Chapter 18

26 9 0
                                    


Alyanah POV

Dalawang araw na ang nakalipas, nung nagbangayan kami nung Louie na yun. Ngayon ang araw na kailangan ng magshoot nila Michael para sa Proposal daw nila. Nakasakay kami sa Van ni Michael at kasama namin si Ryan at Cedric, na kahit hindi naman kaklase ni Michael ay nagpumilit na sumama. Hindi sila pumasok para lang makasama. Bago pa kami bumyahe sa lugar na pupuntahan namin ay dinala pa nila ako sa mall para bilhan ng damit na isusuot ko. Natagalan pa kami dahil nagtatalo silang tatlo sa kung anong bagay na damit ang isusuot ko. But in the other side ay nakakatuwa din sila dahil napaka supportive nila, parang mga kuya ko lang.

Nakarating na kami sa lugar kung saan gaganapin ang photoshoot. Maganda ang lugar parang bukid lang, pero ang pinagkaiba ay puro bulaklak ang makikita mo. Napangiti naman ako nang makita ang lugar, pakiramdam ko ay kapag dito ka tumira ay napaka peaceful ng pamumuhay mo.
Pagtingin ko sa paligid ay napansin ko ang ilang tao na tila nagaayos.

"Akala ko ba group niyo lang ang may theme na garden ?"

Tanong ko kasi ang pagkakaalam ko ay iba iba sila ng task para sa proposal.

"Pinagisa na lang ni Ser yung Theme tapos dun siya magbabase sa plano, sa proposal saka sa design ng bahay."

Napansin ko naman sa di kalayuan ang isang lalaking kumukuha ng litrato sa paligid niya. Sa pananamit niya ay nakilala ko na siya dahil naka tshirt siya ng Superman.

"Bakit nandito yung lalaking yun ?"

"Hahaha. Chill ka lang Yanah masyado na agad umiinit ang ulo mo dahil nakita mo lang si Sir Louie. HAHAHAHAHA !"
sabi ni Cedric

"Oo nga, wag mo ibusangot yang mukha mo. Di bumabagay sa damit mo eh."

"Eh sa bakit kasi nandito yan ?"

"Kasi nagprisinta na si sir na siya ang kumuha sa mga magiging models namin."

"Ah so may lahing photographer pala si Ser ?"
Tanong ni Ryan.

Nagusap usap lang sila sa tabi ko pero ang mga mata ko ay nakakatitig sa lalaking yun.

'Bakit ba ang dami niyong pagkakapareho ?'

Naiinis ako sa nararamdaman ko dahil sa mga nakikita ko at nalalaman ko tungkol sa kaniya. Hindi ako natutuwang malaman na marunong siyang kumuha ng litrato dahil lalo ko lang naaalala si Uli sa kaniya. Yung Uli na minahal ko noong bata pa kami. At dahil sa kaniya ay nasasaktan ako dahil yung taong naaalala ko ay imposible nang bumalik.

Nagumpisa na ang photoshoot at lalo akong naiirita dahil ang mga model na ibang grupo nila Michael ay kapwa niya din Classmate kumbaga ako lang ang model na tiga ibang course. Narinig ko namang tawa ng tawa sila Michael, Ryan at Cedric.

"Bakit ba kayo tawa ng tawa ?"
Takang tanong ko.

"Eh kasi naman tignan mo yung mga classmate ni Michael na ginawang model parang di pinaghandaan yung mga suot. HAHAHAHAHAHA !"
Sabi ni Ryan.

Tinignan ko naman yung mga ibang models na classmate ni Michael para sa akin ay okay lang naman ang suot nila, konektado pa rin para sa theme ng proposal na gagawin nila.

"Oo nga hahahaha ! Ikaw lang yata ang pinagkagastusan namin !"
Sabi ni Cedric.

"So isusumbat niyo yung ginastos niyo ? Eh kung hindi ako pumayag na maging model ?!"

"Hoy wag ka namang ganyan Yanah ! Tumigil na kasi kayo Ryan ako ang madedehado eh !"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAH"
Lumipas ang ilang oras at ako na ang kukuhanan. Dahan dahan akong naglakad kasama sila Michael sa gitna ng Field. Nakasimangot pa din ako dahil naiinis ako sa lalaking nasa harap ko. Ngumit pa siya nung makita ako. Naguumpisa na din ako pagtinginan ng mga classmate ni Michael dahil siguro napansin nilang hindi nila ako Classmate.

my REAL photographer who captured my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon