CHAPTER 8

29 9 0
                                    


Alyanah POV

Isang buwan na ang lumipas, palagi kaming magkasama ni Uli lagi siya sa Apartment ko. Magisa lang kasi ako nakatira dito, wala na akong yaya dahil gusto ko maging independent kahit na sila mommy pa din ang nagtutustos ng magiging tuition ko sa College.

Andito kami sa Apartment ko ngayon. Nakaupo sa sofa si Uli at ako naman ay nakahiga at ang ulo ko ay nasa Lap niya. Naguumpisa na kasi kami maging sweet sa isa't isa. Gusto ko din naman ito dahil matagal din kaming hindi nagkita.

"Kelan ka nahilig magbasketball ?"

parang nagulat pa siya sa tanong ko.

"ahhhm mga 2 years ago nung mamatay sila m-mommy"

"ah I see. Galing ah ? in 2 years magaling ka na agad maglaro. Para ka nang si Labo. hahahahaha."

"t-talaga ?"

"de Joke lang. Asa ka naman. hahahahaha"

nagulat siya sa sinabi ko at dahan dahan na lang ngumiti. Kala ko pa naman gaganti ng pang aasar.

"Uli ? san ka magaaral ?"

"ah eh sa Umber University"

"gusto mo ba dun din ako magaral ?"

ngiti kong tanong sa kaniya.

"ahm medyo mahal ang tuition dun kaya mo ba ?"

napasimangot naman ako sa sinabi niya ang inaasahan ko kasing sagot niya ay 'oo naman gusto ko'.

"ano akala mo sa akin mahirap ?!"

"hindi naman sa ganun, nasabi ko lang."

"Nakapagexam ka na ba dun ?"

"Hindi pa Next Week pa schedule ko."

"Pwede ba akong sumabay ?"

"hmm. Di ko alam kung pareho ng sa akin ang ibibigay ng schedule sayo ng admin kapag nagapply ka dun."

"bakit ba parang ayaw mo ako pagenrollin sa school na yun"

simangot na sabi ko sa kaniya.

"Hindi naman sa ganun kasi nga may patakaran din ng school pag dating sa mga ganyang entrance exam."

"ah basta magaapply ako dun, bukas na hmbukas din."

napa buntong hininga naman siya.

'Ayaw niya ba talaga ako kasama sa school na yun?'

"ano nga palang kukuning mong course?"

tanong ko sa kaniya.

"c-civil engineering"

"hah ?! akala ko ba mag aarchitect ka ?! tapos ako mag iinterior designer ? hmmp."

"s-sinabi ko ba yun ?"

"kasi nga diba sabi mo noon, ikaw ang magpplano ng magiging bahay natin tas ako ang magdedesign. Kainis ka naman eh !"

"s-sorry naaa. Nagbago lang siguro ang gusto ko, okay lang yun Iya ako naman ang mismong magtatayo ng bahay natin."

sabi niya ng my ngiti. Kinilig naman ako dun pero may napansin ako sa mga mata niya, ang magkahalong pag aalinlangan at kalungkutan.

Yinakap ko na lang siya, baka sakaling dito ay mabawasan ang kalungkutan niya. Sa mga lumipas naman na araw ay nakita ko ang laki ng pagbabago niya, hindi ko alam kung positibo o negatibo. Nagbibiro na siya minsan pero hindi gaya ng dati na ang biruan namin ay asaran. Ngayon, ako ang madalas na nangaasar at ngiti lang ang sagot niya. Minsan magjojoke siya pero ang corny, lumilipas pa ang ilang minuto bago ko mapagtantong nagjojoke pala siya.

Sobrang naninibago ako sa kaniya kaya nagaadjust na lang ako para sa kaniya dahil sa ngayon ang alam ko lang ay 'nagbago ang katauhan niya.'

May pagkakataon na nagugulat ako na hilig niya na pala ang isang bagay na ayaw niya noon. Gaya ng pagkahilig sa libro. Matalino naman si Uli pero hindi siya palabasa ng mga encyclopedia at lalo na ng Harry Potter.

Nasa National Book Store kami noon dahil niyaya ko siya kasi may bibilhin ako mga pocketbook. Nang makapamili ako, hinanap ko siya kasi humiwalay siya sa akin. At nang mahanap ko siya ay nakita ko na may dala siya basket at laman ay mga book series ng Harry Potter at Twilight.

"Kailan kapa nahilig sa ganiyan ?"

"b-bakit may masama ba ?"

"wala naman, akala ko kasi ayaw mo niyan. Nandidiri ka pa nga sa mga gangan kesyo OA. Pero ngayon ? infairness ah ? hindi lang iisa binili mo. Isang basket paaaaa. HAHAHAHAHA"

"ahm nakapagbasa kasi ako ng isang beses at nagustuhan ko kaya bumili na ako ng marami."

"suuuusss. Para ka nang si Labo. Namimiss mo noh ?"

tanong ko namg may ngiti. Tumayo naman siya at humarap sa akin.

"oo miss na miss ko na."

Sabi niya ng seryoso kahit tignan mo sa mata ay malalaman mong nagsasabi ito ng totoo. Siguro nga namimiss niya ang kaibigan niga kayalahat ng hilig neto ay gingawa niya. Pero may part pa din sa pagkatao ko na nagtataka.





Please Vote and Comment. :)

Add me / Follow me on Facebook
-Search : Jemarie Bragais
Follow me on instagram
-Search : ishi.yuan
Follow me on twitter
-Search : @dyeembragais
Join on my Group
-Search : ishiyuan's Stories
Kindly like my Facebook Fanpage
-Search : ishiyuan world

THANK YOOOOUUUUUUU !!!

my REAL photographer who captured my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon