chapter 1

136 9 12
                                    


12 YEARS AGO

nandito kami ng bestfriend ko sa playground na kalapit ng bahay namin. Lagi kami naglalaro dito sa playground na malapit sa amin. Nakakasawa na nga ee ! pero wala akong magagawa dahil hindi pinapayagan ang kaibigan ko maglaro sa malayo. Pinapayagan lang siya dito sa playground o kaya sa bahay namin. Ewan ko ba dito BIG BOY na kami pero tinuturing parin siyang baby ! Although 7 years old palang ako at itong bestfriend ko ay 8 years old na, mas matanda pa sakin pero parang baby kumilos. Hahaha. pero kahit ganyan yan ?? BRO ko yan !

"Travis hindi ka ba nagsasawa dito ? ako sawang sawa na !"sinabi ko yon habang nag papadulas sa padulasan.

"nagsasawa na din ako dito." napatigil ako sa pag akyat dito sa padulasan. ngayon niya lang kasi sinabi yan eh. Dati sinasabi niya mas maganda daw dito at di daw siya magsasawa sa playground na ito. Pero ngayon ? anyare ?

"talaga ? nag sasawa ka na dito ?" tumango siya.

"ee di doon tayo sa kabilang playground ! dali tara na ! gusto ko don sabi nila pinaganda na daw nila lalo yon ! tara !"

"ee ang paalam ko lang kay manang dito lang tayo. baka isumbong ako non kay mommy pag umalis tayo dito."

"hindi yan ! ako bahala kay manang pag pinagalitan ka ! tara na .." hinhila ko na siya at dahil sa payatot siya ee nahila ko naman siya. Pumunta kami sa isang playground , mga dalawang kanto mula dito. Pagdating namin don ay tumakbo agad ako sa playground.

'ang ganda na talaga dito. '

ang playground na ito ay parang may pagka mini park kasi may mga bench tapos may simbahan at may covered court na rin kaya maganda talaga dito .. ALL IN ONE !

pumunta ako sa swing at syempre nagduyan. Si travis naman ay doon sa slide, nagpadulas ng paulit-ulit. Nung inikot ko ang mga mata ko sa paligid ay napaling ang mga mata ko sa kabilang side at doon ko napagtantong may tao pala dito sa park. Isang batang babae nakatungtong ang mga paa sa bench at nakatalukbong ng mga kamay.

'natutulog ??'

hindi ko namalayan nakatitig na pala ako sa babaeng ito at doon ko namalayan na tumataas baba yong balikat niya na parang humikhikbi.

umiiyak siya ??

napatingin ako kay travis at mukang hindi niya napapansin yong batang babae kasi puro lang siya padulas.

"pssstt" sinitsitan ko si travis at tumingin naman siya sa direksyon ko. Yung mukha niya nag tatanong ng BAKIT ?

tinuro ko ng nguso ko yung batang babae at sinundan niya naman ito ng tingin tapos binalik niya sakin yong tingin niya  na parang sinasabi oh-anong-meron-look. Pinakita konsa kaniya yung hintuturo ko na nilagay ko sa mata ko tapos tinuro ko pababa sa pisngi ko na sinasabi ko sa kanya na umiiyak yong babae. Nung nagets niya yung sinabi ko ee naglakad siya papalapit doon sa babae kaya bumaba na din ako sa swing at pumunta din don sa batang babae.

"bata ? bakit ka umiiyak ?"btanong ni Travis at tumingala yung bata.

WOW LANG ! ang ganda niya ! oo bata pa ako para dito pero swear ang GANDA niya !! Yung maamo yung mukha niya basta mukha siyang anghel ??!

"ee bakit niyo tinatanong ??!" Masungit
Na sabi nung bata.

'at mukang hindi pang anghel ang ugali.'

"buti nga tinatanong namin ee !" Sigaw ko.

"eh bakit niyo nga tinatanong ?! as if naman na matutulungan niyo ako ! huwaaaaaa" biglang ngawa nung batang babae.

my REAL photographer who captured my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon