CHAPTER 3
4 years later
ULI POV
Grade 6 na ko ngayon, at dahil mas matanda samin si labo, ayun 1st year high school na siya. Nasa iisang school parin naman kami kaso nasa kabilang dako siya ng school at hindi ako basta basta makakapunta sa teritoryo ng mga high school.
kung tinatanong nyo si Iya ?? ayun sumakabilang buhay na !! hahaha . knock on wood !! joke lang. seryoso na ! dahil kasing edad ko lang naman siya ee pareho lang kami na grade 6 na ngayon. AT iisa lang kami ng school na pinapasukan ngayon. Masadong mahal itong school para sa kanya pero dahil mahal na mahal siya ng mommy ko ee. Tinulungan siyang makapag aral dito s school namin simula nung makilala namin siya apat na taon na ang nakararaan kaya apat na taon na rin siyang nag aaral dito. At kung siswertehin ka nga naman !!
hindi ko siya classmate dahil mas matalino ako sa kanya. hahaha ! oh diba ? gwapo na nga ko. matalino pa ! san ka pa ?! hahaha.
ayun nga kahit di kami magkaklase ni Iya magkatabi naman ang room namin. Lagi din kami magkasabay pumasok at pauwi kasi masyadong maaga ang pasok ni Labo at matagal naman ang uwian niya. Kaya tuwing weekend na lang kami nagkikitang tatlo.Masasabing close na kami ni Iya pero hindi pa din nawawala sa amin ang pag aaway. Natural na lang siguro sa amin pero yung away namin parang laro na lang katagalan. Kaya no hard feelings.
---------------kasalukuyan kaming walang klase ngayon. Lagi nga lang kami walang teacher dito eh. Pero okay na yon, nakakatamad din naman mag aral at dahil nga wala kaming klase. Ayan ! nagwawala ang mga classmate ko na parang ngayon lang nila naranasan at natamasa ang salitang demokrasya ! hahaha. At dahil gusto ko ng kapayapaan, lumabas ako ng classroom. Pumunta ako ngayon ng corridor namin. Magmumuni muni muna ako.
Hindi ko pa pala naikwento ang mga nangyari nung lumipas na apat taon. Simula ng kinukunan ko ng litrato si Iya ay nahulog na ang loob ko sa kanya. kahit na napaka panget ng ugali nea. Nung una hindi ko pa talaga tanggap dahil napaka maldita ng ugali niya. Minsan hindi ko talaga masabayan yung ugali niya. Pero ang masakit na katotohanan ? Hindi ako yung gusto niya kundi si Labo. Hindi ko naman maamin kay Iya dahil sa ugali nun baka hindi lang sapok abutin ko dun baka pagmumurahin pako nun sa galit dahil gusto ko siya. Saka baka lalo niyang ipamukha sa akin na hindi niya ako gusto.
Naputol ang pagmumuni ko ng may marinig akong sigawan at tawanan sa kabilang classroom. Yung mga kaklase ko ay nagumpisa na ding makiusyuso. Wala sana akong balak makitsismis pero nang maalala kong nagmumula ang ingay na yun sa room nila Iya ay napalapit agad ako sa mga nagkukumpulang studyante.
Nagmula sa loob ang ingay. Yung mga studyante sa loob makikita mo ang ibat ibang ekspresyon na pinapakita nila. May natatawa, may naawa, may nanunuhol na ituloy kung ano man ang ginagawa nila at may nakikinood lang at tila walang balak makialam.
"Yan ang nararapat sayo ! Masyado kang sipsip sa lahat ng teacher dito ! yan ang bagay sayo maligo ng juice tutal STRAW ka ! SIPSIP !!!!!!"
"SIPSEP ! SIPSEP ! SIPSEP"
paulit ulit na pagsigaw ng mga studyante sa loob. Hinahanap naman ng mga mata ko si Iya pero hindi ko siya mahanap. Agad namang pumasok sa isip ko na baka isa siya sa nambubully ng estudyante. Hindi posible kase palaaway naman talaga siya. Kita niyo naman yung palage niyang ginagawa sa akin dati.
Nagsimula ng bumalik sa mga upuan yung iba. Hanggang maubos na din yung nakikinood. Siguro iniisip nila na sapat na yung napanood nila para alamin ang kwento pero ako hindi ako umaalis sa kinatatayuan ko. Hindi ako aalis hanggat hindi ko nakikita si Iya.
Unti unti nang naubos ang mga nakatayo. Yung ibang studyante nakaupo na pero na sa sentro pa din ang paningin nila. Doon ko nakita ang tatlong babaeng nakatayo. Yung isang nasa gitna mahaba at straight ang buhok nakaforward siya at may hawak na baso. Nasa kanan naman ng babae ay maiksi ang buhok na hanggang balikat lang. Nakatayo ito at nakapamewang. Samantalang ang nasa kaliwa ng nasa gitna ay nakapusod ang buhok at nakacross arm. Pare pareho silang nakatingin sa ibaba na tila may tinitignan.

BINABASA MO ANG
my REAL photographer who captured my heart
Ficção GeralPatungkol ito sa babaeng pinaglaruan ng tadhana na ang hangad lang naman ay ang balikan ang tunay na minamahal niya. Pero andaming mangyayari bago niya mahanap ang hinahangad niya.