Chapter 16

26 8 0
                                    


Someone's POV

Papunta ako ngayon sa Umber University napagdesisyonan ko kasing magturo muna habang wala pa akong nakukuhang project bilang Architect. Nalaman ko din na dito nagaaral yung girlfriend ni Labo kaya dito ko na din napagpasyahang magturo. Sa huli kasing paguusap mga isang taon na ang nakalilipas ay alagaan ko daw ang mahal niya. Natawa pa ako noon sa sinabi niya at binirong 'bakit mamamatay kana ba bro?' pero hindi ko akalaing ganun pala ang ibig niyang sabihin. Hindi kami madalas magkausap pero sa apat na taon na pananatili ko sa Canada masasabi kong 'keep in touch' pa rin kaming dalawa.

Papasok na ako sa Umber University. Malaki din pala itong university nila pero sa tingin ko mas malaki ang sa amin doon sa Canada. Kaya ganap na akong Architect ay dahil graduate na ako nitong taon lang din. Mas mabilis kasi ang sistema ng pagaaral doon yun nga lang magiging sobrang busy ka dahil in time to time ay may ginagawa ka talagang mga projects at pagtulog na lang ang pahinga mo.

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa Admin Office ng School nakatingin lang ako sa blue print ng school bilang guide ko kung saan ito banda. Pagliko ko sa isang pasilyo ay may nabangga ako, at sa lakas o gulat niya ay natumba talaga siya.

"Aray ko po ! Ansakit ah ? Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh !"

Pagkatingin ko dun sa babae na nakaupo sa sahig ay nagulat ako kung sino ito. Siya yung babaeng maldita na bumato sa kotse ko.
Hindi niya ako tinitignan dahil busy siya sa pagpulot ng mga gamit niya na nabitawan niya nung natumba siya.

"Kung tumitingin ka din sa dinadaanan mo,eh di sana hindi mo ko mababangga dahil maiiwasan mo ako !"

Napatingin siya sa akin dahil sa sinabi ko. At nanlaki ang mata niya nang mapagtanto niya kung sino ang kausap niya.

"Ikaw na naman ?!! Sinusundan mo ba akooo ?!"

"at bakit naman kita susundan ? aber ?"

"dahil sa binato ko yung kotse moo !"

"ayy oo nga pala noh ? buti pinaalala mo ! Sige mamaya na kita sisingilin mag withdraw ka muna ng pera dahil medto malaki laki ang sisingilin ko sayo !"

"Ang kapal ng mukha mo ! Hinding hindi kita babayaran noh ?! Parang singlaki lang bukol yung ikinalubog nung likod ng kotse mo ! Tapos sisingilin mo pa ako ?"

"Oh di sige, wag kang magbayad ! Tamang tama pa naman papunt ako sa Admin ng School niyo. Isusumbong na lang kita tutal kakadaldal mo alam ko na ang buong pangalan mo."

Himdi niya kasi namalayang nakatingin ako sa ID niya at pilit na binabasa ang pangalan niya, Alyanah Riz Alvarez pala ah ? Hah, yari ka ngayon.

"T-teka ? Bakit ka pupunta dun ? Napaka sumbungero mo naman yata ?"

"Minsan lang lalo na kung hindi madala sa usapan ang kausap ko. Nung last na nagsumbong ako sa Admin ng School namin noon dahil din sa mahirap kausap ayun di siya nakagraduate."

Nanlaki naman ang mata niya dahil sa sinabi ko. Pero maya maya ay umirap ito sa akin.

"Leche, sige na babayaran na kitang animal ka !"

Sinasabi niya yun nang hindi siya nakatingin sa akin. Napangiti naman ako sa kaniya. Wala naman akong balak na singilin siya, inaasar ko lang talaga siya. Naalala ko,bigla kung bakit ako nasa School na ito kaya naglakad na ako uli.

"S-san ka pupunta ?"

"Sa admin."

"Bakit ka pa pupunta dun ?! Eh babayaran na nga kita ?!"

"Chill, hindi naman kasi ikaw ang ipinunta ko dito wag kag feelingeraa."

At tuluyan na akong lumakad paalis. Naririnig ko pa siyang nagdadaldal doon pero hindi ko na siya pinansin.

Lumipas ang ilang oras nang pakikipagusap ko sa Chairman ng School ay tinanggap na din ako bilang professor kahit na hindi pa ako nag mamasteral. Ang pagaaral ko daw sa Canada ay isang malaking advantage na.

Lumipas ang ilang linggo at nagsisimula na akong magturo sa University hindi ko na din nakita ang babaeng madaldal na yun. Pero alam kong anytime magkakaroon uli kami ng chance na magkita. Papunta ako ngayon sa Apartment ni Labo, nalaman ko na kasi kung saan ito. Baka makakuha ako ng anumang bagay na makakatulong sa akin para mahanap yung Girlfriend niya.

Nang mahanap ko ang apartment niya ay natuwa ako dahil malapit lang ito sa University hindi ako masyadong malelate kung sakaling magtatagal ako dito. Bumaba ako ng kotse at dumiretso sa pinto ng apartment. Inaasahan ko na nakalock ito kaya kumuha ako ng card at pilit na sina swipe ito sa gilid ng door knob para bumukas. Nagulat na lang ako ng bigla itong bumukas at pinaghahampas ako ng walis tambo. Halos mapuwing ako at maubo dahil mismong pangwalis ang ipinapalo niya sa akin.

"Sino kaa ?! Ang aga aga ! Ang laka ng loob mong magnakaw !!!! HAYUUPPP kaaaa !"

Walang tigil niyag pagpalo sa akin.

"Tekaaa langgg, aray ko po ! Hindi ako magnanakaw ! Hindi ko naman ala na,may tao sa loob. Aray, Kung alam ko lang sana eh di kumatok ako."

"Bobo ! Sana sinigurado mo muna at kumatok ka muna para malaman mo kung may tao !"

"Sorry naa hoooo."

At tumigil siya kaya napatingin ako sa kaniya at parehong gulat ang nakita sa aming mga mukha.

"IKAW NA NAMAN ?!"

Sabi niya.

"Hayuuup ka din mang stalk ano ? Pati bahay ko inalam mo ?! Grabe ganyan ka kamukhan pera ha ?"

Parang hindi ko naririnig ang sinasabi niya. Ang dami biglang tumatakbo sa isip ko. Ibig sabihin ba may posibilidad na itong babaeng ito ang kasintahan ni Labo ?

'Tol naman, bakit ang maldita nang pinili mo ?! Paano ko aalagaan ang isang halimaw na nagtatago sa napakagandang anyo !'





Please Vote and Comment. :)

Add me / Follow me on Facebook
-Search : Jemarie Bragais
Follow me on instagram
-Search : ishi.yuan
Follow me on twitter
-Search : @dyeembragais
Join on my Group
-Search : ishiyuan's Stories
Kindly like my Facebook Fanpage
-Search : ishiyuan world

THANK YOOOOUUUUUUU !!!

my REAL photographer who captured my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon