CHAPTER 2

6.8K 139 5
                                    

Chapter 2 - stupidity

Damn this traffic! Sana hindi ako mahuli sa unang araw ko sa trabaho. I just came from Singapore two weeks ago. Good thing HDC hired me in an instant when I got the interview last week. They are impressed with my CV, well, kahit naman nag aaral ako ay kumikita na ako sa pag d-desenyo.

They hired me as their new Head Interior designer. I'm lucky I can say. HDC is a really huge construction company here in the Philippines and abroad. I still don't want to be back here in the Philippines but my mother and brother always bugging me. Ilang taon na daw akong wala sa bahay, pati ba daw sa bansa aalis ako.

Namataan kong nag vibrate ang telepono ko kaya tinignan ko kung sino ang tumatawag. It's Ian.

"Yeah." I answered lazily. Makikichimis lang naman din ito.

"What yeah? Marie ha! Boring ka na ngayon? Broken hearted ka pa rin ba?" panunutya nito.

"Tumahik ka! Wag ngayon uggoy ka!" sigaw ko sa kabilang linya.

"Wow! Gwapong unggoy ko naman!" tumawa-tawa pa ito.

"O, bakit ka napatawag?" singhal ko pa.

"Marie, broken hearted ka lang, hindi ka menopausal!" tumatawa pa rin ito. Nakakainis!

"Unggoy pag ikaw di mag tino, sasabihin ko kay Carla ang pasulyap sulyap mo sa legs ng babae nung isang araw!" banta ko. Nakakainis kasi, broken heart daw, e naka move na naman ako.

"Wag naman ma prend! Ayoko yung nagagalit." Pa cute nitong sabi.

"Bukang bibig mo nalang lagi ang broken hearted, diba sinabi ko na sainyo ni Carla na naka move on na ako. Isang buwan ko pa lang sa Singapore move on na ako." Sabi ko pa.

"Di nga? Sa tagal ninyo isang buwan lang?"

"Gusto mo ikaw nalang maging ako? Paking tape ka pala eh!" iniinis talaga ako nitong unggoy na to.

"Chill ka nga! Binibiro ka lang eh. O siya, naka move on ka na. Saan ka ba ngayon?" tanong nito.

"Andito sa Edsa, naiinis sa trapiko. Baka ma late ako." Wika ko.

"It's still early ma prend. Wag praning!" tumawa na naman ito.

"Ikaw Ian ha, nakaka ilang puntos ka na sakin. Ano ba itinawag mo?"

"Inutusan ako ni Honey pie ko na sabihing "Enjoy your first day of work Marie!!!" " parang may banner na dalang sabi nito.

"Tell Carla thank you. Bakit hindi siya ang tumawag? Naba-bad trip ako sayo!" ngumingiting sabi ko na.

"Nasa early meeting. Anyway, bye na. mauubos na load ko." Sabi nito pagkakuwan. Tumaas kilay ko.

"Mauubusan? Naka plan ka diba?" nagtatakang tanong ko.

"Pag naka plan hindi na nauubusan? Marie, tulog ka pa ba?" pilosopong sabi nito.

"Gusto mo e text ko si Carla now na? nakakainis ka ha! Oo na! ako na ang boba! Masaya ka na?!" sigaw ko. Malay ko ba. Sakin kasi hindi na uubos. Chos!

Tumawa muna ito bago nagsalita. "Sige na, I also need to prepare. Kailangan ako sa shop. Bye Miss menopausal." Tawang tawa ito sa pang iinis sakin. Tinawanan ko nalang din.

"Bye. Take care. I love you." Sabi ko at pinatay na ang tawag.

I love Ian and Carla, they are part of my life. We're friends since elementary. Sabi nila not good daw ang tatlo, pero saamin hindi. Siguro dahil lalaki si Ian. He is our hero and kuya, except for my big brother yun talaga yung nagbabantay sakin. Grade one lang kami ng una kaming magkasundo, mga uhugin pa. When we graduated in high school, Carla informed me na mag syota na daw sila ni Ian. I'm very happy for them. Hindi naman na ako nagtaka, parang aso't pusa kasi silang dalawa mag away.

I arrived at HDC building here in Makati just in time. Good thing hindi ako late. Kailangan ko pa pumunta ng HR.

I said hi to the guard and gave him my toothpaste smile. Importante daw na nakakasundo mo ang guard sabi nila, in case of having trouble or something isa sila sa makakatulong.

Ibinigay sakin ng HR ang mga kailangan ko at sinabi saakin kung ano ang floor ko. Nagtaka ako kung bakit walang mga tao sa dinadaan ko. I checked my wrist watch and it says it's eight forty five, imposible naman na nasa office na silang lahat.

Nag walang bahala nalang ako at naglakad papuntang elevator. There's a man standing alone and waiting. Sinuri ko ito mula sa likod. He had an athletic back and also has this impressive height. Mga 6'2 siguro ito. Binaliwala ko nalang ito at tumabi na rin sa gilid nito.

I inhaled his masculine scent. Hmmm... Not bad, halatang mamahalin ang pabango nito. At dahil natural na madaldal ako. I started talking, baka maging friend ko. I smiled at the thought.

"Hi, Anong floor ka? Ako sa 16th floor bago pa lang ako dito na hire. Matagal ka na dito?" I asked.

Hindi ito sumagot kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Alam mo, Matagal ko ng gusto makapasok dito sa HDC kaya lang, ngayon lang ako nag ka time. " I chuckled a bit. Totoo naman, I want to be part of this company since I'm college.

Hindi pa rin ito nagsasalita kaya hinarap ko ito. Nakaharap kasi ako sa pinto ng elevator. And shocks! His features! Kaya hindi ito nagsasalita kasi hindi ako naiintindihan? He's a foreigner?

Lumakad na ito papasok ng elevator, bumukas na kasi, kaya dali dali naman akong sumunod. I pressed the number of my floor at pinindot din nito ang sa kanya 25th floor pala ito.

I can't see clearly his face because number 1, his taller than me, number 2, diretso lang ang tingin nito sa unahan, and number 3, 5'4 lang ang height ko.

I just shut my mouth, baka di feel nitong lalaki na magsalita. I'm just humming waiting for my floor, ang taas kasi ng building na ito.

"I'm also still new here, going three years. And good they hired you." He said. He speaks! At naintindihan nito ang sinabi ko kanina!

"Akala ko di ka nakakaintindi ng tagalog eh!" sabay tawa ko.

"Ang taas ng floor mo ha?" sabi ko pa. I feel at ease with him.

'Yeah." He curtly said.

"Ano ka dito? Ahm, what I mean, engineer ka ng companya? Ako Interior designer." Sa pintuan lang din ng elevator ako nakatingin.

"Nope." Tipid itong magsalita, pansin ko. Pansin niyo rin?

"What nope? Ahhh.. so attorney ka? Kagalang galang kasi ang pananamit mo." Cool kong sabi.

"Nope." Maikling sagot pa din nito.

"Alam ko na! ikaw ang may ari ng kompanya?" natatawang sabi ko.

"Not yet, our attorney's still processing the documents to transfer it on my name." seryoso nitong sabi.

Tumawa ako. "Nagpapatawa ka diba? Why you're in the employee's elevator? Bakit wala ka-"I stopped in my sentence when I realize that the elevator I'm in is private.

Gaga! Tanga! What the hell?! Nasapo ko ang noo ko. nakakahiya! Ang daldal ko pa! I heard him chuckled. Lalo akong namula.

"I'm sorry sir, my stupidity." I murmured. I can't looked at him. Naging kasing pula ng kamatis ang mukha ko ng tumawa ulit ito. He's enjoying I know.

Bumukas ang pinto ng elevator. And from now on, I'll love all the doors in the world. Its life saving! Dali-dali akong lumabas at hinarap ito sabay yuko.

I'm wondering why the elevator still not closing. Nag angat ako ng mukha.

Nagsisi ako sa aking ginawa, sana yumuko nalang ako, o di kaya'y dumiresto nalang ako sa opisina ko. He's seriously looking at me like I'm a murderer or I say a good target to eat? I shook my head. What am I thinking?

"Have a good day sir, and I'm sorry." Sabi ko pa. gosh! Baka masisante ako nito bigla.

Yumuko ako uli. Nang makita kong pasarado na ang elevator ay nag angat na uli ako ng tingin.

And for the second time, nagsisi ako kung bakit hindi ako makapag antay. I just saw him smirked!

#pulang paruparu

F0;




TADHANA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon