Chapter 13

19 9 2
                                    

Alyanah POV

Dalawang buwan ang lumipas at halos tumira na kaming dalawa sa Ospital. Dito na ako natutulog araw araw, uuwi lang ako kapag wala na kaming damit ni Uli. Dito ako dumideretso kapag galing sa School, ni hindi ko nga makumpleto ang isang linggong pagpasok sa school dahil kailangan ko siyang samahan sa mga treatment niya. Pakiramdam ko ay anytime babagsak na lang ang katawan ko sa pagod. Lagi akong kulang sa tulog dahil kailangan kong magcatch-up sa mga lesson namin na hindi ko napapasukan, puyat din ako sa kakagawa ng thesis at pagrereview tuwing may mga quiz. Naiintibdihan naman ako ng mga teachers ko kung bakit minsan hindi ako nakakapasok pero ang bilin nila ay tuwing may quiz, pasahan ng projects at exam ay kailangan kong pumasok. Tinutulungan din ako ng mga classmate ko, pinapahiram nila ako ng notes o kaya minsan ay tinuturuan ako.

Dumaan na din sa surgery si Uli pero hindi natanggal ang tumor niya sa utak, binawasan lang. Masyado kasing delikado kapag tinanggal pa daw ito baka daw ma damage ang utak niya. Naguundergo din siya sa ilang treatments at umiinom ng mga ilang pain killers kapag sumasakit ang ulo niya. Sa ganitong gawain ko araw araw nararamdaman ko din ang pagod pero sa tuwing didilat ako at makikita ko siyang nakaratay sa kama, nagbibigay ito ng lakas sa akin na hindi dapat ako sumuko kasi kapag sumuko baka pati siya sumuko at mawala na lang sa akin bigla.

Kasalukuyan kong pinapakain si Uli kailangan kong bilisan kasi kailangan niya pang uminom ng gamot. Habang sinusubuan ko siya nakatitig lang siya sa akin.

"You look exhausted babe."

Napatingin ako sa kaniya at pilit na ngumiti.

"Okay lang ako."

"Ang payat mo na, hindi ka na sexy."

"Okay lang basta naaalagaan kita."

At muling sinubuan siya.

"Sorry dahil sa akin nahihirapan ka."

"Mas nahihirapan ako kapag nakikita kang ganyan kaya magpagaling kana."

"Hindi ko na din kaya ang ganito Iya."

Nagulat at natakot ako sa sinabi niya.

"w-wag ka ngang ganyan uli. Malakas ka ! kakayanin mo yan."

Ngumiti siya.

"Sayo ko yata dapat sabihin yan, kayanin mo kapag nawala na ako."

Ngiting sabi niya sa akin. Nagumpisa nang tumulo ang luha ko. Hindi ko kasi maisip kung akong gagawin ko kung sakaling dumating ang araw na yun mas iniisip ko na gagaling siya at babalik kami sa dati.

"Iya minahal mo ba ako ?"

Napatigil ako sa tinanong niya, Napaisip din ako sa sinabi niya. Hinahanap ko sa sarili ko ang sagot sa tinanong niya. Inalala ko kung yung naramdaman ko ba nung mga bata pa kami ay gaya ng naramdaman ko sa kaniya ngyon. Pero ang sagot ? hindi. Nakita ko sa kaniya ang pagbabago na hindi ko inaasahan nung bumalik ako at muli siyang nagbago nung siya ay sinagot ko. Pakiramdam ko nakikipaglaro lang din sa akin ang tadhana pero sinikap kong isaalang alang ang pagaalinlangan ko wag ko lang siyang iwan. Importante din siya sa akin, sobrang importante. Kaya di ko hahayaang mawala siya sa akin. Pero ang hindi mabubura ay yubg naging masaya ako sa piling niya.

Hindi pa din ako sumagot sa tanong niya patuloy na naglalakbay ang utak ko.

"I think, I will take as a yes and a no."

Nabalik ako sa reyalidad dahil sa sinabi niya.

"NO as a Lover and YES as a friend. Huwag kang magaalala hindi ko ikasasama ng loob yun. Mas nagpapasalamat ako dahil kahit ganun ang nararamdaman mo sakin, mas pinili mong manatiling kasama ako. Maraming salamat dun Iya. Tatanawin kong utang na loob yun."

my REAL photographer who captured my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon