Chapter 4

36 9 1
                                    


ULI POV

Simula nang araw na nabully si Iya ay hindi na ito naulit dahil natakot din sila nang pumunta ang mommy ko para kay Iya. Simula din noon ay palagi ko nang sinusundo si Iya sa classroom para kumain sa canteen at isabay pauwi. Pagkauwe namin galing school ay sa bahay na ang diretso namin. Magmemeryenda tapos gagawa ng homework sa kwarto at sabay na umiidlip sa kama pero wag kayong magaalala may unan naman kami sa gitna. Pero sa sobrang likot niya matulog wala ding halaga ang unan na nagpapagitan sa amin dahil ang palaging pwesto namin pag gising ay naka tanday na ang mga paa niya sa tiyan ko at ang ulo niya ay mahuhulog na sa edge ng kama. Ganun siya kalikot matulog.

Kasalukuyan kaming nandito sa kwarto gumagawa ng project niya sa English. Tnutulungan ko siya since wala naman akong homework.

"Nakakainis naman wala ako masyadong pictures nung bata ako. Naiwan sa Cebu."

"Bakit ba kailangan ng pictures ?"

"project nga kasi namin ay parang history ng buhay namin. Mga larawan na meron kami at kung ano ang meron sa larawan na yun. Mga ganung keme."

"Wala ka bang mga pic sa cellphone mo ? iprint mo nalang !"

"Shongaaaa ! simula nga nung bata ako ! alangan bata pa lang ako may cellphone nako ?! mag isip ka nga ! nasan na naman yang utak mo ? Nasa pwet mo ?"

"tsssss. dami mong alam."

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Kelangan nga niya ng pictures nung bata ? pwede kaya yung mga kuha ko sa kaniya noon ? naaaaah. baka asarin niya lang ako pag nalaman niyang halos dalawang kahon ang mga pictures niya na nakatago sa akin. Pero kawawa naman to pag dko tutulungan.

"ahm Iya pede na ba yung mga panahong nakilala ka namin ni Labo ? o dapat yung baby na baby kapa ?"

"hmp. siguro pede na yun. Mahihirapan talaga ko humanap kung baby pa ang kailangan ko. Bakit meron kaba dyan ?"

biglang nagliwanag ang mukha niya tila may naalala.

"ayyy oo ! diba nagpapapicture ako sayo noon ? na sayo ba yun ? ano meron ka ba nun ?"

okay lang sana kung ang makita niya sa box ay yung mga kuha na alam niyang kinukunan ko siya. eh paano yung mga panahong patago ko siyang knukunan ? eh yun nga ang nagparami ng picture niya sa akin. patay tayo netttoooo ! ang masaklap pa nagkahalo halo na yung mga pictures niya sa dalawang kahon yung mga picture na alam niya at hindi niya alam. pano na to ? malalaman na kaya niya na gustong gusto ko siya. bata pa lang kami !

"Hoy ! kinakausap kitaaaaa ! meron kaba kako dyang mga mukha ko ?"

"m-meron."

yari na talaga ako neto.

"oh asan na ? hanapin mo na."

"di ko na maalala kung saan ko nalagay hahanapin ko nalang mamaya paguwi mo."

"tangek ! ngayon na natin hanapin bukas na pasahan ng project ko !"

now im dead.

"daliii hanapin na natin."

napabuntong hininga na lang ako. Mukhang kailangan ko na ihanda ang sarili ko sa mangyayari. Mukhang malalaman na niya ang lahat.

pumunta ako sa closet ko. andun kasi lahat ng mga tinatago kong bagay na mahalaga sa akin.
Nunga nakita ko na ang dalawang kahon. Napa buntong hininga ako. isang kahon lang ang kinuha ko dahil baka mamatay sa kakatawa si Iya pag nakita niyang dalawang kahon ang naipon ko dahil lang sa gusto ko siyang kunan.
Lumapit ako sa kaniya at nilapag sa harap niya ang kahon. Seryoso ang mukha ko na tila wala lang sakin ang inabot ko sa kaniya pero sa loob ko halos lumabas na ang puso ko sa lakas ng kabog nito sa sobrang kaba.

"ano to ?"

binuksan niya ito at nanlaki ang mga mata.

'easy ka lang Uli. Wala pa siyang sinasabing masama'

"wooooww ! ako ba ang lahat ng to ? ang ganda ko pala talaga no ? grabeeee. naiinlab ako sa sarili ko. tignan mo to oh ? grabeeee. parang professional model ang dating ko dito, pang BILLBOARD !"

syeeet. totoo ba to ? okay lang sa kaniya ang mga nakita niya ? wala ba siya itatanong kung bakit isang kahon yun na actually dalawa pa nga ? anoooo ? okay lang ba talaga ?

"tignan mo to oh ? diba yan yung araw na kinasal tayo ? grabeeeee. ang ganda ng kuha ko dito. amaaaazingggg ! kuha mo ba ang lahat ng to ?"

naiilang na tumango ako.

"ang galing mo na pala kumuha ng pictures bata ka pa lang noh ? grabeee. hindi ka nagkamali sa ginawa mong model lalong lumabas yung galing mo dito."

umaatake ng kahanginan tong taong to pero atlis nakahinga ako ng maluwag na wala siyang negative na reaksyon.
Nagumpisa na siyang piliin yung mga gusto niyang picture niya. Syempre yung pinipili niya yung sobrang gamda niya sa picture na halos para sa akin ay lahat ng yung ay napakagaganda. Sinusulat niya kung anong meron o nangyari sa picture na yun minsan pag di niya maalala kung kailan ko kinuha yun ay ako ang kekwento sa kaniya. Hindi ko rin inaasahan na naalala ko ang lahat ng yun makita ko lang ang kapiraso ng mga larawan niya ay biglang nagfflashback sa utak ko ang nakaraan.

Natapos namin agad ng project niya. Naglinis kami ng kalat at napagpasyahan ng umidlip dahil na din sa pagod. Habang nakahiga kami sa kama ay nagsalita si Iya.

"Hindi ko akalain na ang dami ko pictures sayo."

biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ito na yata yuuuun. Syeeettttt.

"ah kaseee sabi ni Labo ikaw daw ang kunin kong model habang ini enhance ko ang pagpphotography."

'I lied.'

"Siguro bata ka pa lang gandang ganda ka na sakin noh ? amininnnn ! hahahahahaha."

'syeeet'

"asa ka ! si labo lbg ang nagagandahan sayo ! pang anghek daw mukha mo pero para sakin pangdemonyo ang ugali moooo. hhahahaa"

tumingin siya sakin at pinalo ako sa braso

"at dahil sakin kaya gumaling ka magpicture ?"

"syempre hindi ! nasa paraan ko pa din ng pagkuha yuun. extra kana lang dun sa effort ko."

pagssinungaling ko ulit dahil ang totoo ay isa siya sa dahilan kung bakit natuto ako kumuha ng maganda dahil hindi ko siya tintigilang kunan hanggat hindi ko napeperfect.

Hinampas niya ako ng unan.

"sira ulo kaaaa ! ang yabang moo alam mo ba na pag nadiscover ang mga pictures ko ako ang sisikat at hindi ikaw dahil photographer ka lang. ! ako maganda ako !"

gumanti ako sa paghampas ng unan. Paghampas sa ulo niya pakaliwa ay muntik na siyang mauntog sa headboard ng kama.

"HAHAHAHAHAAHA. LAMPA !"

At ang ending ? walang katapusang hampasan hnggang sa hinagis ko sa mukha niya yung unan at nahulog siya sa kama sa lakas. Kasabay ng pagbagsak niya ay bumukas ang pinto ng kwarto.

At pumasok si ..

LABO.

'bakit ngayon ka pa dumating ? kung kailan masaya kami.'








Please Vote and Comment. :)

Add me / Follow me on Facebook
-Search : Jemarie Bragais
Follow me on instagram
-Search : ishi.yuan
Follow me on twitter
-Search : @dyeembragais
Join on my Group
-Search : ishiyuan's Stories
Kindly like my Facebook Fanpage
-Search : ishiyuan world

THANK YOOOOUUUUUUU !!!

my REAL photographer who captured my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon