Chapter 11

22 10 2
                                    

Alyanah POV

4th year college na kami ni Uli. Last semester na namin at gagraduate na kami. Pero sa ngayon hindi ko pa alam kung sabay kaming makakagraduate.

Kasalukuyan akong nasa kwarto ni Uli. Mahimbing na siyang natutulog pero ako wala pang tulog. Magdamag ko siyang binabantayan dahil masakit na naman ang ulo niya. Halos isang taon na ang nakalipas simula nang maramdaman niya ang madalas na pananakit ng ulo niya. Palagi niya lang sinasabi na minamigraine lang siya. Kaya ang ginagawa ko ay palagi akong nasa apartment niya tuwing sasakit ang ulo niya.

Paidlip na sana ako ng narinig ko siyang umungol na tila magigising kaya napadilat ako. At doon ay bakas sa mukha niya na nararamdaman na naman niya sigurong masakit ang ulo niya.

"teka lang Uli ah ? Kuha lang ako ng Oil."

pinapahid ko kasi yung oil sa ulo niya para kahit papano ay mawala ang sakit ng ulo niya. Ngunit pagbalik ko ay nakita ko na siyang nasa sahig at namimilipit sa sakit ng ulo niya. Hawak hawak niya ang ulo niya at tila sinasabunutan ang sarili. Doon ako nataranta dahil sa ginagawa niya.

"U-uli ? ano nangyayari ? Uli !"

halos yakap ko na siya pero nagpupumiglas siya sa sakit. Umiiyak na ako dahil natatakot ako at hindi ko alam ag gagawin ko. Nabalik ako sa reyalidad ng marinig kong iniuuntog na ni Uli ang ulo niya sa sahig.

"uuuuulllllliiiiiiii, tigilan mo yaannnn. huhuhu."

Pero parang hindi ako naririnig ni uli at nakikita kong umiiyak na din siya sa sakit. At lalo akong naiiyak dahil nakikita ko siya sa ganitong kalagayan. Ni hindi ko man lang alam kung paano ko maiibsan ang sakit na nararamdaman niya.

"Ttttttuuuuuulooooooonnnngggg. Pakiusap ! TULUNGAAAAN NIYOOO KAMIIII."

Paulit ulit kong sinisigaw yun, umaasa akong maririnig ako ng kapitbahay. Pero pakiramdam ko walang nakakarinig sa akin. Kaya nagmadali akong tumayo at tumakbo palabas ng bahay at kumatok sa katabing apartment namin.

"TULUNGAN NIYO PO KAMI. PLEASEEEE ! TULONG POOOOO."

Agad na bumukas ang pinto at nakita ko ang babaeng may katandaan. Halatang kagigising lang niya pero bakas sa kaniya ang pagkagulat dahil siguro sa pagkatok ko.

"Bakit iha anong nangyari ?"

"yong boyfriend ko po sobrang sakit ho ng ulo niya nagwawala na po siya sa sakit. Please tulungan niyo po kami !"

Nagmamadali at umiiyak kong sabi. Agad niyang ginising ang asawa niya at tumakbo agad papasok sa apartment namin. Nagising din ang ilang kapitbahay at pumasok din sa amin. Yung aleng kausap ko kanina aya agad na tumawag ng ambulansya. Agad namang nagresponde kaya nadala agad namin siya sa ospital.

Sa gitna ng byahe ay iyak pa din ako ng iyak dahil nininerbyos ako sa nangyari. Tinurukan ng nurse si Uli ng pampakalma at pampatulog para hindi na siya magwala. Nakatitig lang ako sa mukha ni Uli. Nakita ko ang ilang sugat dahil siguro sa pagkalmot niya sa mukha niya at magulong buhok dahil sa pagsabunot niya. Naaawa ako ng sobra sa kaniya at natatakot sa kung ano ang posibleng mangyari.

Dumating kami sa ospital at agad siyang pinasok sa E.R. Pinaghintay nila ako sa labas dahil bawal daw ang hindi pasyente sa loob. Hindi ko pa din mapigilan ang luha ko. Alam kong pinagtitinginan ako ng ibang tao pero wala na akong pakialam dahil nanghihina ako sa takot. May lumapit sa aking ale na may dalang tubig. Nang mahimasmasan ako ay naisipan kong tawagan si Michael.

"Hello ?"

Rinig ko sa boses niya na naalimpungatan siya 3am na ng umaga nung tumawag ako.

"M-michael puntahan mo ako dito."

umiiyak kong sabi.

"yanah ? ikaw ba yan ?"

"oo please puntahan mo ako dito."

"nasan ka ? anong nangyari ?"

"nasa ospital ako, si Codey."

"bakit anong nangyari ?"

"please punta ka na lang dito."

"oo sige hintayin mo ako. Sang ospital ba yan ?"

"Hindi ko natanong kung anong ospital to basta lagpas lang siya ng university alam ko."

"sige, hanapin ko na lang. Papunta na ako."

"s-sige."

Wala pang isang oras ay dumating na si Michael at may kasama pa siyang dalawang lalaki. Sa pagkakaalala ko ay kateam mate din to ni Uli dahil minsan ko na silang nakasabay kumain noon.

"alyanah ! ano nasan na si Matthew ?"

"nasa E.R. pa siya inoobserbahan pa yata kanina pa sila doon."

"anong nangyari ?"

sabi nung isang lalaking kasama ni Michael. Ang alam ko diya ay si Ryan.

"Basta ang alam ko sumakit lang ang ulo niya."

Madami pa silang tinanong sa akin. Bakas din sa mukha nila ang pagaalala, narinig ko ding tinawagan nila ang coach nila.

Kalahating oras ang lumipas at may lumabas na doctor sa E.R. Agad akong tumayo upang magtanong.

"Sino ang pinakamalapit na kamag anak ng pasyente ?"

"g-girlfriend niya po ako."

Tuningin sa akin ang doctor. Bumuntong hininga at seryosong tumingin sa mga mata ko.

"Lets talk to my office."

Kinabahan naman ako dahil nagtataka ako kung gaano kaseryoso ang nagyari kay Uli. At hindi pa kailangan ipatinig kila Michael. Nang makarating kami sa office nang doctor ay bumilis ang tibok ng puso ko. Tila ba may malalaman ako na dapat kong kayanin.

"What's the problem doc ? Please deretsyahin niyo na ho ako."

Huminga ng malalim ang doctor ang tumingin sa akin. Kita ko sa mukha niya ang pagkaseryoso pero kasabay nito ang pagaalinlangan. Siguro'y pagaalinlangan na sabihin sa akin ang totoo.

"Y-your boyfriend has a Brain Tumor."

Nag unahang tumulo ang mga luha ko dahil sa narinig ko. Hindi ko kayang tanggapin ang mga narinig ko. Naaawa ako ng sobra kay Uli dahil sa ganito niyang edad ay maaga niyang mararanasan ang ganitong sakit. Hindi ko alam kung ano at saan ako magsisimula para maibsan ang iniisip niya kapag nalaman na niya.



Please Vote and Comment. :)

Add me / Follow me on Facebook
-Search : Jemarie Bragais
Follow me on instagram
-Search : ishi.yuan
Follow me on twitter
-Search : @dyeembragais
Join on my Group
-Search : ishiyuan's Stories
Kindly like my Facebook Fanpage
-Search : ishiyuan world

THANK YOOOOUUUUUUU !!!

my REAL photographer who captured my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon