PROLOGUE

187 9 4
                                    

Girl POV

binalikan kita matapos ng apat na taon dahil alam kong magiging masaya ako pag kasama kita.Bumalik ako para sayo at naging magkasama tayo ng mahigit na apat na taon muli.

Pero bakit ganun ? alam kong ikaw yung iniwan ko noon pero bakit nung bumalik ako hindi ikaw yung minahal ko noon ?

hindi ko man na sabi ito sayo pero pinilit kong hanapin sayo yong nararamdaman ko noon at kahit hindi ko mahanap, pinilit ko ang sarili ko na laging nasa tabi mo at hinhintay na mahanap ang pagmamahal na naramdaman ko noon.

Pero ito ang sigurado ko minahal kita hindi man tulad ng dati pero kahit pagmamahal na bilang kaibigan ay sigurado ako sa nararamdaman ko.

Naging masaya ako sa piling mo, ikaw ang nagsilbing sandalan ko sa lahat ng oras, naging kapatid at matalik kong kaibigan at sobra akong nalulungkot dahil ngayon wala na ang tulad mo na makakasama ko.

Sana mapatawad mo ko. Nagpapasalamat ako sa pagmamahal mo kahit hindi ko natumbasan yong pagmamahal na yun.

Pero pangako, ikaw lang ang nagiisang KULIT NG BUHAY KO. Pangako ko maggiging masaya ako pag katapos nito at pangako ko na hahanapin ko ang matalik mong kaibigan para sayo. Gagawin ko lahat ng sinabi mo bago mo ko iwan.

"I LOVE YOU KULIT ! I LOVE YOU FRIEND !"

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

[A/N : isa na naman pong storya ang gagawin ko at sana suportahan niyo po ! dapat gagawin ko ito after nung UNTIL SUNSET .. kaso yong pinag lalaanan ko ng kwentong ito ay sobrang ATAT at di na makatulog ! kaya SAYO ! hahaha ITO NA ! bukas na ang chapter 1 ! baboosh ! ]

my REAL photographer who captured my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon