Chapter 23

37 7 0
                                    

Codey Louie POV

Dinala ko sa Ospital si Yanah dahil bigla siyang nawalan ng malay. Naaawa ako sa kaniya dahil parang natrauma siya sa mga humabol sa kaniya kaya siguro hinimatay na lang siya. Pero sabi ng doctor ay naubusan lang siya ng lakas at magiging okay din siya. Nakakainis lang na hindi ako makakaabot sa Flight ko ngayon kaya ipaparesched ko na lang. Sayang naman ang pagkakataon wala pa namang pasok. Nakatitig lang ako sa mukha ni Yanah, maganda siyang talaga. Unang kita ko pa lang ay humanga na ako sa ganda niya Kaso sobrang sungit parang si Iya. Palagi ko na lang nakikita sa kaniya si Iya although hindi kulot itong babaeng ito. Pero kung paano siya magsungit sa akin ay doon ko naalala si Iya at dahil doon naaalala kong dapat na hanapin ko si Iya. Pero nagtataka ako sa huling binanggit ni Yanah kanina, hindi masyadong malinaw at mahina pa pero halos marinig ko ang salitang 'uli.' Nang marinig ko yun ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko hindi man malinaw sa pagkakarinig ko pero nagbigay ito sa akin ng ibang pakiramdam.

Naputol ang pagiisip ko ng biglang bumukas ang pinto at nagmamadaling pumasok sila Michael, Ryan, Cedric at Aira.

"Anong nangyari ?"

nag aalalang tanong ni Ryan.

"Nawalan ng malay."

"hinimatay ba dahil sa nalaman niya ?"

tanong ni Cedric nagtaka naman ako sa sinabi niya

"Hindi napagod siguro at natakot may mga humahabol kasi sa kaniyang mga lalaki nang maabutan ko siya. Saka anong nalaman ?"

takang tanong ko. Nagkatinginan naman silang apat at nakaramdam ako ng kakaiba na tila may alam sila na isang bagay at hindi sinasabi sa amin.

"aah eh w-wala."

sabi ni Cedric.

"Hindi nga pare. Ano bang nangyayari ?"
tanong ko.

"Hindi namin alam, kayo ang huling magkasama hindi ba ?"

tanong ni Michael.

"Nung nagising siya ng umaga at nagkausap kami ay bigla na lang siya nagtatakbo palabas."

"Saan siya nagpunta ?"

tanong ni Aira.

"Hindi ko alam, ang inisip ko na lang baka naaalala niyang may tour sila. Kaya nagmadali paalis."

"baka may nalaman na siya."

bulong ni Cedric lalo akong nagtataka sa ikinikilos nila.

"ano ba ang huli niyong napagusapan ?"

tanong ni Ryan at halata mo sa kaniyang may malalim siyang iniisip at sobrang seryoso siya.

Binalikan ko ang nangyari kaninang umaga.

"Nagkausap kami tungkol doon sa nakita niyang litrato doon sa living room ko."

Nagulat naman sila at bahagyang kumunot ang noo.

"a-anong litrato yun ?"

tanong ni Michael.

"Mosaic na puro litrato ni Iya."

"oh sh*t."

narinig ko na namang bulong ni Cedric.

"b-bakit ?"

nagpalipat lipat ako ng tingin sa kanila at napaka wirdo ng inaasta nila. Pero bakas sa mukha nila ang pagiging seryoso.

"Kilala mo ba si Matthew ?"

my REAL photographer who captured my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon