CHAPTER 5

39 9 1
                                    

ULI POV

Yung mukha kong gulat dahil sa pagkalaglag sa kama ni Iya ay nanatili ng bumukas ang pinto at pumasok si Labo. Hindi ko namalayan kung gaano kabilis nakatayo si Iya at halos liparin si Labo at yakapin ito. Yung mukha kong gulat ? unti unting nawala. Yung puso ko ? unti unting sumasakit.

Alam kong sobra lang namiss ni Iya si Labo kaya ganyan yung reaksyon niya. Namiss ko din naman siya halos ilang buwan na din namin siya hindi nakikita o nakakausap dahil sobrang busy daw siya. Through phone lang namin siya minsan makausap. Alam kong ang pangit na bilang bestfriend niya ay ganito ang nararamdaman ko. Pero hindi ko masisi yung utak kong magsabi na sana hindi siya ngayon nagpakita dahil yung puso ko nasasaktan ng makita silang ganito.

"waaaaah. namiss talaga kita Labo"

"ako din namiss ko kayo sobra. so kamusta na ?"

"okay naman kami. ikaw kamusta kana ? antagal ka naming hindi nakasama"

tulala pa din ako at hindi makapagsalita paramg unti unting nagdidilim ang paligid ko at nakikita ang sarili kong magisa nalang. Yung ganung pakiramdam ?

"ayuuun sobrang busy andaming projects, may practice sa isang play para sa isang subject, nagtry out din ako sa basketball"

"oh talaga ? kaya mo naman kaya yun ? grabe noh ? freshmen kapa lang andami mo ng ginagawa. Baka maging top 1 ka na niyan at MVP. HAHAAHHAAHHA."

"yung magtop 1 ? posible pa yun. Pero yung mag MVP ? hahahaha. imposible ! freshmen pa lang ako eh."

"pede na din siguro yun lalo na kapag nadiscover nilang sobrang galing mo maglaro diba Uli ?"

"aah oo. t-teka kuha lang ako ng meryenda sa baba. hehe"

kailangan ko munang magpahangin sa labas hindi na ako makahinga sa loob dahil sa mga nakikita ko. Ansakit, nginingitian naman ako dati ni Iya pero bakit nung nakita ko kung paano siya ngumiti kay Labo ay halos gusto ko magwala ! parang gusto kong isigaw sa kaniha na dapat sa akin lang siya ngingiti ng napakaganda ! perooo masisisi ko ba siya ? kung si Labo lang talaga ang isa sa nagpapangiti sa kaniya. Siya naman talaga yung gusto niya diba ? Bakit kasi umaasa pa ako ?! eh isa lang naman akong kaibigan niya na kinaiinisan niya ! nang aasar sa kaniya! pero ako yung taong magtatanggol sa kaniya tuwing wala yung taong gusto niya. Ngayon, anong gagawin ko ? nandito na si Labo ? makakasama na kaya namin siya palagi ? pano ako ? kapag kasama na namin palagi si Labo ? sigurado siya na naman ang bida at ako ang kontrabida.

Bestfriend ko si Labo pero sobrang nasasaktan ako dahil minahal ko yubg babaeng siya naman ang gusto.

Bumaba ako sa kitchen, kumuha na cake at nagtimpla ng juice. Napatingin ako sa First Aid kit na nakakabit sa pader ng kitchen.

"Kung may gamot lang sa pagiging broken hearted iinom ako ng napaka rami para mamaya okay na ako. Hindi na masakit ang puso ko."

napabuntong hininga na lang ako at nagpasyang bumalik sa kwarto. Sa labas parang rinig mo na ang halakhak nilang dalawa. Tila sobrang saya ng pinaguusapan nila. Pero pag bukasko ng pinto, napatigil sila. Nakaramdam naman ako ng kakaiba. Ganun na ba ang presensya ko sa kanila ? istorbo sa pagiging masaya nila ? Ganyan din naman si Labo kanina. Istorbo sa kasiyahan namin kanina. Tuloy ito ako ngayon paramg lantang gulay sa naiisip at sa nararamdaman.

"Kain na kayo. Nakalimutan kong magrereview pa pala ako. Sige usap lang kayo. Kain ng madami."

At ngumiti ng mapait. oo, mapait gaya ng nararamdaman ko ! pait na pait ako.

Nagumpisa ako magbasa ng mga lesson namin kanina. Pero parang wala akong naiintindihan. Yung mata ko nasa notebook na binabasa ko pero yung tenga ko nakikinig sa mga tawa nila. Parang sasabog yung utak koo ! para akong mababaliw. Kaya ang ginawa ko na lang yumuko ako sa study table ko. Gusto ko matulog, gusto ko manahimik, gusto kong maging bingi kahit ngayon lang.

my REAL photographer who captured my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon