Chapter 19

24 9 0
                                    


Alyanah POV

Tapos na ang Final Exam naming at mayroon kaming 1 week para makapagrelax pero after noon ay magsisimula na kaming mag-asikaso para sa Graduation. Kasalukuyan kaming bumabyahe nila Michael papunta sa Rest house nila Ryan sa Batangas. Nasa iisang van kami at kasama namin si Aira na girlfriend na ngayon ni Michael. Si Michael ang driver at nasa front seat naman si Aira, nandito ako second row kung saan nasa likod ako ni Michael. Ako lang magisa sa upuan ko at nasa likod ko naman sila Cedric at Ryan. Si ryan ay kausap ang girlfriend niya na nasa New York, nurse kasi ito doon. Si Cedric naman ay pilit akong inaayusan ng buhok, bakla yata ito eh.

"Nakakainis naman hindi masyadong makapit yung pagkakatirintas ko ! Bakit ka ba kasi nagpa straight ?!"

Asar na sabi ni Cedric.
"Wow ah ? Kasalanan ko pa ?! Bakit ba kasi pilit mo akong inaayusan ? Napapangitan ka bas a akin ?"

"Hindi noh ! Tina try ko lang yung nakita sa youtube kagabi, parang ang dali kasi panoorin kaso ang hirap palang gawin ! Lalo na bagsak na bagsak buhok mo."

Sabi niya na bakas talaga ang pagkainis.

"Kung kulot pa ang buhok ko tulad noon baka lalong hindi mo magawa !"

Sabi ko na naiinis na, nahihirapan kasi ako sa pagsusurf ng instagram dahil ginagalaw niya ang ulo ko.

"Hindi kaya ! Yung nagdemo sa youtube kulot din ang buhok niya tulad ng iyo."

"Wala akong pake."

Sabi ko.

"Bakit ka nga ba nagpa straight Yanah ? Hindi naman sa panget ka sa looks mo ngayon pero mas nagagandahan talaga ako sayo kapag kulot ang hair mo."

Sabi ni Aira na nakikinig pala sa akin.

"I need to moved on, so I think its my way to start of moving on by changing my looks."

"Sabagay, gawain talaga ng babae ang ganyan kapag nasaktan."

Sabi ni Aira.
"Definitely, ewan ko ba dito kay Cedric kung tanga o bobo at hindi nagets agad ang ginawa ko !"

"HAHAHAHA. Baka kailangan mo pang magpa kalbo para magets niya agad. HAHAHAAHA."

"HAHAHAHAHA. Oo nga Aira. Tanga eh noh ?"

"Grabe ka naman sa akin Yanah, malay ko bang nagluluksa ka pa din ? HAHAHAHA."

"Tanga ! Hindi na ako nagluluksa. Bobo ka ba talaga ? kasasabi ko lang na nagmomove on na ako. Antagal tagal ko nang nagpa straight ngayon ka pa nagreklamo ! HAHAHAHAHA."

Sasagot pa sana si Cedric nang sumigaw si Ryan.

"Ang ingay niyo naman ! Kita niyong naguusap kami ni lalabs eh !"

"Kung gusto mo bumaba kana pre."

Sabi ni Cedric.

"Mukha mo ! Ikaw kaya pababain ko ?! Ang ingay mo para kang bading !"

"ikaw----"

"oooppsss tama nayan baka magsabunutan pa kayo diyan. Tumigil kana Cedric maingay ka talaga. HAHAHAHA"

Habang kinakalikot ko ang cellphone ko ay hindi ko namalayang tinitignan ko pala ang sarili kong account sa instagram at tinitignan ang mga previous post ko. Napangiti ako nang makita ko kung anong itsura ko noon parang napaka isip bata ko tignan dahil sa kulot na buhok ko. Kaya mas gusto ko ang itsura ko ngayon mas mukha akong matured tignan dahil sa straight kong buhok. Nagpastraight ako simula nung mamatay si Uli, dahil paulit ulit na nagpaplay sa utak ko ang sinasabi niya kung gaano niya kagusto ang buhok ko na may kulot sa dulo. Pero hindi ko pa din magawang pagupitan ito dahil mas bagay pa rin sa akin ang mahabang buhok.

my REAL photographer who captured my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon