Alyanah POV
After namin magdramahan sa covered court ay pumunta kami sa park ni Uli.
"kamusta kana ?"
tanong ko sa kaniya.
"okay lang naman ako. ikaw ?"
ang inaasahan ko pa namang sagot,
'ito gwapo pa din.'ang matured niya na masyado nakakapanibago simula kanina hindi ko pa siya naririnig na nagbiro.
"saan kayo lumipat ? grabe nakakahiya yung nangyari sa akin nung nakaraan ! tambay tambay pa ako sa harap ng bahay niyo wala na pala kayo dun ! hahahahaha"
pagbibigay buhay ko sa usapan namin.
"aah lumipat ako malapit sa papasukan kong school ngayon."
"oo nga pala noh ? pareho na tayong college."
tunango lang siya at ngumiti.
"Uli ? pwede ko bang itanong kung anong tunay na pangalan mo ? ket firstname lang."
ngiti kong tanong sa kaniya.
"C-codey"
"wow ampoging pangalan ! hahahahaha. sana sumang ayon sa mukha."
ngumiti lang siya. Inaasahan ko pa naman gaganti siya ng panlalait sa akin. Pakiramdam ko anlamig ng paikitungo niya sa akin.
"hindi mo man lang ba tatanongin ang pangalan ko ?"
"sige ano ba pangalan mo ?"
"Alyanah Riz Alavarez. Ang ganda noh ? sing ganda ko. hahahaa"
"maganda ka naman talaga."
seryosong sabi niya at namula naman ako dun.
"nga pala sila Tita beth ? na saan ? kasama mo ba sa bahay mo ngayon."
umiling siya.
"oh saan ?"
"actually wala na si m-mommy."
"ha ? saan nagpunta ? ibang bansa ?"
"i mean patay na siya."
"what ? s-sorry to hear that. Pero pwede ko bang itanong kung ano nangyare ?"
"car accident kasama si Daddy."
"s-sorry ngayon ko lang nalaman."
"okay lang. I've moved on."
mapait na ngiti niya sa akin.
"Si labo pala nasaan ?"
"aah nasa Canada na siya doon daw siya mag aaral ng College."
"sayang naman hindi ko siya maabutan. Ano palang name nun ?"
"T-travis."
"woowww. Sing seryoso niya yung pangalan niya. hahahaah. nakakatuwa naman. Yung parents niya naiwan dito o kasama niya doon ?"
"sa totoo lang kasama sila sa Car accident na nangyari kila m-mommy."
"seriously ?!!! grabeee kaya siguro siya umalis noh ? para makapag move on din. haiyyy. nakakalungkot naman."
tango na naman ang isinagot niya sa akin.
"nagkakausap pa kayo ?"
"sa ngayon hindi pa."
"kawawa naman siya wala siyang kaibigan dun."
"magkakaroon din yun basta ako ang kailangan ko ngayon ay ikaw."
napatitig ako sa kaniya. Nakita ko ang lungkot sa mata niya siguro nga kaya pakiramdam ko ay nagbago siya dahil sa nangyari sa magulang niya. Dahil doon ay paramg naging matured siya. Siguro ito ang kailangan kong gawin ngayon ang samahan siya at hanggat maari hindi na siya muling iwan. Pakiramdam kong kailangan niya talaga ako.
Please Vote and Comment. :)
Add me / Follow me on Facebook
-Search : Jemarie Bragais
Follow me on instagram
-Search : ishi.yuan
Follow me on twitter
-Search : @dyeembragais
Join on my Group
-Search : ishiyuan's Stories
Kindly like my Facebook Fanpage
-Search : ishiyuan worldTHANK YOOOOUUUUUUU !!!
BINABASA MO ANG
my REAL photographer who captured my heart
Aktuelle LiteraturPatungkol ito sa babaeng pinaglaruan ng tadhana na ang hangad lang naman ay ang balikan ang tunay na minamahal niya. Pero andaming mangyayari bago niya mahanap ang hinahangad niya.