ALYANAH POVHalos isang buwan at kalahati na simula nung magumpisa ang klase. Sobrang nageenjoy ako sa kursong pinasok ko. At ganun din si Uli sa pinili niyang kurso. Umpisa pa lang noon ng klase ay nagtry-out agad siya sa basketball. Kahit na pinipigilan ko siya dahil baka hindi siya makapag focus sa pagaaral niya ay ayaw niya pa din papigil. Syempre wala na din akong nagawa.
Kasalukuyan akong papunta sa canteen dahil vacant ko. Balak ko sanang kumain habang nagrereview. Pagkapasok ko sa canteen ay may lalaking sumigaw at tinawag ang pangalan ko.
"Alyanah."
Agad kong hinanap kung sino ang tumawag sa akin.
"dito Alayanah."
At agad ko naman nakita kung sino ito. Si Michael pala, yung kateam-mate ni Uli. Agad naman akong lumapit sa table niya.
"Oh kamusta ? takaw ah. hahahaha"
pang aasar ko sa kaniya.
"syempre pagod ! ikaw kaya magpractice ng basketball."
"nasan na nga pala si Codey ?"
"Codey codey ka dyan ! bat ba tinatawag mong codey yun ? hahahaha."
"Kasi ho pangalan niya yun ! tanga ka ?"
"Yun ba pangalan niya ?"
"oo, tanga neto ! Ka team mate mo di mo alam pangalan ? hahahaha."
"hindi kasi yun ang ginagamit niya."
nagulat naman ako at nagtaka.
"anong ibig mong sabihing iba ?"
"bobo ka ? ano ba yung iba ? different, hindi pareho sa alam mo at alam ko. hindi mo alam ? tanga neto. hahahahaha."
"gaguuu. ano bang ginagamit niyang pangalan ?"
"hahahahaha. Matthew, wag mong sabihing di mo alam ? hahahaha. tanga amputek !"
pang aasar niya sa akin. Hindi naman ako naooffend mas gusto ko nga yung ganito kausap kahit na madalas mukhang tanga lang. Pero hindi ko pinansin ang pang aasar niya naglakbay ang isip ko dahil sa sinabi niya.
'bakit iba ang ginamit niyang pangalan ?'
Nabalik ako sa reyalidad at binatukan si Michael.
"Sa pagkakaalala ko ang una kong tanong sayo ay kung nasaan si Codey eh ! San san pa tayo napunta."
"hahaahahha. asar talo amputs ! Tanga ka lang eh. Baka nandun sa Library yun ngayon may report daw siya sa isang subject."
Tinapos ko ang pagkain ko at agad akong tumayo. Pakiramdam ko ang tanga ko talaga dahil marami akong hindi nalalaman sa nangyayari pero sana balang araw mabigyan sagit din ito ni Uli.
"Aalis ka na agad ?"
"duuh.. malamang ! pupuntahan ko pa si Codey at may pasok pa ako."
"sige, nga pala pakisabi kay Mattew punta siya sa Condo ng Friday Night."
"bakit anong meron ?"
"birthday ko."
"bakit hindi ako invited ?"
"hahaha. wag kana bawal tanga dun."
"tseeee. Tignan ko lang maging grades mo ngayon pag nakita kung may bagsak ka. Tatawanan talaga kita at sasabihin kung sino mas tanaga saten. hahaahha"
BINABASA MO ANG
my REAL photographer who captured my heart
General FictionPatungkol ito sa babaeng pinaglaruan ng tadhana na ang hangad lang naman ay ang balikan ang tunay na minamahal niya. Pero andaming mangyayari bago niya mahanap ang hinahangad niya.