Chapter 20

22 9 0
                                    

Ryan POV

Nakaalis na sila Yanah at Louie pero kaming naiwan ay halos hindi makapagusap usap dahil nababalot ng kaniya kaniyang pagiisip. Hindi namin alam kung tama ba ang ginawa namin, o mali bang nanghimasok kami. Basta iisa lang ang layunin namin, ang malaman ang totoo.

Gusto niyo ba malaman ang nangyari kagabi ?

-FlashBack-

Umakyat na sa kwarto nila si Aira at Yanah. Naiwan naman kaming apat nila Louie, Michael at Cedric. Nagkwentuhan kami tungkol sa kung anu ano hanggang nauwi kami sa pagtatanong tungkol sa buhay ni Sir Louie.

"Alam mo sir Idol kita eh, ang galing mo magturo tapos photographer ka pa ? hahahaha. astiiiig !"

Sabi ni Michael.

"oo nga sir, bakit hindi ka na lang nagfocus sa pagpophotographer ?"
Tanong ko.

"Ang pagkuha ko kasi ng litrato ay hilig ko lang kumbaga hobby na matatawag pero hindi ko nakikita ang sarili ko na ito ang magiging propesyon ko sa pagtatrabaho."

"bakit sir? ang pagtuturo ba ay nakita mo sa future mo."

"Hindi din, sinubukan ko lang naman ito at alam ko sa sarili ko na hindi ako tatagal sa pagtuturo. I just wanna share my knowledge."

"Sabagay sir, nagagamit mo pa din yung hobby mo doon sa pagtuturo noh ?"

Sabi ni Cedric. Tumango naman si sir at nagsalita.

"Basta nakikita ko ang sarili kong nagpaplano sa magiging bahay namin ng magiging asawa ko."

"Yuuuuun ohhh! HAHAHAHAHAHAHA."

tawanan naming lahat.

"Bilib nga ako sa inyo eh kasi nagkakaroon kayo ng time na magkakaibigan sa mga okasyong ganito."
Sabi ni Sir.

"Ganun talaga sir pare pareho din kasi kami ng mga trip kaya madalas kami magkasundo. Eh ikaw ser ? Wala kang tropa?"

Sabi ni Michael.

"Sabing wag niyo na akong tawaging sir eh. Hmp. Nagkaroon ako ng mga kaibigan sa Canada pero sa loob lang g school. Tipong kasabay mo kumain pero pag nasa labas na ng school at nakanya kanya na, wala na. Busy na kaming lahat."

"Ganun kayo kabusy doon sir este louie ?"
Gulat na tanong ni Cedric.

"Yup mabilis kasi ang turo doon tapos mabilis din ang mga dea line ng mga pasahan ng Sketch plans, mga project or research. Tulog lang talaga ang pahinga mo. HAHAHAHAHA."

Sabi ni Louie sa amin.

"Grabe hindi ko yata kakayanin yung ganun baka mabaliw ako."

Sabi ko.

"Naku ganyan din ang naisip ko lalo na kapag may mga projects ka na nalate mo nang ipasa tapos ayaw nila tanggapin. Gabe nakaka frustrate, nakakabaliw."

Sa mg kinkwento ni Sir ay namumuo sa utak ko kung paano ang naging buhay niya doon sa Canada.

"Nga pala, uwi na ako bukas ng hapon ah ?"

"Bakit ambilis naman nun Louie. Hindi pa tayo nakakagala ng magkakasama."
Sabi ni Michael.

"Nakuu para sa akin ay nakagala na ako dahil nakapunta ako dito. Saka may aasikasuhin kasi ako pupunta akong Cebu sa susunod na araw kaya may kailangan akong tapusin bukas para wala na akong poproblrmahin."

"Ano bang gagawin niyo dun Sir ?"
Tanong ko.

"May hahanapin lang akong importanteng tao."

my REAL photographer who captured my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon