Chapter 22

21 7 0
                                    


Alyanah POV

Dahan dahan kong binuksan ang sulat, pumikit ng sandali at huminga ng malalim bago ito basahin.

'Mahal kong Iya,

Unang una sa lahat humihingi ako ng tawad sa paglilihim ko sayo sa naging pagkatao ko, sa pagiging selfish ko na makasama ka sa kabila ng hindi ko pagsasabi ng totoo. Ganun siguro talaga kapag mahal mo ang tao ng sobra, hindi mo na iniisip kong mali ito at kung may masasaktan ka at kung masasaktan mo mismo ang sarili mo.
Alam kong kapag nabasa mo ito ay magagalit ka lang sa akin dahil hindi mo matatanggap ang mga magiging dahilan ko. Pero Iya sana maintindihan mo ako kahit na gaano ito kabaluktot.

Pero bago ang lahat gusto ko ilahad sa iyo ang mga nangyari. Naalala mo ba yung araw na nagpaalam ka sa akin na aalis ka na ? Ang sakit sakit ng naramdaman ko noon. Hindi dahil sa aalis ka kundi dahil napatunayan kong si Uli na ang gusto mo at hindi ako. At nararamdaman kong higit pa sa pagkagusto ang nararamdaman mo sa kaniya. Masakit para sakin Iya, naging panatag ako na ako pa din ang gusto mo. Na balang araw sa pagtanda natin ako pa din ang pipiliin mong makasama. Masaya ako noong mga panahon nakasama kita at nanonood ka ng laro ko sa basketball, sumasama ka sa mga practice ko sa play kahit na nararamdaman ko noon na nagseselos sa atin si Uli dahil mas pinili mong kasama ako. Alam kong hindi mo masyadong napapansin pero sa tuwing magkausap tayo ay laging napapasok sa usapan si Uli. Yung nararamdamang selos ni Uli higit pa doon ang nararamdaman ko. Malaki ang naging kasalanan ko sa kaniya dahil minsan kong nahiling na sana hindi na lang kayo nagkakilala at hindi ko na din siya naging kaibigan. Sa pagkakataong ito baka masamang tao na ang tingin mo sa akin. Pero hindi ko talaga mapigilang isipin at hilingin. Noong nagpaalam ka sa akin na aalis ka na, nasaktan ako sa sinabi mo na ayaw mo magpaalam kay Uli dahil ayaw mo siyang makitang nasasaktan. Sa isip isip ko na okay lang sayong makita akong nasasaktan, na okay lang sayong magpaalam ka sa akin kasi hindi naman ako iiyak. Yung ganung pananaw ? ang sakit Iya.

Noong umalis ka, ay halos pareho kami ni Uli na gumuho ang mundo. Pareho kaming sawi, parehong nasaktan at parehong naiwan. Pero bilib ako sa kaniya Iya dahil siya ? punong puno ng pag asa. Maraming naiisip, napaplano basta ikaw ang nasa isip niya. Hindi ko maiwasang maiinggit dahil siya punong puno ng pag asa samantalang ako ni kakarampot ng salitang pag-asa ay wala. Madalas ko na lang nasasambit sa utak ko na sana 'ako na lang siya.' Ako na lang siyang gusto mo. Ako na lang siyang mamahalin mo at ako na lang siyang babalikan mo.

Kaya noong mga panahong nagpaplano na siyang mag aral ng college sa Canada ay doon ako nagumpisang magimahinasyon na kung sakaling babalik ka ay ako ang maabutan mo at hindi siya. Pero hindi ko akalaing mauuwi pala iyon sa pagpaplano. Nakita kita noon na nakatingin sa tapat ng bahay nila Uli, sa unang kita ko pa lang alam ko nang ikaw yun. Sinundan pa kita hanggang makarating ka sa park at hanggang sa umalis ka. Doon ako nakabuo ng plano na magpanggap bilang si Uli, sa una ay hindi pa ako sigurado sa mga gagawin ko pero naging disidido na din ako. Lumipat ako ng apartment para hindi mo malaman ang tunay na bahay namin. Sinabi ko nang patay sila tita beth para hindi mo na hanapin. Ginaya ko ang mga usual na hilig ni Uli pero minsan hindi ko pa din maitago ang mga hilig ng katauhan ni Labo. Alam kong minsan pinagdududahan mo ko pero kahit kailan hindi mo ipinamukha sa akin ang mga yun At nagpapasalamat ako para doon. May mga bagay pa din akong ginagawa na alam ko doon ako sasaya at para hindi ko makalimutang ako si Labo.

Naalala mo ba noong araw na sagutin mo ako ? yung idea na yun ? kay Uli yun. Madalas siyang nagpaplano noong highschool pa kami ng mga bagay na gagawin niya para mapasagot ka. At sad to say, ginaya ko siya at inunahan ko siya. Pero nakakatuwang isipin na kung sakaling siUli talaga ang gumawa noon ay mapapasagot ka din gad dahil sa idea niya. Marami na akong naging kasalanan kay Uli, niloko kita, sinaktan kita at inagaw kita sa kaniya pro para sa akin hiniram lang kita habang wala siya kasi alam kong sa sarili ko ako ang matagal na mawawala. Kaya gusto ko sa mga panahong nalalabi sa akin, ikaw pa din ang nasa tabi ko.

Noong nagkasakit ako at naratay na sa ospital lalo akong nahirapang lumaban. Nahihirapan akong makita ka na halos hindi makakain ng maayos, makatulog at makapag aral ng dahil sa pag aalaga sa akin. Pero wala na yata mas sasakit pa na sa tuwing tatawagin mo ako ay ibang katauhan ang tinatawag mo. Na sa tuwing yayakapin mo ako, pisikal na anyo ko ang yakap mo pero ang puso mo ay ang tunay na Uli ang hinahanap mo. Na kapag tumitingin ka sa mga mata ko ay parang naglalakbay ito at pilit na hinahanap ang ibang tao sa akin. Hindi kita masisisi dahil ginusto ko itong magpanggap para lang sa sarili kong kaligayahan. Kaya gugustuhin ko na lang magpahinga na para pare pareho na tayong makapamuhay na ng masaya.

Nga pala, nahabilin na kita kay Uli sinabi ko sa kaniya noong huli kaming magusap bago tayo mag pa check up sa Ospital. Nasabi ko na ingatan niya ang taong mahal ko pero hindi ko binanggit na ikaw yun. Wala akong lakas ng loob sabihin sa kaniya dahil sa mga panahon na yun kailangan ko kayo sa buhay ko. Kailangan ko ang kaibigan ko at kailangan ko ang taong mahal ko na mahal naman ng kaibigan ko. Patawarin niyo ako kung nakisangkapan pa ako sa tadhana para magulo ang meron sa inyo, pero wag kayong mag aalala panandalian lang naman ito. At alam ko sa sarili ko na kapag nawala na ako magiging masaya na kayo dahil kayo talaga ang nakatakda, na alam kong hanggang ngayon hinahanap ng mga puso nyo ang bawat isa.

Hanggang dito na lang Iya, sana sa huli ay mapatawad niyo akong dalawa ni Uli at pag nangyari yun ay magiging masaya na talaga ako ng tuluyan. Mahal na mahal kita Iya, palagi kang mag-iingat.

Nagmamahal,
Labo


Please Vote and Comment. :)

Add me / Follow me on Facebook
-Search : Jemarie Bragais
Follow me on instagram
-Search : ishi.yuan
Follow me on twitter
-Search : @dyeembragais
Join on my Group
-Search : ishiyuan's Stories
Kindly like my Facebook Fanpage
-Search : ishiyuan world

THANK YOOOOUUUUUUU !!!

my REAL photographer who captured my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon