala, at asikasuhin na ang pag ba-blotter nila sa pulisya. Over nila! Nung umalis ako ng mansion, ni ha ni ho hindi nga ako kinamusta ni dad. Ngayon pa ba?

Bumalik ako ng upo sa hapag, busy pa din ang tatlo sa pag uusap.

Uminom ako ng tsaa habang pa tanaw tanaw sa paligid. "Sinong tumawag sayo?" nagulat naman ako kay Azul! Bumulong pa.

TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon